part 4

50 0 0
                                    

📍 CHAPTER 04 📍

Yna POV

Papunta ako ng library ngayon dahil may kukunin akong libro dahil bukas na ang exam namin.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na mauna sila at susunod na lang ako.

Habang palinga-linga ako ay biglang nag ring ang phone ko.

"Hello Ma!".

'anak, kamusta kana?'.

"Okay naman po ako, kayo po. Kamusta kayo?".

'Okay naman ako anak, ikaw ang inaalala ko dyan'.

"Si mama talaga, wag nyo kong alalaanin okay lang po ako".

'sige ingat ka, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama'.

"Mahal din po kita".

Nakangiting ani ko at pinatay na nya ang tawag.

Nag simula na'kong mag hanap ng makita ko ang libro na hinahanap ko.

"Bingo!". Saad ko at lumapit.

Kaso sobrang taas naman, mukhang tatalon ako ng tatalon nito.

"Bullsh*t ba't ba kulang ako sa height. Tsk!".

Ani ko sa aking sarili at nagsimula ng kunin yun.

Punyawa hindi ko makuwa.

Tatalon na ulit sana ako ng maunaan ako ng nasa likod.

Hinlalaki mga braso na sabihin nating lalaki ang kumuwa sa libro na kukunin ko dapat.

Hinarap ko ang kumuwa ng libro at yun na lang ang pagkagulat ko.

"Mr.Demon!". Saad ko.

Hindi ito nagsalita at tinignan ang mga sulat na nasa libro.

"Akin na yan". Ani ko pero parang walang narinig'tong demonyo na'toh.

"Sabing akin na yan. Kailangan ko yan!".

Agad akong napapikit dahil sa inis kaya sisipain ko na sana siya ng umatras ito.

"HINDI MO BA AKO NARINIG MR.DEMON. ANG SABI KO AKIN NA YAN! KAILANGAN KO...".

"Why? Ikaw ba ang kumuha nito".

Gusto ko nang manuntok ng tao...Bw*set nito.

"Hindi ako ang kumuwa pero ako ang unang nakakita nyan".

"So? I don't care". Aalis na sana ito ng sipain ko siya sa likod na ikinadapa nya saka ko kinuwa ang libro at tumakbo.

Wala akong pake sa kanya, Napakamalas ng buhay ko ng dumating silang apat.

Kainis...!!!

Crake POV

nakaupo ako ngayon sa sahig dahil sa sakit ng likod ko.

Siya lang ang unang babaeng nanakit sakin.

Agad akong tumayo at naglakad na palabas.

Humanda sakin babaeng yun, sisiguradohing kong mag hihirap siya.

Yna POV

Dumating akong Caf, na hinihingal.

Paano ba naman kase, tumakbo ako mula library hanggang dito.

"H-huh Yna. Ba't ngayon ka lang?". Wendy.

"Tapos na kameng kumain, ikaw nalang hinihintay namin". Mela.

"Ayos ka lang ba yna?". Cloudy.

"O-oo, sorry natagalan ako. May nangyari lang kase e".

Umupo na'ko sa tabi ni Cloudy at sinimulan ko ng kagatin ang burger.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik kame ng dorm na pagod.

"Nakakapagod!". Ani ni wendy sabay higa sa kanyang kama.

Umupo ako at ibinaba ang bag saka libro at pumunta na kame ng banyo para maligo.

Matapos ang aming paliligo ay nagsi-tulogan na ang tatlo.

Samantala ako ito nagbabasa ng libro dahil nga exam namin bukas.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyari sa Library.

Aaminin kong ang Pogi nya ng malapitan at ang kapal ng mga kilay at pilik mata saka, pula ang kanyang labi.

D*mn Yna anong nangyari sayo.

Hindi ako makapag-focus sa pag re-review kaya lumabas ako ng naka short at Damit na mahaba na may tatak na BTS.

Army kaya ako at ang Bias ko ay si Hoseok pero Love ko silang lahat.

Pupunta ako ngayon ng garden para doon muna mag pahinga.

Kaso habang papalapit ako ng papalapit may naririnig akong mga boses kaya sumilip ako doon ng kunti.

Nakita kong may nagrarambulan.

Pito Vs. Pito.

Napakanot noo naman ako kong bakit may suntokan na nagaganap na gantong oras.

Bigla nanlaki ang mata ko ng makita ko si Mr.Demon.

Nakita ko ang isang lalaking naka Blue ang damit na nakahiga at pinagsusuntok.

Ewan ko ba kung bakit pero parang gusto ko siyang tulongan.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at sumugod doon sa lalaking nanuntok sa naka kulay blue.

Kinwelyuhan ko siya at sinipa ng malakas.

Napahinto naman ang lahat at nilingon nila ako.

"Unknown girl!". Ani ng apat.

Agad ko naman tinulongan ang lalaki na naka-kulay blue.

"Ayos ka lang?". Tanong ko na ikinatango nya.

Papaluin na sana nya ulit ang lalaking'to ng nahawakan ko ang kahoy at sinipa siya sa panga na ikina ubo nya ng dugo.

Ewan ko ba naiinis ako.

Bigla naman tumayo ang anim na kasamaan ng nasipa ko.

"You are a beautiful woman ". Ani ng lalaki na kasuntokan ni Mr.Demon.

"Tsk!". Singhal ko.

Sabay silang sumugod sakin kaya ginamitan ko sila ng dos por dos.

Sinipa ko sila tig-iisa, Sinuntok, At tinadyakan.

Pero bigla namang may namalo saking likod na ikina-aray ko.

Agad ko siyang sinuntok sa mata na mukhang magkakaroon ng black eye.

Nang mawalan na sila ng malay lahat ay huminto ako na hinihingal.

Hinarapan ko silang lahat na ngayon ay nakanganga.

Agad akong tumakbo pabalik ng Dorm.

T*ngina gusto ko mag pahangin hindi makipag-away yawa man jud.

"The Four Heartthrob Inlove To Cold Girl"Where stories live. Discover now