"Kung mayroong tututol sa kasalang ito ay magsalita na o manahimik habambuhay."
Biglang tumahimik ang paligid, 'Pero maya-maya lang ay may Isang babaeng lumakad sa aisle patungo sa altar.
"Ako, Father...! Tutol po ako sa kasalang ito dahil ang lalaking ito na ikinakasal ay may dapat panagutan sa akin (sabay turo kay Nani). Siya po ang ama ng batang dinadala ko... " Umiiyak na wika ng babae.
Biglang natuon Ang paningin ng lahat sa babaeng palapit sa harap ng altar. Malaking-malaki na Ang tiyan nito. Marahil ay walo o pitong buwan na Ang ipinagbubuntis nito.
Titig na titig si Win habang papalapit ito sa kanila. Nang hustong makalapit sa kanila Ang babae'y nilingon ni Win si Nani. Nagtatanong Ang mga mata niya. Ang gusto niyang marinig ay i-deny ni Nani Ang sinasabi ng babae. Pero sa halip ay napayuko ito at napailing.
"P-patawarin mo ako, Win. Ayokong saktan ka. Pero mahal ko siya kaya Hindi kita puwedeng pakasalan."
Bagaman mahinang-mahina lang Ang pagkakasabi ni Nani sa mga katagang iyon ay tila niyanig ang buong pagkatao ni Win sa narinig.
"Hindi na po matutuloy Ang kasal, father." Baling ni Nani sa paring nagkakasal sa kanila ni Win. "Umuurong na po ako."
Napalunok si Win nang talikuran siya ni Nani at lapitan nito Ang babaeng buntis. Pero Hindi siya umiyak. Marahil ay dahil sa Sobrang pagkabigla kung kaya't Hindi niya nagawang makaiyak pa. Parang namanhid Ang buo niyang katawan pati na Ang kanyang isipan.
"Kawawa naman siya....
" Oo nga, Kawawa naman ang anak ni Señor Wanchai.... "
" Nakakahiya, di ba? Imagine iniwan siya sa gitna ng ceremonya, babae pa rin pala Ang gusto..Dinig na dinig ni Win Ang lahat ng iyon. Hiyang-hiya siya pakiramdam niya'y Hindi naman siya kinaawaan kundi inalipusta. Hindi niya na nakayanan ang lahat kaya't hinimatay siya.....
"Huh!"
Pawisan si Win at humihingal nang magising siya."Panaginip lang pala..." Mahina niyang usap sa sarili saka natitigilang naupo sa kanyang kama. Akala niya'y totoo na Ang nangyari. Na iniwan siya ni Nani habang ikinakasal sila, hindi lang dahil may dapat itong panagutan kundi iba Ang mahal nito.
Sunod sunod na napailing si Win sa sarili, pagkaraa'y nagdasal siya. Nang muli siyang mahiga sa kama'y Saka niya naisip kung bakit siya nanaginip ng ganoon. Dahil iyon sa kanyang papa dahil sa pag-iisip nito na iba ang gusto sa kanya ni Nani.
"Kuya Win, may naghahanap sa iyo sa ibaba." Tumingin si Win Kay Ice na noo'y nakasungaw Ang ulo sa bukas na pinto ng kanyang kwarto.
"Sino raw?"
"I don't know her. Pero may bitbit siyang baby "
Napa kunot Ang noo ni Win. Babaeng may bitbit na baby ? Sino iyon?
"Baka naman Isa 'yun sa mga taong tinutulungan mo sa may resettlement area sa kabilang bayan." Sabi ulit ni Ice sa kanya.
"Okay baba na ako."
Iniwan siya ni Ice. Si Win naman inayos ang sarili Bago lumabas ng kanyang silid. Pero NAGTAKA siya nang matanaw Ang Isang babaeng nakaupo sa sofa sa may beranda. Hindi naman ito mukhang aeta kaya sigurado siyang hindi ito sa mga tinutulungan niya sa Pantoc.
Agad tumayo Ang babae nang makitang palapit si Win. Ang baby na karga nito ay mga two or three months old.
