Prologue

9 0 0
                                    

"Nak, pasensya na talaga. Wala kaming pwedeng maasahan ngayon." sabi ni mama.


"Pansamantala lang naman, while you are there, we will find a personal caregiver na rin. Just think of this as your rest, you've been working since you graduate." Sabi naman ni papa. I just nodded and then give them a tight smile. Umalis na rin sila sa kwarto ko.


I heaved a long sigh while looking at the ceiling in my bedroom. I can't believe that I said yes to them 2 days ago.


Naiintindihan ko naman na kailangan talaga, but I never been to the hometown of my grandmother to think na sa probinsya pa talaga. Sabi pa ni mama, ang probinsya na bahay nila Lola at Lolo ay kung saan talaga siya lumaki bago lumipat ng Manila for college. I always thought na nakatira siya sa city and I am such a city person like her. Hindi ko nakikita ang sarili ko titira sa isang probinsya. 


Nalala ko noong bata ako, every time my Lola would visit us in Manila, she will always tell me stories about how Cebu is such a nice city and how it's different from Manila where I grew up, but never the green fields and mountains in Cebu. Kaya nag taka ako na sa probinsya pala sila lumaki.


When we got a call from one of the maids in Cebu na sinugod sa hospital si Lola at may cancer, ang malakas na hikbi agad ni mama ang narinig ko -- and that was the very first time I saw her like that. Ang mga kapatid ni mama na nasa ibang bansa ay agad plinano ang medical needs ni Lola. They tried to check and hire a caregiver and a private nurse pero wala silang makita dahil na rin sa layo ng bahay ni Lola. Kahit may dalawang katulong na kasama doon, iba parin ang may alam kung paano maalagaan si Lola.


The devastating face of my mom made my heart crumple a thousand times everytime na wala silang mahanap. Bilang nag-iisang anak na nandito sa Pilipinas, walang magawa si mama kundi siya ang mag-asikaso ng mga needs ni Lola. I even heard their conversations na sa halip na umuwi iyong isa sa mga kapatid ni mama, they would just strive hard for work dahil malaki-laki din na pera ang kailangan.


Our family is not that rich. Masasabi kong may kaya kami at nabibili namin ang mga gusto namin pero hindi kami milyonaryo. 


Ginawan ng paraan ni mama na iwan muna pansamantala ang negosyo na tinayo nila ni papa, na nagtaguyod samin at sa pag-aaral ko, pero unfortunate twist happened, isa sa mga investor ni papa ang nag-corrupt ng pera, making the situation more harder than it seems. At 'nung pinakiusapan nila akong alagaan muna si lola pansamantala, hindi na ako tumanggi pa.


After all, my parents are the best parents of all. 


When I came out to them as part of the LGBT, they accepted me with open arms. As an only child, it scared me pero hindi nagdalawang isip sila mama at papa, at sinabihan akong alam na nila na iba ang pagkatao ko. Sa nangyari ngayon sa Lola ko, I have known to myself that this small act will somehow repay the things they did to me kahit labag man sa kalooban ko lumisan pansamantala sa kinagisnan kong buhay sa Manila.


Another deep breathe, at nag ready na ako para pumasok sa trabaho.


Habang naliligo ako, I realized na hindi pala ako ganon kalapit sa mga kamag-anak ko sa Cebu so as to my lola, siguro na rin kasi sa Manila na ako lumaki at nagka-isip, although bumibisita si Lola sa Manila ng ilang beses hanggang high school. Nung nag college na ako nagsimula na hindi na bumisita si Lola, at iyon ang pinagtataka noon. Yun na pala, naging mahina na siya at nagkakasakit na hindi ko man lang nabalitaan. This really makes me feel so bad.

Cruel Summer (YoonMin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon