Chapter 6

2.8K 127 6
                                        

Edited



Blythe Nicole



Ilang araw din akong nag stay sa hospital at ngayong araw nako na discharge.



Ang paranoid lang nila nong sinabi ng doctor na kailangan ko pa mag pahinga ng ilang linggo.




Hawak-hawak nila yung mga anak ko habang ako naman ang nag karga kay Baby Bella.



Bumili narin kami ng bracelets para sakanila na magkaiba ang kulay at isa-isa iyong isinuot sa mga bata, para hindi kami malito kung sino sila sa lima at palatandaan narin kung sino ang panganay at bunso.



I'm happy and contented with my life, being a single mother is okay with me. Kahit minsan pumapasok sa isip ko na sabihin kay Gray ang tungkol sa mga anak namin.



"Dear, gusto mo bang mag hire tayo ng babysitters? Hindi mo kakayanin ang mga bata anak"sabi ni Mommy nong makaupo habang kalong-kalong si Baby Green.



"Oo nga naman Blythe hindi mo kaya sila Baby Alexis"pag sang-ayun ni Rhianne.



"They're right"sabay na sabat ni Moma at Ate.


Napabuntong hininga nalang ako at napahilamos ng muka."Ah fine, may mga kilala akong pwede maging babysitters but i don't think mapapapayag ko silang apat, you know naman na sakanya sila nagtratrabaho Marie"baling ko Marie.




Nag liwanag naman ang muka nya nang maintindihan ang sinasabi ko."Wait, wait, wait, teka....sila Vin ba?"nakangiting tanong nito sakin.



Tumango naman ako sakanya at ngumiti."Yep, tatawagan ko sila later"ngiti ko sakanya.



Alam narin nila Vinnine ang situation ko dahil lagi ko naman silang nakakausap, alam din nila na si Gray ang nakabuntis sakin.



Nangako din naman sila na safe sakanila ang sekreto ko at handa silang tumulong sakin.



"Mabuti panga na sila Vin ang kunin mo"ngiti nito sakin.



"You're way too obvious Marie Anicka. Are you interested with that Vinnine girl?"ngising asar ni Rhianne sa pinsan ko.



Di makasagot si Marie at nag I was ng tingin, dahilan para tawanan ito ni Rhianne."HAHAHA gotcha" natatawang sabi nito.



"Nako ah yang bunganga mo Rhianne paki lagyan ng preno, baka magising mga anak ko malilintikan ka sakin"pag papatahimik ko sakanya ng biglang gumalaw si Baby Bella.



Nag peace sign naman sya at kunyari zinizipper ang bibig.



Tulog na kasi ang mga anak ko tapus sya mag-iingay? Alam nya naman na once na umiyak ang isa ay iiyak din lahat.



"Ate please paki abot nga ng cellphone ko" paki-usap ko kay Ate na agad nya naman itong inabot sakin."Tawagan ko lang sila Vinnine"dagdag ko at inabot ang phone na hawak nya.



Nakita kong online si Vinnine kaya agad kong pinindot ang facetime para makapag videocall kami.



"Hi Vin"bungad ko sakanya nang sagotin ang tawag.



"Hello din ma'am, bakit napatawag po kayo?"tanong niya sa kabilang linya.



"Umm Vin wala ba sya diyan? kung wala pwede tawagin mo din sila Lauren?"paki-usap ko kay Vinnine, agad naman nyang tinawag ang tatlo at dali-daling lumapit sa harap ng cam.


She Got Me PregnantWhere stories live. Discover now