2

3 0 0
                                    

"Jimin apo!" Tawag ni lola ang bumungad sa akin pagkababa ko sa kotse.

"Lola!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya at yumakap siya ng mahigpit.

Tinignan ko si Lola at hindi ko napigilang umiyak dahil sa kalagayan niya ngayon. Naka wheelchair siya at sobrang payat.

HIndi ko man siya matagal nakasama noon, but knowing all those years she is suffering alone.

"Oh ba't naiyak iyang Jimin nako?" Natawa ako kay Lola kasi pinaghalo niya iyong tagalog at bisaya.

"Tears of joy to Lola." ngumiti naman siya sa akin and she wiped my tears using her thumb.

"Ikaw talagang bata ka, sige na at pumasok na tayo." Iginiya naman ako papasok sa bahay.

Bumungad sa akin ang engrandeng chandelier at hagdanan.

"Wow.." hindi ko napigilan sarili kong mamangha sa bahay ni lola. Para akong napabalik sa panahon ng mga espanyol.

"La, hindi ko alam na malaki pala ang bahay dito sa Cebu." Magalak kong sabi kay Lola na nagpangiti naman sa kanya.

A long stairs with red carpet, a big chandelier and a grand piano ang una mong makikita pagkapasok palang. The interior screams such elegance.

"Nagpapasalamat talaga ako sa mga Borbon kasi kung hindi sa kanila, hindi namin mapapatayo ang pangarap namin na bahay ni Lolo mo." She smiled at kitang-kita talaga sa muka ni lola na masayang masaya siya.

"Mas lalo akong na cu-curios sa kanila lola. I never know about them."

"Makikilala mo rin sila apo." Ngumiti lang ako bilang pagsagot kay lola.

Sinabihan ni lola ang kasambahay niya at si Yugeom para tulungan akong i-akyat ang mga gamit ko. Isang maleta lang naman talaga dahil bibili nalang ako dito ng mga ibang kakailangan ko. Siguro maghihintay nalang ako kay Taehyung.

"Dito po ang kwarto niyo sir Jimin. Pahuway na po." I looked at her confused dahil sa last sentence niya. Biglang tumawa si Yugeom bago binaba ang maleta ko.

"Ang sabi niya, magpahinga ka na." Nalinawan naman ako. I smiled sweetly to her.

"Opo, magpapahinga na po ako." Tumawa naman si ate at iniwan na akong mag-isa sa kwarto.

I was greeted by a Victorian bedroom style and a canopy bed. A wooden study table and a chair pero may cusion siya na maliit. May veranda at sakto ang laki nito, mayroon din itong maliit na lamesa at upuan.

Nilagay ko muna ang bag ko sa kama at pumunta sa veranda. I was greeted with such a nice air and green fields. Sobrang payapa. You would never know talaga how a province life feels like not until you stay like one.

Kakasimula lang ng buhay probinsya ko pero nasisiyahan na ako. Sobrang malayo sa kinagisnan kong buhay sa syudad.

I stayed for a couple of minutes hanggang may narinig akong ingay na parang nagkakarera. Ang kaibahan lang ay hindi sasakyan kundi kabayo.

Anim silang nagkakarera sa may isang malawak na patag. Medyo malapit sila sa bahay kaya dinig na dinig ko ang mga tawa nila. Mukha silang magkakaibigan. Sino kaya sila?

What caught me off guard is one of them stops midway at tumingin sa kung saan ako ngayon. Sa akin ba talaga siya tumingin? Or guni-guni ko lang?

With that, I squinted my eyes more to make sure kung ako ba talaga ang tinitigan nito oh hindi. Mahirap na maging assuming.

Nakatingin ba talaga siya sa akin? 

Hindi ko gaano naaninag ang mukha niya but I can't ignore the fact that he have such an intense and cold gaze.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cruel Summer (YoonMin Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon