Chapter 13- Unconscious

48 1 0
                                    

Chloe's POV

Setting: HOSPITAL

Nagising ako sa isang air-conditioned na white room. 

Bumangon ako agad.

Nakita ko may dextrose sa kamay ko. 

"IALIS NYO AKO DITO!!! PLEASE!" sigaw ko.

Dumating naman bigla si Angelo.

"Chloe! Gising ka na! Salamat naman" sabi niya.

"San ako? HA? Diba dapat nasa school lang ako??" sabi ko.

"CHLOE! Tumahimik ka nga! Nasa ospital ka! Iaadmit ka raw ng 2 1/2 araw dito! May Thypoid Fever ka! ANO BANG GINAWA MO? sabi ni Angelo.

"Hindi Ano. BAKIT! May nanghack sa account ko! At dahil doon sa nangyaring yon nawala yung mga kaibigan ko!" sabi ko.

"Ha? Na HACK? Sino namang gagawa niyan?" sabi niya.

"Hindi ko nga alam eh.. Si.. Si.." parang may hinala ako. Pero hindi ko masabi, humahagulgol pa ako eh.

"Si Rachelle ba??" sabi niya.

"Ehh.. Ehh.. Siya la-lang na-man y-yung gagawa n-nun d-dibaa?" sabi ko. Iyak parin ako ng iyak.

"Tahan na. May gagawin nalang ako dun sa impaktang yun." sabi ni Angelo.

"W-wag na! Baka kung ano pang igaganti nun eh!" sabi ko.

"Natatakot ka?" sabi niya.

"Oo! Kasi maraming nadadamay!" sabi ko.

"Eh diba sinabi mo saking hindi ka naman natatakot sa kanya?" sabi niya.

"Oo..Oo! Pero ngayon, hindi na!" sabi ko.

"Alam kong hindi. Ikaw si Chloe Mirabelle L. Haruno. Kayang kaya mo ang lahat, no! Kung para talaga sa mga kaibigan mo ang gagawin mo, hindi mo tinitigilan na lumaban, diba?" sabi niya.

"O-oo.. Oo.." sabi ko.

"Kaya hayaan mo nang gawin ko to para sayo." sabi niya.

"Pero nakakahiya na eh. Simula nung tinulungan mo ako nung natamaan ako ng bola hanggang ngayon, tinutulungan mo parin ako. Tama na. Kaya ko to." sabi ko.

"Kaya mo, eh may sakit ka na? Makumbulsyon ka ba dyan eh." sos, nagbiro pa tong sira. Tumawa kaming dalawa.

"Thank you ah." sabi ko.

"Basta para sayo,  Chloe," Tapos nag smile siya.

"Ah.. Isa pang pabor ah." sabi ko.

"Ano yun?" sabi niya.

"Pakopya ng mga gagawin natin for the next 2 days pa ah. Pag wala makokonyatan ka talaga sakin!" tapos kinurot ko siya. Tawa kami ng tawa.

"Aray sheks, ang sakit ng ulo ko!" sabi ko. Kumikirot kirot pa.

"Matulog ka na lang muna. Tatawagan ko na lang muna yung nurse. Nandito na rin maya maya yung parents mo." sabi ni Angelo.

"Sige sige. Thank you ah." sabi ko.

Medyo nawala na yung sakit ng ulo ko.

Binuksan ko na lang muna yung TV dun sa kwarto. Nakita ko rin yung schoolbag ko sa may tabi. Triny kong lumakad pero numb parin ang legs ko.

Maya maya ay may biglang gumating.

"ATE CHLOE! ANONG NANGYARI!!!!!" sabi ni Nessy.

"Hoy Chloe, anong nangyari sayo? Eh parang kagahapon para kang sira ulo." sabi ni Kuya Nats.

"Che, kita na ngang may sakit kuya eh." sabi ko.

Maya maya rin ay dumating na si Mommy at Daddy.

"Hey Chloe empress ko, may dala akong Fruits." sabi ni Daddy.

"May Thypoid fever ka raw? Hay nako. Magpahinga ka na lang muna ha? Habang kunakausap pa namin yung doktor mo. May check up ka pa raw kasi mamaya sabi niya. Vanessa, Nathan, diyan muna kayo ha. Samahan niyo si Chloe." sabi ni Mommy.

"Sige po." sabi ko.

"Ate Chloe! Dala ko yung iPhone mo at yung charger niya." sabi ni Nessy. Kunamay niya sa akin yung iPhone ko.

Dahil sa boredom, nilaro ko nalang yung lahat ng games ko dun. Nag-instagram rin ako (hehehe) at binuksan ko yung fscebook ko.

Hanggang sa maalala ko yung nangyari kagabi. Napaiyak ako.

"Oh, Chloe! Anong nangyayari sayo?" sabi ni Kuya Nats.

"Wala kuya, nahihilo kasi ako eh!" sabi ko. KUNWARI. pero dahil talaga kela Bianca to.

"Grabe, pinauwi kami ni Mommy galing school para makapunta sayo. Finals na sana ng crush ko eh. Daya mo ate" sabi ni Nessy, tapos slightly na pinalo niya ako.

"Yiiieeeeeeh. Gusto mo maglakad ka papuntang school para makanood, gusto mong matulad sakin?" sabi ko.

"Bakit ate? Ano nga bang tinakbo mo kagabi? Siguro yun yung dahilan no. MAY CRUSH KA RIN NO? :>" sabi ni Nessy.

"Loka loka ka talaga! Trip ko lang talagang maglakad kagabi." sabi ko. Nag white lie nalang ako.

"Weeeehh. Eh bakit umiiyak ka?" sabi niya.

"Aba ey, wala ka na dun no." tapos binatukan ko siya.

"Arayy!!" sabi niya.

"Sorry, sinasadya!" sabi ko. Tapos nagtawanan kami.

Bigla kong napansin si Kuya Nats, gigil na gigil sa iPad niya.

"Oy psst, anong nangyayari kay kuya? Bat parang galit na galit?"sabi ko.

"Haaay. Kasi may kaaway nanaman niya. Raffy Burrano ata yung name? Inaagaw raw kasi nung Raffy yung crush niya. Yun nga lang, di ko kilala yung name nung girl." sabi ni Nessy.

HUWAT?

"Burrano?" sabi ko.

"Yep yep yep. Pati ba pandinig mo, nadamay dyan sa sakit mo?" sabi ni Nessy.

Yah, naalala ko. May 2 pa siyang kapatid. Raffy and Ralph ata ang name. 

"Talaga? Kasi may kaklase ako eh. Rachelle Burrano ang name." sabi ko.

"ANO?!" sabi ni Kuya Nats. "KAKLASE MO YUN?! NAKO! NAGMANA YUN DOON SA BWISIT NIYANG KAPATID! YUNG RAFFY NA YUN!" sabi niya.

"Hahaha, true dat! Kalaban niya ko eh" oops. Na spill ko ata? 

"Basta sinasabi ko lang sayo, Chloe. wag kang magpatalo doon ah. Make sure you'll win this one!" sabi ni Kuya Nats.

"Haha kuya, ako pa no. Fighter ata tong middle child ng Haruno family!" Nag smirk ako.

Maya maya ay dumating na sila Mommy at Daddy.

"Vanessa, Nathan, punta na kayo sa daddy nyo. Pupunta pa kayo ng mall kasama ni Daddy niyo. Mamimili lang muna kayo ng groceries at ng mga kelangan niyong tatlo, ha? Sasamahan ko lang muna si Chloe overnight. May appoinment pa siya sa doctor niya." sabi ni Mommy.

"Aw, bye ate Chloe" sabi ni Nessy.

"Pagaling ka ah. Bukas mag-aabsent kaming dalawa para maghapon tayo dito sa last day mo sa ospital." sabi ni Kuya Nats.

***********************************************************************************************

END OF CHAPTER 13 :)

Truth or Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon