Edited.
Astra
Kasal na namin ni Leigh sa susunod na araw at masasabi kong masaya kaming pariho.
Imbetado lahat ng mga kaibigan ng pamilya namin at ang iilang mga kasusyo sa negosyo, kabilang na din ang mga malalapit naming kaibigan.
Masaya akong pakasalan ang babaeng matagal ko g mahal, it was 6 years ago noong una naming kita.
Dinalaw ko ang kaibigan kong si Blythe sa office nito at doon nakita ko si Leigh na mismong secretary pala ng kaibigan.
Unang kita ko palang sakanya ay nabighani ako sa ganda nyang taglay,masasabi kong nainlove agad ako sa unang kita ko palang sakanya.
Simula non ay hindi na sya mawala sa isip ko at pati panaghinip ay lagi na akong dinadalaw.
Natigil ang pag mumuni-muni ko ng admins biglang tumunog ang cellphone ko,agad ko itong kinuha at sinagot."Astra"tawag nito sakin.
Napangiti ako ng tignan ko sino ang caller."Gray! Kailan mo balak bunyahe papunta dito huh? Sila Tito andito na"nagtatampo ako sa babaeng 'to, hindi man lang ako binati!
"Astra, you know how busy i am..."hindi ko man sya kita ay alam kong hilot-hilot na nito ang sintido, dismayado ako pero iintindihin ko parin sya.
"Okay lang, bawi ka nalang samin ni Leigh"bumuntong hinga s'ya na ikinangiti ko, napaka busy talaga ng taong yun.
"Alright, I'll try my best para makapunta"napangiti ako sa narinig at umupo sa kama.
"Sure!sabihan mo'ko pag dating mo dito ah"sumagot ito at binaba na ang tawag.
Kinaumagahan ay sinundo ko si Blythe sa airport kasama ang buong pamilya nito, kasama din sila Vinnine at nga mag pinsan.
OMG! After 4 years makikita ko n din ang mga inaanak ko!
Lumapit ako sa kanila at niyakap ang kaibigan."Blythe, ang tagal mong nawala ah"hinampas ko sya sa braso na ikinasama nya ng tingin sakin.
Nag tatakang tumingin ang mga bata sakin lalo na yung hawak-hawak ni Blythe."Hello baby girl, what's your name?"ngiti ko sa may pink bracelet na bata, pansin kong mas kamuka nya si Blythe at hindi ang pinsan kong pangit.
Sumiksik ito sa likod ni Blythe na kinahagikhik ni Marie, habang yung apat naman ay masamang nakatingin sakin.
"Hey don't scare your Ninang"baling ni Blythe sa mga bata.
"Pfttt HAHAH!dapat kinuhanan mo ng pic!"tumingin ako sa gawi ng walangyang tumatawa ngayon habang yugyug si Rhianne.
"Stop it's Marie, nahihilo ako" reklamo ni Rhi sa kaibigan naming may sayad sa utak.
"Tama na yan,para parin kayong mga bata"napalingon ako kay Tita na natutuwang pinagmamasdan kami."Matagal narin nong huli ko kayong nakita na kompleto"Napangiti naman kami sa sinabi nya.
Totoo naman kasi ang sinabi ni Tita.
Simula nong mag graduate kaming apat mag college ay hindi na kami masyadong nagkikita, dumagdag pa na nag stay si Blythe sa America kasama si Marie habang si Rhianne naman ay palaging busy kuno sa business nya.
