TGS : Chapter 20

5 0 0
                                    

ARRIVING DISTRICT ESCALARTA

"H'WAG ninyong hahayaan na makatakas ang pamilya sirkos!"

Malakas na sigaw ng isang chimerang taga-distrito Caraballo. Habol pa rin ng mga ito ang pamilya sirkos. 

"Nand'yan na sila.. Bilisan niyo pa ang pagtakbo!" Nababahalang wika ng tigreng si Lisam sa pamilya sirkos.  Nakadungaw kasi ito sa bintana ng bahay na si Castor. Hindi ito bumaba sa kadahilanang ito ang umaalalay sa higaang akwaryom ng sirenang si Sherlena.

"Meeh! Dumaan ang iba sa kanila sa  ibang daanan upang maharangan  tayo!" Nahintakutang bulalas ng kambing na si Gaudi. 

Alerto  naman ang mga Alapadian at ibang miyembro ng pamilya sirkos sa maaring mangyari.

Habang  tumatakas ang pamilya sirkos sa mga sumusugod sakanila na taga-distrito Caraballo ay bigla na lamang may isang hugis pintuan na gawa sa buhangin ang lumitaw. Nakalutang ito sa buhangin na ikinagulat ng pamilya sirkos at ng mga taga-distrito Alapad.

"Ang lagusan ng apoy!" hiyaw  na wika ng chimerang si Margie. 

"Ligtas ba ang dumaan sa lagusan na 'yan?" Tanong ng isang chimerang Alapadian. 

"Marami ang posibleng  kahihinatnan kapag dumaan tayo sa lagusan na apoy.  Saka pa natin malalaman kapag nakapasok na tayo sa loob. Pero ito ang mas mabilis na daan upang makarating kaagad tayo  sa distrito Escalarta!"

"Wala naman na tayong ibang pagpipilian dahil nasa harapan na natin ang ibang taga-distrito Caraballo!" Agaw na salita ng unggoy na si Faustino habang nakanguso sa bandang unahan ng pamilya sirkos.

Nagmamadali ang pamilya sirkos na lumapit sa lagusan na apoy dahil malapit na malapit na sa kanila ang taga-distrito Caraballo. Tanging malalakas na hiyawan na lamang  ang narinig ng mga humahabol na taga-distrito Caraballo sa pamilya sirkos .  Dahil isang malakas na pwersa ang humigop sa pamilya sirkos papasok at mga kasamahan. Nang makapasok na ang lahat ay saka naman biglang naglaho ito sa paningin ng taga-distrito Caraballo.

"Hmmp! Tingnan ko lang kung makakatagal ang mga iyon sa loob ng lagusan ng apoy!" 

Nakaismid na sabi ng  isang chimerang Caraballonian. Alam ng taga-distrito Caraballo ang kahinanatnan ng mga manlalakbay na hinihigop ng lagusan ng apoy, Manghihina ang sinumang makapasok sa loob nito dahil ang lagusan ng apoy ay isang daanan na nanghihigop ng lakas at enerhiya. Hindi lahat ay  makakaligtas sa lagusan ng apoy karamihan sa mga hinihigop nito ay hindi na nakakalabas ng buhay.

KAGAYA ng nakasanayan ang pook pangkalakalan ay dinudumog na naman ng iba't - ibang klase ng  mga chimera at serafin. Kahit hindi pa sumikat ang araw sa umaga ay abala na ang mga ito sa pagladlad sa kanilang kan'ya-kan'yang mga paninda. Sa gawing kanan nakahilera ang iba't-ibang klase ng hugis at kulay ng mga tolda. Nakakaladlad na rin ang iba't-ibang klase ng mga paninda na ginagawang kunsomo ng pangangailangan ng taga-distrito Escalarta. Sa kaliwang bahagi naman  nakahilera ang mga nagtitinda ng iba't-ibang hugis ng mga paso, banga, kabinet. May mga kagamitan rin na  gawa sa porselana, luwad, nakaukit sa kahoy, at may yari pa sa tela. May lumang akwaryom din na nilulumot na sa sobrang kalumaan. Nanggaling pa ang  mga kasangkapang ito sa iba't-ibang bahagi ng distrito ng Saniplipi. May mga taga ibang distrito ang dumadayo sa distrito Escalarta upang ibenta ang mga kasangkapan na hindi na nila nagagamit at nakipagpalitan sa mga bagay o kagamitan na maaring may pakinabang sa kanila. Pero minsan, nagdadala ang ibang karatig distrito  ng mga ibebentang alipin. 

Alas syete pa lamang ng umaga ay maingay na sa distrito Escalarta. Maaga rin nakatambay ang grupo ng pinaghalong chimera at serafin na nakatanghod sa harapan ng bakanteng istadyum habang humihigop ng mainit na tsa'a.

"Sana naman magkaroon ng bagong lalahok sa d'welo mamaya. Nakakaumay na kasi ang pabalik balik na mga kalahok." Pasaring ng isang serafin na panot na panay kamot sa kakarampot nitong buhok. 

"Malay mo, may  mga  bagong dayo na darating  rito  ngayon, at tiyak na magagaling na ang mga ito kaysa noong nakaraang dumayo rito." 

Wika pa ng isang chimerang hinihimas ang bundat nitong tiyan.

Hindi lang nakilala ang distrito Escalarta sa  pangkalakalan na distrito ng buong Saniplipi  kundi sa pagpapalaro ng mga tunggalian o d'welo ng mga binebentang alipin.  Nakadepende sa galing makipaglaban  ang magiging katumbas ng premyo. Ang mga talunan ay diretsong pinapadala sa distrito La Presa at distrito Kandungaw para gawing alipin. Ang palarang mananalo naman   sa loob ng sunod-sunod na limang linggo ay awtomatikong ipapadala sa distrito Sandawa, upang gawing taga-silbi. 

Marami ang nangarap makarating sa distrito Sandawa. Ito lang ang tanging distrito sa Saniplipi na nakatirik sa mga ulap at nakalutang sa buong Saniplipi. Bihira lang ang mga chimerang palarang nakakapunta sa distrito Sandawa.

Napalingon  ang lahat ng mga nag-aabang ng d'welo sa bakanteng istadyum ng biglang lumitaw ang isang lagusan ng apoy sa gitnang bahagi nito. At kasabay nang paglitaw nito ay ang pagsulpot ng isang bagay, at bumagsak ito sa gitna ng bakanteng istadyum. 

Tumilamsik sa pagmumukha ng mga umiinom ng mainit na tsa'a ang tubig na galing sa isang malaking akwaryom na nabasag.

INILUWA ang pamilya sirkos ng lagusan na apoy sa gitnang bahagi ng bakanteng istadyum ng distrito Escalarta. Dahil sa malakas na epekto ng pagbagsak nila kaya tumilapon ang akwaryom na higaan ng sirenang si Sherlena sa ibabang bahagi ng istadyum. Animo kumakaway ang kulay berde na pinaghalong asul nitong buntot. Nang makita  ng asul na Ranawan na si Gordon  ang nangyari sa sirenang si Sherlena ay kahit nanghihina ay kaagad nitong dinaluhan ang nakadapang sirena.

Naghiyawan ang mga nakatambay na mamamayan ng distrito Escalarta ng pinatihaya na ng asul na Ranawan na si Gordon ang nakdapang sirena na si Sherlena dahil nang masilayan na ng mga ito ang pagmumukha ng  nakadapang  sirena. 

"Huwaw! Napakagandang nilalang!"

"Sa tanang buhay ko ngayon pa lang ako nakakita ng isang sirena!" 

"Kapana-panabik ang labanan ngayon. Sigurado ako riyan! Kaya malaki ang ipupusta ko ngayon."

"Mukhang maganda ang araw natin ngayon dahil may manlalakbay tayo na galing sa distrito Ranaw!"

"Ipupusta ko ang aking napalunan sa pustahan noong nakaraang araw kapag lalaban ang isang Ranawan sa  d'welo!"

"Mukhang ang kailangan ng bagong dating ay isang akwaryom. Gagawin nating papremyo ang akwaryom ni Elias!"

Sunod-sunod na palatak ng mga nakatambay sa harapan ng istadyum. Naghihiyawan ang mga ito na animo nakabingwit ng isang malaking isda sa  dagat. Kung sabagay, malaki ang katumbas na halaga ng isang babaeng sirena sa distrito Saniplipi dahil sa distrito Ranaw lamang ito makikita. At mukhang naka-dyakpat ang taga-distrito Escalarta sa pagkakataong ito. Tatlong taga-distrito Ranawan ba naman ang magiging panauhin nila ngayon.

Kilala kasi ang distrito Ranaw na isa sa mga matatapang na nilalang ng distrito Saniplipi. Walang inuurungan ang mga ito. Laban kung laban, lalo na kapag isa sa mga kasamahan ng mga ito ang naagrabyado. 




The Gypsy's Secret (Vengeance Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon