Chapter 15- Define Angelo.

36 1 0
                                    

Okay, so bago po tayo tumuloy, tignan nyo yung sa Multimedia. I'D LIE by TAYLOR SWIFT po yung lyric viceo. Yung chorus po kasi ay tungkol kay Angelo :) Basahin nyo po yung chorus ng kanta saka itong chapter na to para maintindihan niyo. :)

This is dedicated to MAURYN RODRIGUEZ, ang bestfriend kong ayaw gumawa ng account sa Wattpad pero kung makabasa maghapon ang tagal. HAHAHA MATATAMAAAN KA DITO TEH! :D

CHAPTER 15 THIS WAY! :D

V

******************************************************************************

Chloe's POV

Setting: HOSPITAL

"Eh sino naman itong 'Girl' na to kuya?" sabi ni Nessy.

"Rebecca Faye Uchico. Kapatid rin ni Angelo. Kambal kasi sila ni Kentots." sabi ni Kuya.

"Weh? Hindi naman sinabi yun sakin ni Angelo!" sabi ko.

"Kasalanan na niya yun no! Ang ganda kaya ng ate niya.Tinutulungan nga ako ni kentots para makuha ko si Recca (Short for Rebecca) eh." sabi ni Kuya.

"Eh.. Ang tanong? Gwapo ba si Raffy?sabi ko.

"HAHAHA.. Nakakatawa ka. Tignan mo yung kapatid niya, sa tingin mo kaya maganda yun? Syempre pangit si Raffy no! Kamukha ko ata si Coco Martin. Tsk" sabi ni Kuya. May pa pogi-pogi pose pa to, kala naman bagay sa kanya (-.-)

"Chloe, pwede ka nang umuwi. Susunduin ka na ng parents mo." sabi ng nurse.

"Ok po." sabi ko.

Maya maya lang dumating na si Daddy.

"Halina kayo. Uwi na tayo." sabi ni Daddy.

Pinalabas na ako, tapos umuwi na.

"Chloe, papasok ka bukas ha? Kaya mo ba?"sabi ni Mommy.

"Opo.." sabi ko.

So nakauwi na ako sa bahay. Wala naman akong ginawa ._. 

******************************************************************************************

Crrrriiiinggg!!! Crrrriiiinggggg!!!

Woo.4:30. Pasok na ako sa iskul :>

Naligo na ako doon sa C.R ng kwarto ko. Tapos nagbihis, tapos nagsuklay. Bumaba na ako at nakita ko si Mommy na nanonood ng balita. (As always)

"Good morniiingggggggg" sabi ko. Nag uunat-unat pa. "Mommy, ano ulam?" 

"Ham Sandwich. May Juice rin." sabi ni Mommy.

"Hmm.. Okay" sabi ko.

Dumeretso na ako sa dining room, nandon palang si Kuya Nathan. Ayoko nang tawaging kuya nats yun ahehe di ko lang alam kung bakit.

"Kuya san si Nessy?" sabi ko.

"Ah? Naliligo pa eh" sabi ni Kuya.

Ang taihimik naming kumain, grabe. Dumating na sila Nessy at Daddy. Tapos ako naman tapos nang kumain. Pinagpagan ko yung uniform kong Violet at Grey ang color, checkered pa na skirt.

"Dy, lakad nalang ako papuntang school." sabi ko.

"Hay wag na. Baka mabinat kalang." sabi ni Daddy.

"Hah? Ok na ako, Dad. Di na uso sakin yang ganyan!" tapos tumawa ako.

"Sure ka ah. Pag may mangyari, hindi na ako ang may kasalanan ha!" tapos tumawa si Daddy.

"Sige Dad, Nessy, Kuya, alis na ako." sabi ko.

"Sige sige." sabi ni Kuya.

Pumunta na ako sa sala, kung saan si Mommy ay nanonood parin (Hmph, AS ALWAYS.). Palabas na ako pero sinabihan ko muna si mommy ng good bye.

"Hindi ka kaya  mabinat nyan?" sabi ni Mommy.

"Hahah, hindi na, mommy. Ok na ako." sabi ko.

Brrrrr. Ang lamig ng hangin. Grabe, February na, ang lamig parin? Tsh. Nag-iba na ba ikot ng mundo?

Saka ko lang naalala, FEBRUARY. February 12 na. 2 DAYS NALANG, Valentines dance na. What the heck, wala parin akong date.

Dumating na ako sa campus. Medyo marami nang tao.

Dumeretso na ako sa room namin. 5 palang ang nandun.

Nakita ko si Angelo nagigitara.

Nang nakita niya ako tumigil muna siya.

"Chloe!" sabi ni Angelo.

"Hi!" sabi ko.

"Kala ko tatagal ka pa eh.." sabi ni Angelo.

"Sos, andrama mo. Friend lang kita no." sabi ko.

"BESTfriend. Wala ka nang bestfriend diba, pwes, ako nalang." sabi niya. Nag smile pa siya sakin. HOY TAMA NA, MASYADO NA AKONG KINIKILIG ">

"Tumigil ka nga!" sabi ko.

"Hahaha. Ganun ba? Nagsasawa ka na sakin? Masyado ba akong gwapo?" sabi niya.

"Yabang." sabi ko.

Tumawa nalang si Angelo. GWAPO NIYA TALAGA LETSE! <3

"Ilan ba kapatid mo?" sabi ko.

"2. Kambal sila. Si Ate Rebecca at Kuya Ken.Kaw?" sabi niya.

"2 rin. Vanessa at Nathan ang name." sabi ko.

"Ay! Siya pala yung bestfriend ni kuya. si Nathan." sabi niya.

"Kaya nga eh. San ka ba nakatira?" sabi ko.

"Sa Hazel Executive Subd." sabi niya.

"HAAAAA? DUN DIN AKO!" sabi ko.

"San kang street? Ako 7th street eh." sabi niya.

"5th Street. Try kong bisitahin ka minsan. Di rin kasi ako nag-iikot ikot minsan eh. Pero nung isang gabi naglalakadako sa 7th street may nakita akong malaking bahay. Sainyo yun?" sabi ko.

"Oo." sabi niya.

"Kelan birthday mo?" sabi ko.

"Ha? December 17." sabi niya.

"Ah.." sabi ko.

"Wait, kanino ka ba nagmana?" sabi ko.

"Sa daddy ko. Lalo na yung mata ko." sabi niya.

"Ah." tapos nag smile ako.

"Favorite Color mo?" sabi ko.

"Green!" sabi niya.

"Wait lang, bat mo ba to tinatanong? Reporter ka ba? Oh sadyang bumigay ka lang sa kagwapuhan ko hehehe" sabi niya.

"Ahmp. Ganyan na pala ang gwapo ngayon.. Mayabang" sabi ko.

"HAHAHA! Sabi na eh, gwapo talaga ako.. Ay.. I smell something fishy!" sabi niya.

Tumingin ako sa tinitignan niya. There they are,

BIANCA AND RACHELLE, Magkasama.

***************************************************************************************

END OF CHAPTER 3! :D

Truth or Dare [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon