TGS: Chapter 7

2 1 0
                                    

Crossing the Stream of Death

" Naririnig ko na ang mga papalapit na mga yabag sa atin! Bilisan mo na, Castor, baka maabutan tayo ng galit na pamilya reptalya!" Palahaw na sigaw ni Gaudi.

Mula sa paglalakbay nila kanina ay hindi man lang ito umupo. Malakas ang pandinig nito at mas nababahala ito dahil ito lang ang bukod tanging nakakarinig sa panganib na paparating.

"Manahimik ka nga riyan, Gaudi! Kita mong nahihirapan si Castor ngayon!" Sitang saway ng asul na Ranawan na si Gordon.

"Meeehh! Paano ako matatahimik kung umaalingawngaw sa pandinig ko ang panganib?" Depensang sagot ng kambing na si Gaudi.

"Tama na iyan. Magtiwala lang tayo na hindi tayo nila maaabutan." Mahinahon na wika ng mensaherong si Emil.

Gulat silang lahat ng biglang gumeywang ang bahay na si Castor. Natamaan ang bandang paanan nito ng apat na matatalim na sibat na ibinato ng pamilya reptalya.

Dahil may pinsala na ang bahay na si Castor kaya sobrang bagal na ng pag-usad nito. Idagdag pa ang pagbato ng matutulis na sibat ng pamilyang reptalya na gawa pa sa mismong pangil ng mga buwaya.

Biglang tumigil ang bahay na si Castor. Hirap na hirap na itong makapaglakad.

Kaya naabutan sila ng galit na pamilyang reptalya. At napapalibutan na sila ng mga ito.

"Andyan na ang pamilyang reptalya! Nasa likuran na natin sila!" Malakas na iyak ni Gaudi. Tanda ng takot sa mga naghahabol sa kanila dahil isa sa tatlong mababangis na nilalang sa Ranaw ang pamilyang reptalya.
 

"Pamilyang payaso! Ilabas ninyo ang babaeng taga-hawi ng kurtina! Kung gusto niyo pang maabutan ng bukangliwayway!" Gigil na sigaw ng buwayang pinuno na si Gento.

Nagkatinginan silang lahat sa loob. Kabadong kabado silang lahat lalo na ang dalagang si Rebecca. Nanginginig ang katawan nito sa takot habang sumiksik sa kalmadong kakambal nitong si Evita.

Tahimik lamang ang lahat maliban nalang sa chismosong kambing na si Gaudi.

"Ano na ang ating gagawin? Meeehh!" Kabadong pabalik balik nitong lakad.

"Huminahon ka lang, Gaudi. Haharapin ko sila." Wika ng pinuno nilang si Gaston.

"Sasamahan na kita, pinunong Gaston." Presintang saad ng chimerang si Faustino rito na tinanguan ng pinuno nilang pagong na si Gaston.

Lumabas ang dalawang miyembro ng pamilya sirkos upang pakalmahin ang galit na galit na pamilyang reptalya. Pinaliwanag ng mabuti ng pinuno nilang si Gaston na pansamantala muna silang aalis sa distrito Ranaw upang malapatan ng agarang panglunas ang mga nasugatan nilang kasamahan. Subalit, tila naging sarado ang isipan ng pinakapinuno ng pamilyang reptalya. Sinenyasan nitong paulanan ng matutulis na sibat ang dalawang miyembro ng pamilya reptalya.

Muntikan ng matamaan ang pinuno ng pamilyang sirkos. Mabuti nalang at mabilis na nakapaglabas ng bula ang sirenang si Sherlena. Binalot nito ng makakapal na bula ang bahay na si Castor. Ginamitan din ng mensaherong si Emil ng maliksing pag-ikot sa labas ng bahay upang tangayin ng hangin ang bulang harang na inilabas ng serenang si Sherlena. Pansamantalang nakatakas sila sa naghihimagsik na pamilyang reptalya na humahabol sa kanila.

DALAWANG sangang daanan ang bumungad sa pamilyang sirkos. Ang isang daan ay napapalibutan ng mga mapuputik na baging. Mahirapan ang bahay na si Castor na tumawid dito dahil may pinsala ang kabilang bahagi nito. Bagkus ito ang pinakaligtas na daanan papunta sa bukana ng distrito Kandungaw. Hanggang binti lang kasi ang tubig dito.

Ang pangalawang daanan ay isang malinaw pero malalim na batis. Kung anong ikinaganda ng tanawin dito ay siya namang may panganib na naghihintay. Ngunit wala ng ibang pagpipilian ang pamilyang sirkos. Ito lang ang bukod tanging daanan na pwede nilang tawirin dahil takot ang pamilyang reptalya na dumaan sa naturang batis.

