Chapter 18

168 9 2
                                    

Hindi na nagtagal pa sa Pulang lupa si Win. Pagdating niya sa kuwarto nila ni Lovely buhat sa mansion ng mga Chivaaree ay agad na siyang nag-impake. Nang-iwan lang siya ng sulat kay Lovely para hindi ito magtaka kapag dumating ang kaibigan niya na wala siya.

   Nagpaalam siya kay Lolo Ponyong at kay Jacinta, gayundin sa labanderang si aling Anita at sa mga anak nito. Gusto niya rin sanang magpaalam kay Man dahil naging mabait naman ito sa kanya pero ayaw niya nang maalala pang lalo si Bright

  Nang sakay na nga siya maya-maya ng bus na patungong San Dionisio ay saka napaluha si Win. Mabuti na lang at nasa bandang bintana siya kaya puwede niyang ibaling ang mukha dito upang hindi makita ng katabi niyang umiiyak siya.

   Madilim na nang marating niya ang kanilang bahay at sinalubong siya ng tuwang-tuwang si Señora Ole.

  “Iho, mabuti'y bumalik ka na. Ang akala namin ay matatagalan ka pa sa iyong pagbabakasyon. ” tuwang sabi ng kanyang Mama bago siya pinaupo sa sofa.

“Kumusta ho kayo rito, Mama? ”
“We’re all fine. Pero hindi ba dapat ay ikaw ang kumustahin namin? Ilang buwan kang nawala. ”

  “Magpapahinga na ho ako sa kuwarto ko, Mama. ”

  “O, sige ikaw ang bahala. ”

Nang pumanhik siya ng hagdan ay nagtatakang tinanaw ni Win ang kanyang Mama. Alam naman niyang magtataka ang Mama niya at pamilya niya, gayundin ang iba pa nilang kasambahay. Mas grabe pa yata siya ngayon kesa noong umalis siya rito sa kanila a couple of months ago.

Napabuntong hininga si Win nang pumasok sa kanyang silid. Malinis na malinis ang kwarto niya. Nahiga siya sa kama matamang tumitig sa kisame. Pero hindi naman iyon ang nakikita niya kundi ang guwapong mukha ni Bright.

Nagbalik siya rito sa San Dionisio pero naiwan ang kanyang puso sa Pulang lupa.

F.F

KINABUKASAN

Pababa siya ng hagdan patungo sa kitchen hindi pa man siya nakakarating ay may narinig siyang nag-uusap mula sa sala pamilyar ang boses nito sa kanya. Nagkubli muna siya sa isang sulok at maingat na sumilip roon, hindi niya makita ang lalaki dahil nakatlikod ito mula sa kinaroroonan niya kausap ito ng kanyang Papa.

  “Nandiyan na ang anak ko dumating sya kahapon , pwede mo siyang kausapin kapag gising na siya. ”

  “Maraming salamat ho, Señor. ”anang lalaki.

Hindi niya maintindhan ang takbo ng usapan ng dalawa, si Nani ba iyon? Pero, bakit magkasundo na sila ni Papa? Maraming tanong ang pumasok sa kanyang isip, ano bang nangyari nong wala ako? Bakit okay na sila ni papa. Bakit nandito yang manlolokong 'yan.

Gigil na gigil siya kay Nani gusto niya itong sugurin at ipagtabuyan may gana pa talagang pumunta rito matapos siyang lokohin at iwan sa mismong kasal nila? Nagtimpi na lang siya at maingat na bumalik sa kanyang kwarto.

Sa kabilang Banda.

“Mauna na po ako, Señor Wanchai.”

“Oh siya mag-iingat ka, Iho. Gusto kong magkaayos kayo ng anak ko.“ wika ng Señor at tinapik sa balikat si Nani.

“Sana nga ho kausapin niya ako at mapatawad pa .”

“Mabait si Win maiintidihan ka niya, alam kong mapapatawad kapa niya.”nakangiting wika ng Señor.

Until I Found You Where stories live. Discover now