CHAPTER 3

2.2K 88 3
                                    

NEZ smiled when she entered the Principal's Office. "Good morning, Ma'am." Bati niya sa Principal.

Nag-angat ng tingin ang Principal at nginitian rin siya. "Good morning too. Come in and have a seat."

"Thank you, Ma'am." Naglakad si Nez patungo sa mesa ng Principal at umupo sa visitor's chair.

Natigilan naman si Rebecca nang makita niya ng maigi ang mukha ng aplikante. Kumunot ang nuo niya dahil may nararamdaman siyang koneksiyon rito. She's a human. How could it be? She asked herself but she ignored it and focused on the applicant's interview.

The interview went well. Nez could start her work on the first day of school as a pre-school teacher. At ang susunod na pasukan ay medyo malayo-layo pa. May isang buwan pa bago ang susunod na pasukan ng mga estudyante.

"Teacher Nez, may I ask you something?" Rebecca asked.

Teacher Nez looked at her and their eyes met. Mahina siyang napasinghap nang matitigan ang mata ni Teacher Nez. She couldn't believe it because what she had seen. Napangiti siya. So, she's my son's mate.

"Ano po 'yon?" Nez politely asked.

Napakurap si Rebecca at ngumiti. "Teacher Nez, are you in a relationship right now?" She asked though she obviously already know the answer because of her son.

Umiling si Nez. "No, Ma'am. I just called off the wedding. I caught my ex cheating with my sister." Natawa siya ng mahina. "I apologized for my rant. I shouldn't have talked about my personal issue but don't worry, Madam, I won't let my personal issue affect my work."

Ngumiti si Rebecca. "It's okay and I can see that you are professional so I have nothing to worry about."

Nez breathe in relief when she stepped out from the Principal's Office. Ngumiti siya dahil nakuha na siya na magtuturo ng pre-school sa paaralang kinaroroonan niya ngayon. Nang makauwi siya masaya niyang ibinalita sa Auntie niya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng trabaho.

"Nez, may sasabihin pala ako sa 'yo. Nakausap ko na rin ang kapatid mo tungkol rito."

Kumunot ang nuo ni Nez. "Ano po 'yon, Auntie?"

"Kinukuha na ako ng anak ko sa Canada. Gusto niyang doon na ako manirahan kasama siya. Syempre, para na rin may mag-alaga sa mga apo ko."

Bahagyang nagulat si Nez. "So, doon na po kayo maninirahan?"

Tumango ang Auntie Nessie niya. "Oo, Nez. Pero huwag kang mag-alala. Tatawag naman ako sa 'yo, sa inyong dalawa ng kapatid mo. Kahit ganun ang ginawa niya kapatid mo pa rin siya. Kaya sana magkaayos kayong dalawa."

Umiling si Nez. "Mukhang malabo pong mangyari 'yan, Auntie. Magkakaayos man kami pero hindi muna sa ngayon, Auntie. Masakit pa rin sa akin ang ginawa nila. Auntie, ikaw po ang nagpalaki sa aming dalawa ni Neraiza at nagpapasalamat po ako doon. Kung gusto niyo pong makasama ang anak niyo, hindi ko po kayo pipigilan."

Ngumiti si Nessie. "Thank you, Nez. Thank you, anak." Niyakap niya ang pamangkin.

Nang ihatid niya ang tiyahin sa airport, kasama niya ang kapatid niya. Hindi sila nag-iimikan hanggang sa makapasok ang tiyahin nila sa loob ng bording gate.

Lumabas silang dalawa ng airport at tinungo ang sasakyan. "You can take the car. May pupuntahan pa ako." Malamig na saad ni Nez. "At oo nga pala, ikaw ang tumira sa bahay ni Auntie. Lilipat na ako ng pagtuturuan sa ibang lugar."

"Ate, I..."

Tinalikuran na ni Nez ang kapatid at natigilan siya nang pagharap niya nandoon si Tommy.

Nag-iwas ng tingin si Nez saka nilagpasan si Tommy pero hinawakan nito ang braso niya.

Alpha Rowan (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon