Chapter 17

175 10 0
                                    

Kung hindi siya isang Opasiamkajorn ay tiyak na malulula si Win sa mala-palasyong mansion ni Don Edilberto Chivaaree. Pero aminado siya mas Malaki ito ng di-hamak kesa sa mansion nilang mga Opasiamkajorn sa San Dionisio.

Hindi siya nagpakilala bilang Opasiamkajorn. Win Opas na isang social worker pa rin ang pakilala niya pero pinapasok naman siya ng naka-unipormeng maid at inihatid pa Hanggang sa may den kung saan naroon Ang don.

“Good morning ho, Don Edilberto. ” Magalang niyang bati sa don.

“Ikaw ba si Win? Iyong social worker sa Pulang lupa? ”

“Oho.”

“Maupo ka, Iho. ”

“Salamat ho. ” nakangiti niyang sabi bago umupo. Kahit pala madalang na nagpupunta sa Pulang Lupa si Don Edilberto ay marami itong nalalaman tungkol sa mga tao roon.

“Napakagwapo mo nga pala talaga, Win. Sobrang amo ng iyong mukha.

Napatingin siya sa don at nalaman niyang mataman itong nakatitig sa kanya.

“Salamat ho, ” Sabi niyang nagba-blush . “G-gusto ko ho sanang makausap si Bright. Bright Vachirawit ho. Namasukan ho yata siyang hardinero o tsuper Dito.. ”

“Bright Vachirawit? ”parang nabiglang sambit ng don. ” Walang Bright Vachirawit ang nakatira Dito. Vachirawit Chivaaree ang nag-iisang apo ko at tagapagmana ng lahat ng ari-arian ko ang naninirahan dito.

Nagulat si Win. Vachirawit Chivaaree? Hindi totoong mahirap lang si Bright at Vachirawit ang totoong pangalan nito at 'yung sinasabi nitong mayamang nag-i-sponsor dito ay walang iba kundi ang sarili niya.

“Mukhang nagulat ka, Iho, dahil hindi ka na nakapagsalita. Kunsabagay, ako man ay nagulat din sa ginawa ng aking apo. Ang alam ko'y nasa ibang bansa siya iyon pala'y naroon lang siya sa Pulang Lupa. Hindi na rin ako magugulat kung sasabihin mong may relasyon kayong dalawa. Iyon nga ang naisip ko nang sabihin ng maid na hinahanap mo si Vachirawit. Naikuwento ka na rin niya kanina sa akin bago siya umalis. Sana nga'y tumino na ang apo kong iyon at tumigil na sa pagiging pabling niya. He's almost Twenty Eight years old at gusto ko'y mag-asawa na siya. ”

Marami pang sinabi ang don pero hindi na gaanong naunawaan ni Win ang mga iyon. Nagpaalam na agad siya at ni hindi niya nagalaw ang juice na ibinigay sa kanya ng maid.

Hindi niya na hinintay na Makita at makausap si Bright. Bakit pa? Alam niya na ngayon kung bakit Hindi sinasabi ni Bright na mahal siya nito. Hindi  marunong magmahal ang lalaking iyon. Mayaman ito, guwapo at babaero. Kapag napaibig na ang kanyang natitipuhan at nakuha na ang gusto nito'y basta na lang iiwan. Gaya nang ginawa sa kanya. Kaya bakit pa ba siya magpapakita sa lalaking 'yun? Baka isipin pa nitong naghahabol siya at magmumukha nanaman siyang Kawawa kapag ipinagtabuyan siya ni Bright. Ang masaklap sa ikalawang pagkakataon ay hinayaan niya ang sariling maloko na na naman ng isang walang kuwentang lalaki.

Until I Found You Where stories live. Discover now