"Yes? May kailangan ka raw sa akin?" Tanong agad ni Win nang makalapit sa babae. Naupo siya sa single couch na NASA tapat ng babae.
"Ikaw ba si Win Opasiamkajorn??"
"Yes, I am. Maupo ka na ulit."
"Salamat."
Hinintay niyang makaupo ulit Ang babae Bago ito muling inusisa ni Win.
" Saan ba Tayo nagkita? Sa Pantoc ka ba nakatira? "
Umiling Ang babae." Hindi, "anito" Hindi mo rin ako Kilala dahil Ngayon lang Tayo nagkita. Ako si Tu. "
" Tu? "
" Tu Tontawan, "sagot ng babae." Pero Ikaw ay Kilala ko sa pangalan dahil kay Nani.
Awtomatikong napakunot Ang noo ni Win nang banggitin ng babae ang lalaking nakatakda niyang pakasalan.
"Kilala mo si Nani?"
"Oo, Win. At hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, ka live-in! niya ako."
"What?" gulat niyang sambit. "What did you say?"
"Tama Ang narinig mo, Win. Two years na kaming magnobyo non nang ipasiya naming magsama ni Nani. Matapos Ang Isang taong pagsasama namin ay nagkaroon kami ng anak, ito siya. Two months old pa lang siya at hindi pa nabibinyagan. Ang gusto ni Nani ay next month pa raw namin siya pabinyagan.
" Ano Ang kailangan mo sakin, Tu? "putol niya sa sinasabi ng babae.
" Gusto Kong makiusap sayo, Win. Kahit na nangako si Nani sa akin na hindi niya kami pababayaan ng Bata ay ayokong umasa lang sa ganon.
Ayokong lumabas na kabit lang kapag kasal na kayo at lumaking walang ama ang aking anak na Bastardo.
"Wala akong magagawa sa sitwasyon ninyong mag-ina. Kapag kasal na kami ni Nani talagang kept woman Ang magiging labas mo at Bastardo Ang anak mo."
"Bilang Ina ay Hindi mo ako maiintidihan dahil hindi babae, Win. Pero bilang babae ay nakikiusap ako sayo, huwag Kang magpakasal Kay Nani. Alang-alang sa Bata."
May Galit na unting until bumabangon sa dibdib ni Win ng mga oras na iyon.
"Huwag akong magpakasal Kay Nani? Bakit mo ako dinidiktahan. "
Bahagyang napayuko Ang babae dala ng pagkapahiya.
" P-pasensya kana, Win. Pero Hindi lang kami ng anak ko Ang agrabyado, kapag natuloy Ang kasal ninyo ni Nani. Gusto rin kitang pagmalasakitan . Inamin ni Nani na hindi ka niya totoong mahal. Ako pa rin daw Ang mahal niya pero Ikaw Ang kailangan niyang pakasalan dahil bukod sa mapera'y maimpluwensya rin ang iyong pamilya. At may ambisyon si Nani na mapasok sa politika balang-araw. "Mahabang wika ng babae.
" Do you really think I would believe you? Sinisiraan mo lang si Nani para magalit ako sa kanya at masira Ang mga Plano namin. But I won't allow that to happen. Ngayon lang kita Nakita at nakilala kaya Hindi mo ako mapapaikot. Matagal ko nang Kilala si Nani kaya alam Kong Hindi niya ako lolokohin at sasaktan Isa pa, Ang batang dala mo ay iyong anak. Sa tingin mo'y pagmamalasakitan ko siya e Hindi ko naman siya kaanu-ano. "Malamig na wika ni Win sa babae.
" Win-"
" Tuloy Ang kasal namin ni Nani at Wala akong pakialam sa anak mo" Sakrastikong wika ni Win.
YOU ARE READING
Until I Found You
FanfictionMarami ang nag-aakalang kapag masalapi ka'y maligaya ka na. Ang Hindi nila alam ay napakaraming bagay ang Hindi pwedeng bilhin ng pera tulad ng tunay na pag-ibig, peace of mind and happiness mga bagay na hinahanap ni Win. He was born with a golden...