"Bakit dito tayo dumaan? Hindi ninyo ba alam na kulang pa ng isang nilalang ang hindi pa nakuha ng batis na ito ngayong taon? Meehh! " Nahintakutan na wika ng chismosong kambing na si Gaudi.

Pero hindi siya pinansin ng mga kasamahan. Bagkus, nagpatuloy pa rin ang mga ito sa pagtawid sa batis ng kamatayan. Nang magsimula na silang maglunoy sa batis ay saka naman dumating ang pamilyang reptalya.

"Mga hunghang! Diyan pa talaga kayo tumawid! Makatakas nga kayo sakin pero hindi sa batis ng kamatayan!"

Nang-uuyam na halakhak nito matapos sabihin ang mga katagang iyon. Binato ulit  sila ng mga matutulis na sibat kaya hindi magkamayaw sa pag-iyak ang kambing na si Gaudi, "Meeeh... Katapusan na talaga natin 'to.."

Masyado itong nababahala na baka   katapusan na ng mga buhay nila.

Ngunit labis ang ikinapagtataka nila ay kahit isang sibat ay wala man lang tumama sa bahay na si Castor, tila ba'y hindi  na sila sinundan ng pamilyang reptalya. Puno ng pagtatakang sumilip sa bintana si Gordon upang alamin kung anong nangyayari sa labas.

Kitang-kita ng dalawang mata nito ang isang haligi ng naglalagablab na apoy. Nakaharang ito sa bawat sibat na binabato ng pamilyang reptalya. Kaagad namang ikweniwento ni Gordon sa mga kasamahan ang nakita.

"Hayaan mo na, kung sino man siya. Maraming salamat. Ang mahalaga  hindi na tayo magambala ng pamilyang reptalya. " Saad ng mensaherong si Emil. Hindi nalang nila ito pa inalam kung sinong nilalang ang tumutulong sa kanila.

Sa kabilang bahagi, natatanaw ng pamilya sirkos ang pamilyang reptalya. Nanatili lamang na nakatayo ang mga ito sa mabatong bahagi ng batis ng kamatayan. Walang kahit ni isa sa mga ito ang nagtangkang sundan ang patakas na pamilyang sirkos.

Sa loob ng bahay naman ng bahay na si Castor..

"Masyado ng malalim sa parteng ito. Hindi na kayang abutin ni Castor ang ilalim na bahagi." Deklara ng pagong na si Gaston sa mga kasama.

"Pakibaba ninyo ako sa tubig at ako ang maghihila kay Castor. " Pagboluntaryong saad ng serenang si Sherlena.

"Sasamahan na kita, mahal kong Sherlena." Saad naman ng asul na Ranawan na si Gordon.

"Tutulong rin ako. Sasampa ako sa likuran mo Gordon at ako na ang bahalang magbuhat sa bahay natin na si Castor. " Dagdag na wika ng pilay na si Nivear. Malakas ang kakayahan nito kaya hindi imposibleng ligtas silang makarating sa dulong bahagi ng batis ng kamatayan.

Ngunit, biglang tumigil ang lagaslas ng daloy ng tubig sa batis.

"Tsk, nadali na!" Anito ni Gordon sabay pilig ng kanyang ulo, " bakit kasi ngayon pa! Kung kailan nagmamadali tayo!"

"Naaamoy ata ng batis ng kamatayan na may mga kasamahan tayong may mga karamdaman." Kabadong saad ni Nivear.

"Bilisan nalang natin!" Seryosong saad ng serenang si Sherlena.

Nang malapit na ang pamilyang sirkos sa pinakadulong parte ng batis ng biglang nagbago ang daloy ng tubig. Unti-unti itong naglabas ng parisukat na hugis.

"Takte! Hila, Nivear!"

Naaalarmang sigaw ni Gordon sa pasan na si Nivear. Pero masyadong malakas na ang agos ng tubig batis. Kapag nawalan sila ng lakas upang kontrolin ang agos ay aanurin sila nito sa batis ng kawalan.

Nagsipagbabaan ang mensaherong si Emil at Faustino. Tumulong din ang mga ito sa paghila sa bahay na si Castor.

Hanggang sa makalipas ang labinlimang minuto ay nakarating din sila sa pinakadulong parte ng batis.

Gulat pa sila ng biglang nagbago ulit ang daloy ng tubig. Animo mga bula ng paputok na bulkang tubig ito. Nakakatakot na senyales pero dahil din dito natigil ang binabalak ng batis ng kamatayan sa kanila.

Hapong-hapo silang lima na nakasampa sa mabatong bahagi ng bukana ng distrito Kandungaw.

The Gypsy's Secret (Vengeance Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon