Chapter 4: Aura
Simula ng araw na yun ay lagi na kong nakakaramdam na parang may nakatingin sa akin o di kaya parang may sumusunod. I don't know if I am just being paranoid or what.
I tried to convinced myself na guni guni ko lang ang lahat. Like how I was walking silently habang papuntang restroom kung nasaan nandoon raw si Leandra. Tahimik na ang university, tumambay pa kami kanina sa may library dahil malapit na ang midterm. Sa sobrang daming mga activities na ibinibigay sa amin, kailangan na talagang mag aral agad kapag magkakaoon ng bakanteng oras.
Wala na ngayong estudyanteng nakakalat sa hallway. At dahil doon, naging alerto ako sa paligid dahil baka may nakasunod nanaman sa'kin.
I have been wondering kung isa ba yun sa mga kaluluwa o tao mismo. At kung may sumusunod man sakin ano ang maaaring dahilan? Hindi naman ako nagkaroon ng atraso sa kahit na sino simula ng magsimula akong mag aral dito.
Nakatungo ako habang naglalakad at nag iisip ng kung ano anong mga bagay na nangyari nitong nakalipas na araw nang mapansin ko na parang babangga ako sa kung sino kaya umiwas ako.
Nang makaiwas ako, tsaka ako natauhan sa nangyari. Mabilis na napalingon ako sa aking gilid at nagulat.
Our eyes met at tulad ko ay gulat din siya. Tila hindi niya inaasahan ang magiging reaksyon ko at hindi ko rin inaasahan ang makikita ko.
He is not in this world! Nakaawang ang kaniyang mga labi at nanlalaki ang mga mata na tila hindi makapaniwala sa aking ginawa. Nagsimula akong kabahan nang tumama ang paningin naming dalawa. I think nagulat siya dahil sa kaalamang tumabi ako at nakakatitigan ko siya ngayon. It is like he is not expecting that I would saw him.
Ang reaksyon niya ay tiyak akong sumasalamin sa aking reaksyon dahil nagulat talaga ako sa kaniyang presensya.
Hahakbang pa sana ako ng paatras nang makita kong may kamay na nagwagayway sa may mukha ko. Dahil doon natauhan ako.
"Earth to Ivana?" Rinig kong boses ni Leandra at nilingon ko siyang nasa harapan ko na pala.
"Leandra" tanging nasabi ko dahil ang atensyon ng aking sistema ay naka focus pa sa lalaking nasa gilid ko. His face are familiar pero nawalan ako ng oras makapag isip kung saan ko ba siya nakita nang mapansin ko nawala na siya sa may peripheral vision ko. Tinry ko lingunin siya gamit mata ngunit wala na siya kaya napalingon na ko sa likod at doon ko nakitang naglalakad siya palayo.
"Ivana! Are you okay?" Napakurap kurap ako nang marinig ko na mas nilakasan ni Leandra ang boses niya para lang mapansin ko.
"I'm sorry." Ang tanging nasabi ko at wala parin sa tamang pag iisip sa oras na 'to.
"What happened? Parang nakakita ka ng multo diyan! Sino bang tinitignan mo?" Sabi niya pa at kinabahan ako lalo dahil sa sinabi niya. Wala pang nakakaalam na nakakakita nga ko ng multo, kung tawagin nila. I called them souls. Souls that are not yet at peace. Lumingon pa siya sa likod ko at parang hinahanap niya kung sino ang tinitignan ko kanina.
"Wala yun. Sorry! Guni guni ko lang yun! Tara na umuwi na tayo." Pag aya ko sa kaniya. Tinitigan niya lang ako at nakakunot ang noo. Kinabahan naman ako pero hindi ko pinahalata at tinitigan din siya. Sa huli napakibit balikat nalang din siya at kumapit na sa braso.
"Alright, let's go home! Feeling ko nasosobrahan ka na talaga sa pag aaral at kailangan mo na ng pahinga!" Sabi niya pa.
Hindi naman sa ayokong ipaalam kay Leandra na mayroon akong third eye, ayoko lang na magbago ang tingin niya sa akin. I already have a lot of experiences towards other people knowing my ability. They are scared of me and some called me weird or crazy. At isa pang dahilan ay gusto kong umiwas na sa kanila. Because like my mother said, I shouldn't interfere in their world.
Pagkarating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nilapag ang gamit sa may study table, at pabagsak na humiga sa kama. Iniisip ang nakita kanina.
I think I saw him. He looks good and he's wearing a uniform. He's tall at tingin ko hanggang balikat lang ako, maputi at malalim ang mata. Kulay gray din ang kaniyang mata na dumagdag sa kagandahan nito, tamang tama pa na sa kaniya mismo nakatutok ang sinag ng araw kanina na nagpadagdag sa tingkad ng kulay ng kaniyang mata.
There are certain characteristics para malaman kung nabibilang na ba sila sa kabilang mundo. Their aura are highlightened that I can even see it. If you are alive, certain people can only see or felt your aura, pero sa mga kagaya ko, nadedepina ito sa mga kagaya nila.. Doon rin nakikita if the souls are bad or good. They are like normal people except their highlightened aura. They are not those bloody ghost na napapanood sa movie. Hindi mo rin malalaman on how they got killed like in the movies na may nagpapakitang pugot ang ulo, may hiwa sa katawan or what. They just wear the same clothes on the day they died.
Doon lang din nalalaman if that souls had been raped. They don't wear anything, that's why they are still scared even on the other side. May iba pa na sira sira ang damit. I can't help but to feel sad whenever I see one of those raped victims.
Ito ang dahilan kung paano ko nasabing isang raped victim ang babae sa may lab. Her uniform got ruined though hindi siya hundred percent na walang suot kung hindi ay walang butones ang kaniyang pantaas, mukha itong pwersahang binuksan. Kaya lagi siyang nakatungo at itinatago ang sarili. Even on the other side of the world, they don't feel safe. How cruel is that?
Back to the guy, he got a good aura. Kaya tingin ko mabait siya. Ipinatong ko ang aking braso sa aking mga mata at pumikit. Sa pagpikit ko na iyon, sumagi sa isipan ko ang lalaking nakatayo at tinititigan ang kaniyang nakaratay na katawan way back on the day of the accident. Simula sa pagtingin niya sa kaniyang katawan, paangat, hanggang sa magkatagpo ang aming mga mata.
Dali dali akong napamulat at napabangon.
That's him!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa aking naalala. Napahilamos ako sa aking mukha at halos mapasigaw ako sa gulat nang may biglang kumatok sa pinto.
"Vana! Kakain na!" Rinig kong sigaw ni Mama.
Napahawak ako sa aking dibdib. Jusko! Aatakehin pa ata ako sa puso. Why am I being so paranoid? It is not like he can do something about me.
"O-opo! Bababa na po!" Sinabi ko nalang at dali dali ng nagpalit ng pambahay bago bumaba at samahan si mama sa hapagkainan.
YOU ARE READING
Ghost Has No Feelings
General FictionFrancis Ivana has the ability to see people from the other side; she can see them but cannot hold them. Her mother also has this ability, and she warned Ivana that she shouldn't be engaged to any of them because it will only make her life miserable...