1

76 2 0
                                    

Chapter 1: Friend








"Wynter, nasaan ka?" pakinig kong tawag ni Ate Raissi mula sa labas ng aking maliit na silid.




Tumayo agad ako at tumungo sa kusina para tulungan si Ate na nagluluto ng aming hapunan.




"Po, Ate?"



"Ihanda mo na ang lamesa. Paparating na si Mama at Michelle," utos niya.




Sinunod ko siya at mabilis na kumuha ng dalawang pares ng placemats sa kitchen drawer. Nilapag ko iyon nang maayos sa dining table at naglagay din ng mga mababasaging plato, baso at mga kubyertos. Binuhusan ko ng juice ang bawat baso pagkatapos ay lumapit kay Ate upang maghintay sa darating niyang utos.




"May iuutos ka pa, Ate?" tanong ko.



"Wala na," ngiti niya.




Pinanuod ko si Ate habang naghihiwa ito ng sibuyas. Ang kanyang maputing kutis at payat ngunit malusog na katawan ay ang aking lubos na hinahangaan kay Ate. Matangos din ang ilong niya at may bilogang mata. Bukod sa angking ganda ni Ate Raissi, mabuti rin ang ugali niya na lalo kong tinitingala sa kanya.




"Magwawalis lang ako, Ate..." paalam ko sa kanya.




Habang hinahanap ko ang walis, bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa roon si Mitch at Atty. Solana. Patalon-talon akong nilapitan ni Mitch na may nakapaskil na malaking ngiti sa kanyang mga labi at bigla akong niyakap kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya pabalik.




"May iku-kuwento ako sa 'yo!" sabik niyang saad.




Napailing ako sa makalog na anak ng aking amo. Michelle has long dark wavy hair with brown highlights under it. Unlike Ate Raissi, Michelle is more lively and warm person. Makinis din ang balat at may gandang maipagmamalaki. Pareho kami ng pinapasukang eskuwelahan at parehong grade 9 student ngunit hindi kami magkaklase.




Binati ko si Atty. Solana matapos kong pakalmahin si Mitch at nakiusap na mamaya na lang kami magkuwentuhan. Magiliw akong nginitian ni Attorney.




"Kumusta exams mo kanina, Wyn?" tanong ni Attorney na tila isa ako sa mga minamahal niyang anak.




"Naging maayos po," magalang kong tugon.




I was ten when Atty. Solana decided to fostered me in their house. Tumutulong ako sa bahay na 'to sa paglilinis at paminsan-minsan nagtatrabaho rin akong assistant ni Attorney sa opisina niya sa tuwing wala akong klase. Iyon na ang nagsisilbing bayad ko sa pagkupkop nila sa akin nang walang hinihinging kapalit.




Laking pasasalamat ko sa MayKapal na sa kabila ng aking mga kasalanan sa mundong ito, binigyan niya pa rin ako ng pamilyang ituturing ako nang buong puso, hindi ako pababayaan at lagi akong aalagaan, kahit hindi nila ako tunay na kadugo.




Hindi ko alam kung suwerte pa ba ito o sadyang nakatadhana na sa akin ang lahat. Kahit na wala na akong pamilya, nandito sila para punan ang kulang sa pagkatao ko. Nandito sila upang hagkan ako. Sila na yata 'yong ibig sabihin ng katagang "Too good to be true". Sa sobrang bait nila sa akin, parang parati akong nananaginip. Hindi kapani-paniwala ngunit totoong nangyayari sa aking buhay.




"Saturday na ang alis mo, Ate, 'di ba?" tanong ni Mitch sa kalagitnaan ng aming hapunan. Katapat niya si Ate Raissi, samantalang nasa tabi niya ako at nakapuwesto naman si Attorney sa kabisera ng lamesa.




Latibule (Takeo Brothers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon