Chapter 12- Friendship O V E R!

64 1 0
                                    

Chloe's POV

Setting: Sa bahay

Hayyy.. February 9. 5 days to go nalang, Valentine's dance na.

And, hindi ko parin nababawi si Angelo.

Tumulala nalang muna ako sa ceiling. I decided to text Bianca.

To:Bianca :)

6:35 pm

Bianca! I need you right now! :D

Bakit ganun? Hindi siya nagrereply. Mga 30 seconds palang sumasagot na agad yun.

Baka walang load, inisip ko. Hindi, palagi yung may load eh.

I decided to open my facebook account nalang.

I clicked my profile, but I got so very paranoid sa nakita ko.

May nag hack sa account ko! Eto ang nakasulat!

Alam nyo ba yung feeling na may mga kaibigan kang eksaherada? Nakakabanas! Ang O.A. nila. Kala naman nila makakatiis pa ako sa ugali nila no.

OMG. 16 likes?!

Bianca. Siya lang naman ang pinakaplastik na tao sa buong mundo. Akala niya uubra sakin yung pag bra-brainwash niya sa akin no.

24 LIKES?!

Andami ring nag comment. Nagtataka sila kung bakit.

I DIDN'T DO IT! 

May 5 pending messages sa may taas. Binuksan ko lahat.

Maureen Alcantara

6:08 pm

Oh, really? Pwede mo namang sabihin sa harap namin. Wag mo naman kaming ipahiya. Akala mo kung sino ka? I really thought you WERE a good friend. Bestfriend. Pinagkatiwalaan kita sa mga secrets ko. Don't ever EVER go to our table again.

Rian Ching

6:08 pm

Stupid idiot, you shoild have told us in the first place para nalayuan ka na lang namin, matagal pa. We never knew you were like this! Ewan ko ba kung nahawaan ka lang ng black magic ni Rachelle or ganito ka lang talaga. Siguro rin dahil masyado kang NAOBSESS sa Angelo mo! BACK OFF!

Shaine Zurapta

6:08 pm

I never knew this would all happen to you. BYE AND DON'T TALK TO US, period. Yun lang.

Therese Genemari

6:09 pm

GO.AWAY.DON'T.EVER.TALK.ABOUT.ME.OR.ANYBODY.IN.YOUR.OLD.GROUP. Magsama kayo ni Angelo.

And lastly.

Bianca LuvsYou

6:11 pm

HOW DARE YOU! I've been trusting you since we've been kids. TAPOS GANTO NALANG? You're so kind last time, but WHAT HAPPENED? Sabagay, nakakainis ka rin naman eh. Dahil sa kaadikan mo kay Angelo. Angelo dito, Angelo doon. Minsan nga nababalewala mo na ako eh. And, SO WHAT KUNG BRINAINWASH KITA? I just tried to SAVE YOU! Think of it at first! Akala ko ba you gave forgiveness to me na? DON'T DARE TO TEXT ME AGAIN, whore. And,, last words for you:

BURN IN HELL. YOU ARE FITTED TO BE IN THERE.

**************************************************************************************

I cried like crazy.

"I DIDN'T DO IT! HINDI KO GINAWA YUN! I DIDN'T DO IT! I DIDN'T TO IT!!!!!!!" sigaw ako ng sigaw sa room ko.

Binaon ko yung sarili ko sa kama. Tinakpan ko yung sarili ko ng unan. Lahat ng unan na makita ko. Tapos iyak ako ng iyak.

"HINDI KASI AKO GUMAWA NUN! HINDI NGA!!!!!" sigaw ko habang nakabaon sa kama. Habang sumisigaw ay nawalan na ako ng hangin, kaya dali-dali akong bumangon. Yung aso kong si Mr. Cuddles nakawala sa doghouse niya at umakyat sa kama ko. Dinidila-dilaan pa ako.

"Mr. Cuddles, di naman ako yung gumawa nun diba?" sabi ko sa kanya.

Ang sinagot lang niya ay parang aww,aww na umuoo.

Niyakap ko nalang siya. Then tumayo ako at pinunasan yung luha ko. Nagsuot ako ng sweater dahil nakat-shirt lang ako.  Bumaba ako papuntang sala at paalis ng bahay.

"Ate Chloe!!! San ka pupunta!" sabi ni Nessy.

"Basta! Wag mo na muna akong sundan!" sabi ko. Mangiyak-ngiyak kong sinabi yun eh. Susundan na sana ako ni Nessy kaso lang tumigil nalang niya. May narinig pa akong "Anong meron dun?" 

Binuksan ko yung gate at pumunta kela Bianca.

"Tao po!! Tao po!!! Bianca!! Buksan mo ito! Please!" sinusuntok ko pa yung gate para rinig na rinig.

Nakita ko si Bianca doon sa terrace nila. Kakalabas palang nya. "BACK OFF! KAKASABI KO PALANG DIBA!" sabi niya sakin.

"Pleaaaaasee!! Hindi ako yung----"

BANGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!

Hinampas niya yung glass window ng terrace nila paputnang room niya.

Napaupo ako. 

Sa lahat ba naman ng pwedeng mawala, mga close ko pa sa buhay!

Naglakad-lakad nalang muna ako sa subdivision. Kahit na naka sweater ako, naka shorts parin ako kaya nilalamig parin ako.

*****************************************************************************************

RRRRRRRRRRRIIIIIIINGGGGGGGGGGG!!!

Medyo mahilo-hilo pa ako,

Hindi kasi ako nakatulog. 3:00 na ako nakatulog, at 4:00 ako nagigising palagi.

Ang sakit sakit ng ulo ko. Hindi pa ako nakakain ng almusal at nakapag hapunan kagabi.

Tapos nahamog rin ako kagabi. 6:00 ako lumabas ng bahay, 9:30 na ako nakabalik.

Naglalakad na ako sa hallways papuntang room. 

Ayun, hindi kami nagpansinan ni Bianca. Nang-iirap pa nga siya sa akin eh.

1st BREAK. Naglalakad ako papuntang cafeteria. Medyo foggy parin yung paningin ko eh.

Nakita ko sila Rian, Maureen, Shaine, Therese, at Bianca sa table namin. Ay, NILA pala.

Nagtatawanan sila, tapos nung nakita nila ako bigla silang tumahimik at nagbulungan. Nang-irap sila ng sabayan. Nagpatama pa nga si Bianca eh.

"Ehh kasi  naman yung isa dyan, nakikikain na nga nagpapatama pa!" 

tapos nagtawanan sila.

Mag lalong sumakit yung ulo ko. Hindi ko na talaga kaya to eh.

Umalis nalang ako papuntang hallway. Nakita kong papalapit na sakin si Angelo.

ANGELO. ang dahilan sa lahat ng ito.

Dahil diyan mas lalo pa akong nahilo.

Di ko na talaga kaya.

Naging black na ang lahat. Ang last kong narinig ay parang sigaw ng boses na lalaki.. Familiar.

"CHLOE!"

***********************************************************************************

END OF CHAPTER 12! Wahaha :)

Truth or Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon