TGS: Chapter 28

0 0 0
                                    

RACQUEL'S FLASHBACK

Isang malakas na pagsabog ang gumambala sa kalagitnaan ng pagtuturo  ni ginang Racquel. Naantala ang ginawa niyang pasulit sa mga estudyante na serafin ng distrito Sandawa dahil sa nangyaring pagsabog.

Makalipas ang sampong minuto ay narinig na ni ginang Racquel ang malakas na boses ng mensahero ng distrito Sandawa. 

"Inaatake ang bahay ng pagsasanay ng mga itim na serafin! Inaatake tayo ng mga itim na serafin!! Magsilikas na kayo! Nakahanda na sa bandang labasan ang mga unikornyo na mga serafin upang ihatid kayo sa inyong kaniya-kaniyang mga tahanan!" 

Malakas na sigaw anunsyo  nang mensahero ng distrito Sandawa. 

Wala sa sariling napahawak sa dibdib si ginang Racquel. Ngunit, kailangan niyang maging matatag para sa kaniyang mga estudyante.

"Huminahon lamang kayo. H'wag kayong magtulakan. " Puno ng pag-aalalang wika ni ginang Racquel sa kaniyang mga estudyante. 

Nang makalabas na ang lahat ng kanyang mga estudyante ay saka pa lumabas si ginang Racquel. Nakasalubong naman niya ang nagmamadaling gabay na guro ng distrito Kandungaw. Yumukod muna ang ulo nito bago ito nagsalita. 

"Hindi kita maaaring isasabay ngayon sa aking pag-uwi dahil nandito ang aking maybahay na si Lisam, kasama si ikalawang pinuno na si Flavia. Kailangan ko silang maihatid ng ligtas pabalik ng distrito Kandungaw." Hinging paumanhin ng gabay na guro na si Ruzgar. Akmang aalis na sana ito ng bigla itong huminto at nilingong muli si ginang Racquel. 

"Bago ko makalimutan na sabihin sa'yo, ginang Racquel." Mula sa suot nitong tsaleko ay may dinukot ito. At inilabas ang isang nakatuping liham. 

Hindi na kailangan pa na tanungin ni ginang Racquel si ginoong Ruzgar kung kanino galing ang nakatuping liham. Dahil isang serafin lamang ang alam niyang nagpabigay nito. 

"Salamat, mag-iingat kayo," matipid na ngiti ang tanging naitugon ni ginang Racquel sa gabay na guro ng distrito Kandungaw.

"Basahin mo raw iyan kapag nakasakay ka na sa unikornyong serafin na naghihintay sa'yo sa dulo ng pasilyong ito. Mag-iingat ka rin." Muling yumukod ang gabay na guro ng distrito Kandungaw kay ginang Racquel bago ito lumipad paalis. 

Maingat na isinuksok ni ginang Racquel sa ilalim ng kanyang tsaleko ang tinuping liham. Habang nagmamadaling tinungo ang dulo ng pasilyo. Kaagad na sumampa si ginang Racquel sa unikornyong serafin. Nang makasiguro na ang unikornyong serafin na maayos nang nakasampa sa kanya si ginang Racquel ay kaagad na lumipad na ito. 

Habang nasa himpapawid na si ginang Racquel ay saka naman niya binuksan ang tinuping liham. 

' Sana mapatawad mo ako kung hindi kita magawang unahin ngayon. Kailangan ko munang magampanan ang sinumpaan kong tungkulin dito sa distrito Sandawa. Pinapangako ko na magiging ligtas ako dahil babalikan pa kita pagkatapos ng hidwaan ng mga serafin. Magkikita pa tayong muli. '

Ito ang naglalaman   sa tinuping liham. Muling isinuksok ni ginang Racquel ang tinuping liham sa loob ng kanyang tsaleko. At nag-usal si ginang Racquel ng isang panalangin, na sana ligtas ang serafin na iniibig.  



HINATID SI GINANG RACQUEL ng unikornyong serafin patawid sa isang tulay na buhay. Pagitan ito ng distrito Sandawa at distrito ng Kandungaw. Habang ibinaba siya ng unikornyo na serafin ay may namataan si ginang Racquel na dalawang nilalang na nagtatago sa lilim ng  isang puno na may malalagong mga dahon. Sinipat niyang mabuti upang mapagsino ang mga ito, at kanyang nagpagtanto na ito ang magkasintahang serafin na kanyang naging estudyante. Parehong galing ang mga ito sa matataas na angkan ng distrito Sandawa at ng distrito Kandungaw. Nangungusap ang mga mata ng babaeng serafin na may pinaghalong kulay puti at gintong mga pakpak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Gypsy's Secret (Vengeance Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon