Chapter 2: Arrival
Sumungaw si Mitch mula sa kuwarto niya nang tinawag siya ni Ate Raissi, Sabado nang hapon.
"Michelle! Aren't you going to say goodbye to me?!" frustrated na sigaw ni Ate Raissi.
Nakatayo ako sa likod ng puting SUV nila at katatapos lang tulungan si Ate na ipasok ang mga bagahe niya sa SUV compartment. Mamayang alas sais pa ang flight niya ngunit maaga siyang magpapahatid kay Atty. Solana kaya't labis ang tampo ni Mitch na wala nang balak lumabas sa kanyang silid.
Nakahalukipkip si Ate Raissi habang nakasandal sa frame ng pintuan ng bahay, naghihintay sa kapatid niya. Kay Mitch na lamang siya hindi nakakapagpaalam at hindi siya makakaalis hanggat hindi niya nagagawa 'yon.
"Ayaw! I don't wanna bid my goodbye! I want you to stay here with me! With us!" humihikbi na giit ni Mitch.
Naiiling na tumawa si Ate. "Babalik naman ako. Sige ka, pag hindi ako makaalis ngayon hindi kita mabibilhan ng cell phone,"
Sampung segundo ang nakaraan, bumukas ang pinto ng kuwarto ni Mitch at tumulak ang anino niya palabas doon. Napangisi si Ate Raissi at sinunggaban siya ng mahigpit na yakap ni Mitch.
"Mamimiss kita, Ate Rai... 'wag ka nang umalis, please?" she pleaded that made me looked away from them.
Napatitig ako sa dulo ng aking tsinelas sa namuong luha sa gilid ng aking mata. I will also missed Ate Raissi so much. She's not just the eldest daughter of Atty. Solana, but inside of me I treated her as my only Ate. Naging malapit din ang loob ko sa kanya dahil sa mabait niyang pagturing sa akin. Wala na akong mahihiling pa kundi ang kaligtasan niya sa Japan.
"Saglit lang ako, Michelle. Hindi ako magtatagal. Mag-iingat ka rito, ha? Kayo ni Wynter," bilin ni Ate bago ako tinawag.
I approached them attentively when Ate Raissi pulled my hand and drowned me by her hug with Mitch. Nagyakapan kami at napahagikhik si Ate sa pagkakagapos niya sa amin. Napahinto rin sa pag-iyak si Mitch at nakitawa.
"Wala munang magbo-boyfriend sa inyo, ha!" banta ni Ate sabay binitawan kami. "Especially you, Michelle Rinehart! Bata-bata niyo pa para mag-boyfriend. Hindi bagay,"
Mitch pouted. "Of course! Baka ikaw nga mag-boyfriend ng Hapon do'n. Patay ka talaga kay Papa, Maryland Raissi," sumisinghot na wika ni Mitch.
Humagalpak si Ate at kinurot ang braso ni Mitch.
"Aalis na ako. Bantayan mo nang maiigi itong Michelle, Wyn. Sumbong mo sa 'kin kung boyfriend na sila no'ng Zack," panunuya ni Ate.
Nagkulitan sila hanggang sa pinatigil sila ni Attorney dahil kailangan na nilang bumyahe upang hindi malate sa flight ni Ate Raissi.
"Luto tayo ng popcorn, Wyn!" anyaya ni Mitch pagkaalis nila Attorney. "Movie marathon tayo. 'Yong vampire series,"
I thought she would bawl her eyes out more when her Ate Raissi went gone. Pero imbes na magmukmuk siya, ginugol niya ang kanyang oras para libangin ang sarili buong weekend. And all I did was to stick with her. Hindi ako nagreklamo o nagsalita tungkol sa mga bagay na pinapagawa niya sa akin dahil alam ko, ayaw niyang mangulila nang sobra sa pag-alis ng nakakatanda niyang kapatid.
I understand her. She wanted to distract herself for a meantime. Hindi madaling malayo sa taong nakasanayan mo nang nasa tabi mo. Lalo na sa taong minahal mo nang lubos. Kahit laging inaaway ni Mitch ang kanyang ate, nararamdaman ko na kaya niyang hamakin ang lahat, maprotektahan lang si Ate Raissi. I small beamed appeared on my lips.
BINABASA MO ANG
Latibule (Takeo Brothers Series #2)
RomanceWynter is a responsible, independent and smart woman. Maaga siyang naulila sa kanyang mga magulang kaya sa murang edad ay natutunan niyang magbanat ng buto. She has an ambitious dreams and won't give up easily. Kahit ilang beses mo siyang tapak-tapa...