Chapter 3: Awkward
Napalabi ako matapos ang hapunan namin. Lumipat sila Attorney sa salas habang nanatili ako sa kusina upang manghugas ng pinggan. Mula rito sa lababo, hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa ingay ng pag-agos ng tubig sa gripo. Kinagat ko ang parehong labi ko at napatulala sa pagbabanlaw ng pinggan.
As I finished my usual chores in the kitchen, I decided to took a bath and wore my comfy pajamas. Paglabas ko ng banyo, inaantok akong dinaanan ni Mitch patungo sa silid niya.
"Matutulog na 'ko, Wyn. Klase pa bukas..." sabi niya nang hindi ako nililingon. "Good night!"
Bahagya akong ngumuso. "Good night din!"
Pagbalik ko sa kusina para magsipilyo, napansin kong wala na si Attorney at Koby sa salas. Natulog na rin yata si Attorney since medyo natagalan ako sa banyo. Pagliko ko sa dingding na pinapagitnaan ang kusina at salas, nakasalubong ko si Koby at muntikan na kaming magbungguan. Umatras ako at nasapo ang aking dibdib. Nagtagpo ang aming mga mata.
"S-Sorry..." malambot kong wika.
His lips and eyes formed a smile. My stomach suddenly felt funny. I'm getting butterflies and I can't stop it!
"It's fine. Matutulog ka na?"
Pinilit kong itaas ang dulo ng aking labi sa panukling ngiti pero imbes na isang magiliw na ngiti ang ginawad ko, para akong timang dahil sa panginginig ng aking labi! I'm nervous! My knees were shaking at the thought of how near he was. And the way he asked me while speaking Tagalog with fluency!
Nahihiya kong hinaplos ang tuktok ng aking ulo. "O-Oo. Mamaya. Magsisipilyo pa kasi ako,"
His face lightened up for an interested question. "Ikaw ang huling natutulog lagi?"
Naiilang akong tumango. "Ako ang naglalock ng gate at pinto kaya huli akong natutulog. Ako rin ang unang gumigising sa umaga," tugon ko.
I can't concentrate answering his question. My mind is in maze, comparing our height, color and status. I feel so small. Hindi ko matiis makipagtitigan sa kanya gayong kahit sa itsura, wala akong panama. I want to slip out from this conversation. He's friendly while I looked like an awkward potato.
Walang salita ko siyang nilampasan habang kunyaring humihikab. Nang nakapagsipilyo, hindi pa rin humuhupa ang kaba ko. Panay sulyap ako sa likod at nang umalis na siya roon, saka lang ako nakahinga nang maluwag.
Mariin akong pumikit at sa pagdilat ng aking mata, pumasok si Robby sa silid-aralan namin na masiglang masigla na tila may hatid na magandang balita. Nginitian ko siya at binati ng magandang umaga sa malamig na Lunes.
"Morning! Oh, tinapay," inabot niya sa akin ang isang supot na may lamang limang piraso ng cheese bread at mainit-init pa. Malugod ko iyong tinanggap.
"Salamat..."
Hindi na bago sa akin ang pagbibigay ng tinapay ni Robby. Alam niya na paborito ko ang tinapay magmula nang naulila ako sa aking mga magulang. Naging pantawid gutom ko ang tinapay noon na siyang kasyang-kasya sa budget ng aking bulsa. Ito ang dahilan bakit nabubuhay pa rin ako at lumalaban sa kabila ng mapait na karanasan na dinanas ko sa kamay ng aking ama't ina.
Dumukot ako ng isang pirasong cheese bread sa supot at binahagi kay Robby. Without a word, he grabbed the bread and ate it. Habang ngumunguya siya, inaayos niya ang kanyang arm chair sa aking likod. Kumagat na rin ako ng tinapay at hindi ko mapigilang hindi kiligin sa tamis ng keso na aking nalalasahan.
BINABASA MO ANG
Latibule (Takeo Brothers Series #2)
RomanceWynter is a responsible, independent and smart woman. Maaga siyang naulila sa kanyang mga magulang kaya sa murang edad ay natutunan niyang magbanat ng buto. She has an ambitious dreams and won't give up easily. Kahit ilang beses mo siyang tapak-tapa...