“Punyeta ka talaga Vivienne!, wala ka na nga ginagawa dito sa bahay kundi puro cellphone tapos malalaman ko may line of 7 ka sa card mo!??” galit na sabi ni mama
Yes nagkaroon ako ng isang line of 7 sa card ang subject neto ay english. First time ko 'lang magkaroon nito kaya sobrang disappointed sakin si mama mas lalo na ako dahil card ko yun eh pero wala na akong magagawa dahil nandyan na. Yung iba kong subject ay puro line of 9 naman, yun lang talaga na english ang nagpadumi sa card ko.
“s-sorry talaga ma b-babawi nalang ako sa second grading, mag aral ho ko nang mabuti”
Pinipigilan ko hindi umiyak sa harapan ni mama.
“Dapat lang, tangina pagod na pagod ako sa mga gawaing bahay!, Tapos yan lang susuklian mo sakin? Kahit yung lang vien na mag aral ka ng mabuti para pag laki mo di ka mahihirapan sa kinabukasan mo, yun lang naman hiling ko sayo eh mahirap ba yun? Ha!”
“H-hindi” sabi ko
“Ayun naman pala eh!”
Doon na nga ako nagulat dahil sa sigaw niya, napaluha na din ako dahil diko na kayang pigilan ito.
“Dapat gayahin mo si Meinah puro line of 9 wala kang makita line of 7, ang talino nang batang yun tas yung anak ko bobo”
I laughed sarcastically “ really ma? edi sana ampunin mo siya, lagi mo nga akong kinu kompara sakanya eh” asik ko
That time alam kong makakuha ako ng sampal galing sakanya.
“Putangina lahat nang mura nasa sayo na, galing mo na sumagot bakit ganyan ba natutunan mo sa paaralan mo? Sabihin mo lang dahil ipapatigil na kitang paaralin.” galit na ani nito
Di na ako sumagot baka sampal nanaman abot ko nito.
“Ano? di 'ka sasagot?!!”
Tangina namn oh, diko talaga maintindihan si mama pag sumagot namn ako wala akong respeto tas pag hindi ako sumasagot nag bingi bingihan naman.
“Dipa tayo tapos Vivienne wala ka talagang kwentang anak! Mabuti pa yung kuya mo ang sipag working students pa yun ah”
“may anak nga lang” in my thoughts
“humanda ka talaga sakin pag dika bumawi ” ang huling sabi nito bago umalis
Yeah, nakatulala lang ako sa bintana namin dahil wala man akong natanggap na ‘congrats nak, proud ako sayo’. Gusto ko marinig sakanya iyon dahil na ka Top 4 ako sa section namin. Mabuti pa yung mga kaibigan ko at adviser ko proud pa sila sakin.
Alam ko ang dahilan bat naka line of 7 ako sa english, dahil first quarter ay introvert talaga ako at nahihiya ako sumagot baka kasi ijudge nila agad ako pag nagkamali ako ng sagot at nahihiya ako mag recite. Wala akong masyadong kilala non nung first quarter dahil nga kakasimula palang ng face to face, isa lang ang aking close don sa section namin si Johanna dahil naging kaklase ko siya nung elementary.
Nag echo ang mga sinabi sakin ni mama kaya diko napigilan kumuha ng blade at ihiwa sa aking pulso. Diko na makontrol ang aking sarili dahil iyak lang ako ng iyak di ako nasasaktan sa ginagawa ko pero nasasaktan ako sa mga sinabi sakin ni mama.
Am I not enough?
Wala ba kong kwentang anak?Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko eh, ako pa nga yung madaming medal samin magkakapatid puro nasa top ako at matalino sa magpipinsan sa mother side eh.
Tas sinabihan akong obob?
hindi ko na kaya
YOU ARE READING
Something About You
Nouvelles"life is long and full of an infinite number of decision " At the age of sixteen, Vivienne Hermès still has no idea what she wants to do with her life in grade 10 until she met her soulmate... Sylvan Asher Zuñerin "hey syl, pili ka sa dalawa reinc...