ISANG malakas na sampal ang iginawad ni Nez kay Neraiza nang lumapit ito sa kaniya. Halos mawalan ng balanse si Neraiza dahil sa lakas ng pagsampal niya rito. Nagsialisan na ang mga bisita nila at tanging ang dalawang pamilya lang ng ikakasal 'sana' ang natira.
"A-ate..."
"Neraiza, why did you do that?" Tanong ni Nez. Nagsimula ng tumulo ang luha niya. "Bakit niyo nagawa 'to ni Tommy sa akin? Bakit niyo ako nagawang lokohin?!"
Nag-iwas ng tingin si Tommy at yumuko. Guilty for what he did to Nez.
"At ikaw, Tommy, isang gabi na lang hindi ka pa magkapahintay. Talagang nakipagtalik ka pa sa kapatid ko bago ang kasal natin!" Hindi na napigilan ni Nez ang galit na nararamdaman.
"Nez..."
"Huwag mo akong lapitan at huwag mo akong hahawakan!" Tinulak ni Nez si Tommy. "Kayong dalawa!" Itinuro niya si Neraiza at Tommy. "Napakawalang hiya niyo!"
Hindi na napigilan ni Nessie ang sarili. Lumapit siya kay Nez at niyakap ito. "Tahan na... Tahan na..."
"A-auntie..."
"Nez, tahan na. Nandito lang ako, ha..."
Yumakap si Nez sa tiyahin. "Ang sakit po."
"Kaya mo 'yan, anak." Hinagod ni Nessie ang likod ni Nez. "Nandito lang ako."
"Ate, I'm sorry." Hingi ni Neraiza ng tawad sa kapatid habang umiiyak. "Mahal ko si Tommy kaya ko nagawa 'yon."
Humarap si Nez sa kapatid. "Mahal mo siya? Kaya pala nilandi mo siya pero huwag kang mag-alala dahil sa 'yong-sayo na siya."
"Nez, don't do this, please." Tommy begged. "Mahal na mahal kita."
Nez laughed dryly. "Mahal mo ako? Kung noon ang sarap pakinggan pero ngayon nakakasuka na." Walang emosyong niyang saad. "At isa pa ang daling sabihin pero ang hirap panindigan." Hinubad niya ang suot na engagement ring. "Oh, ayan." Itinapon niya kay Tommy ang singsing. "From now on, we have nothing to do with each other anymore. Huwag na huwag ka ng lalapit sa akin." Malamig na saad ni Nez.
"No...no...Nez, please... I love you. Don't do this." Pagmamakaawa ni Tommy pero ang nararamdaman ni Nez na pagmamahal para rito ay napalitan na ng galit.
"Neraiza, sabi mo mahal mo si Tommy. Take the consequence of what you did. Kung maghirap ka man sa hinaharap, sisihin mo ang sarili mo dahil ikaw rin lang ang gumawa ng dahilan para danasin mo ang hirap." Malamig na saad ni Nez. "Huwag kang mag-alala, ituturing pa rin kitang kapatid pero hindi na tayo katulad ng dati. You broke my trust and I won't trust you again."
Umalis si Nez sa wedding hall.
"Nez!"
"Nez!"
Tommy called Nez but Nez ignored him.
Napangiti naman si Rowan na nakapanood sa buong pangyayari. "Harry."
"Alpha."
"Bantayan mo si Nez at huwag mong hayaang makalapit sa kaniya ang Tommy na 'yan." Utos ni Rowan.
Yumukod si Harry. "Yes, Alpha."
"Ikaw na muna ang magbantay. I will ask Ian to take over later."
Yumukod si Harry.
Umalis si Rowan sa lugar na 'yon at nagtungo sa Midnight Pack. He was invited by Alpha Dale to celebrate Alpha Dale and Luna Candace's wedding anniversary. At nanganak na rin si Luna Candace tatlong buwan na ang nakakaraan so, it was a joyous occasion.
![](https://img.wattpad.com/cover/338676906-288-k178372.jpg)
BINABASA MO ANG
Alpha Rowan (COMPLETED)
Kurt Adam#THIRD RANK ALPHA ROWAN MEJIA One hour before the wedding, Nez caught her fiancé cheating with her sister. So, she calls off the wedding right away. Wanting to move on, she went to work to different place. Then she met a stranger that later did she...