Chapter 24- A flight and a bad dream

37 1 0
                                    

Nako nako. Palapit na ng palapit yung pasabog ko wahahaha XD

Chapter 24. Chloe's POV

*************************************************************************************

Damit, check.

Shampoo, sabon, toothpase, toothbrush, at iba pa, Check.

Passport, check.

Lahat ng kelangan, check.

*yawn*

Mamayang 5:00 na ng umaga flight namin papuntang Palawan. 12:00 na, di parin ako natutulog.

Tapos na yung gamit ko, makahiga na nga lang.

Sinet ko yung alarm clock ko ng 2:00. Syempre kasi kelangan ko pang bumiyahe papuntang airport. Mag ca-carpool ako kela Bianca. Kasama si Angelo samin.

Pinikit ko na mata ko.. 

Nandito na kami sa Palawan! At papunta na kami sa airport, pauwi na kami..

Kasama ko si Angelo sa harapan ng van na sinasakyan namin. Katabi namin yung driver...

Yung driver panay tingin samin. Ewan ko..

Ayan, malapit na kami sa airport..

Pero biglang tumalon sa labas ng van yung driver!

Nagpagewang gewang yung sasakyan.. 

Hanggang sa mabangga kami sa puno.

Aray, ang sakit ng ulo ko..

Pagkadilat ko, umiiyak mga kasama ko.. Mga duguan at maraming sugat.

Si Angelo walang malay..

Hinawakan ko yung ulo ko.

Andaming dugo.

Nahihilo ako, kaso mga nag iiyakan  pa sila..

Hindi ako makasigaw, ewan ko kung bakit..

Hanggang sa nakita ko si Rachelle sa may gilid, tumatawa..

Hanggang sa lahat naging black.

*CCCCRRRRRIIINNNNGGG!!! CCCCRRRRIIINNNNGGG!!!*

Napatalon ako sa higaan ko. Pinagpapawisan ako, parang ang init talaga nung natulog ako..

"Hindi, panaginip lang yun.. Hindi yun totoo.." sabi ko.

Nagbihis na ako.. Hinanda ko na yung lahat.

Nanginginig talaga ako.. Pano kung totoo yun?

Si Angelo walang malay.. Si Rachelle nakita kong tumatawa.. Naging black na lahat.

"Hindi.. Hindi yun mangyayari!" sabi ko.

Bumaba na ako at kumain.

"Mommy, binangungutan ako." sabi ko kay Mommy.

"Nako, kalma ka lang. Hindi yun magiging totoo." sabi niya.

Tumahimik nalang ako.. Hanggang sa marinig ko na yung beep beep ng kotse nila Bianca.

"Ma, alis na po ako. Ingat po lagi sa bahay ah. Pakisabi na rin po kela Kuya at Nessy na umalis na ako." sabi ko kay Mommy. Tapos kiniss ko si Mommy sa cheeks.

"Ok. Ingat ka rin lagi ah." sabi niya.

Lumabas na ako. Malamig pa. SInuot ko muna yung jacket ko. Naka T-Shirt at Pantalon lang ako eh. Saka naka sneakers lang.

"Tulungan na kita sa bagahe mo." sabi ng Daddy ni Bianca.

"THank you po." sabi ko habang papasok ng kotse nila.

"Oh, bakit parang ang putla mo?" sabi ni Bianca.

"Ah, kasi ang pangit ng panaginip ko." sabi ko.

"Bakit? Sinong kamukha?" sabi niya.

"Loko loko. Naaksidente raw tayo." sabi ko.

"Sos, hindi naman mangyayari yun." sabi ni Bianca. "Text mo si Angelo. Susunduin na natin siya. "

"Okay." sabi ko. Kinuha ko yung cp ko at tinext si Angelo.

Maya maya lang pumasok na siya sa sasakyan.

Bigla ko tuloy naalala. 

Si Angelo walang malay... Si Angelo walang malay... Si Angelo walang malay..

"Namumutla ka ata?" sabi ni Angelo.

"Ah, wala gto.. Ang lamig kasi eh.. Saka kulang ako sa tulog." sabi ko. Tapos kinuha ko yung MP3 player ko.

Nakinig nalang muna ako sa MP3 para makalimutan ko yun..

Pero natatakot parin ako, pano kung mangyari talaga yun?

Ah, hindi.. Hindi yun mangyayari..

Napasandal ako sa gilid ng kotse. Hanggang sa nakatulog ako..

Nandito na kami sa Palawan! At papunta na kami sa airport, pauwi na kami..

Kasama ko si Angelo sa harapan ng van na sinasakyan namin. Katabi namin yung driver...

Yung driver panay tingin samin. Ewan ko..

Ayan, malapit na kami sa airport..

Pero biglang tumalon sa labas ng van yung driver!

Nagpagewang gewang yung sasakyan.. 

Hanggang sa mabangga kami sa puno.

Aray, ang sakit ng ulo ko..

Pagkadilat ko, umiiyak mga kasama ko.. Mga duguan at maraming sugat.

Si Angelo walang malay..

Hinawakan ko yung ulo ko.

Andaming dugo.

Nahihilo ako, kaso mga nag iiyakan  pa sila..

Hindi ako makasigaw, ewan ko kung bakit..

Hanggang sa nakita ko si Rachelle sa may gilid, tumatawa..

Hanggang sa lahat naging black.

"AHHHH!!!!!" Sabi ko. Napatalon ako sa upuan.

"Napanaginipan mo nanaman ba? Kasi kanina parang may mga sinasabi ka.." sabi ni Bianca.

"Oo eh.. Anong oras na?" sabi ko.

"3:25 am." sabi niya.

Hala, grabe.. Bakit kaya ganito panaginip ko?

HIndi to mangyayari, promise.. Hindi talaga.

*********************************************************************************

END OF CHAPTER 24 :D

Clue to sa pasabog ko.. Alam nyo na nga ata eh -.-

I'm brainstorming para sa mga susunod pang mangayayari dito! WAHAHA XD

Truth or Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon