TGS: Chapter 13

1 1 0
                                    

BARTOLOME, THE TRAITOR

NAGULANTANG ang pamilya sirkos dahil sa biglaang  pag-alog  ng kanilang bahay. Kaagad na nagsipaglabasan ang pamilya sirkos. Tumambad sa kanilang paningin ang chimera na kalabaw na walang iba-- si Bartolome.

" Mataas na ang sikat ng araw at nandito pa rin kayo nagtatago sa inyong lungga! " Malakas na wika ng chimerang si Bartolome sa pamilya sirkos. 

"H'wag kang mag-alala, kaibigan, gagayak na dapat kami n'ong nagtawag ka, "mahinahon  napagpaliwanag ng pagong na si Gaston. 

"Eh di bumaba na kayo d'yan! Ang kukupad ninyong kumilos! Baka pagdating natin roon nakatunganga lang kayo!" Sunod-sunod na pagtalak ng chimerang si Bartolome.

Walang kahit ni isa sa pamilyang sirkos ang umimik sa patutsada ng chimerang si Bartolome. Bagkus,  nagkanya- kanya na silang bumaba sa kanilang tahanan. 

Katulad ng dati ang serenang si  Sherlena at ang asul na Ranawan ang naiiwan sa kanilang bahay. Mas lalo kasi silang matatagalan kapag isasama pa nila ang bahay na si Castor.

"Nasaan na ang dalawang dalagang anak ni ginang Racquel?" Ungkat na tanong nito sa pamilya sirkos nang mapansin nito na wala ang dalawa.

"Nasa taniman na sila, " diretsong sagot ng mensaherong si Emil kahit na hindi ito sigurado kung tama ba ang naging kasagutan nito.

"Mabuti at nauna na sila, para may maipakita  na sila sa akin na bukal. Kasi kapag napatunayan ko talaga na nagsisinungaling lang sila tungkol sa bukal na iyan. Hinding-hindi ko na talaga kayo papabalikin dito sa distrito Llorente!" 

Mahabang pagtatalak na naman  ng chimerang kalabaw na si Bartolome. Imbes na patulan ng pamilya sirkos ang chimerang kalabaw ay hinayaan nalang ng mga ito na magtalak ng magtalak.

Tahimik lang ang pamilya sirkos sa kanilang paglalakbay. Ayaw ng mga ito na lumikha na kahit na anumang ingay. 

Tanghaling tapat na lang ay hindi pa rin nila natunton ang pinagtaniman nila ng mga bungang kahoy. 

"Kapitan, naliligaw na ata tayo. Mukhang hindi tama ang dinadaanan natin. Sa huling pagkatanda ko kasi ay kalbo na ang mga puno rito, ngunit tila isa ng masukal na kagubatan ang nandirito. " May himig pag-alala ang boses ng isa sa mga kasamahan ng chimerang kalabaw na si Bartolome. 

"Imposibleng naliligaw tayo, dahil ito ang puno na may ukit na bungo ang palatandaan natin." Nagtataka namang wika ng isa pang taga-distrito Llorente.

"Hoy, Eliseo! Halika rito sa unahan! Hindi ba kabisado ng iyong pamilya ang lugar na ito? Bakit ka nakatunganga lang diyan? Kung kanina mo pa kami tinutulungan, dapat kanina pa tayo nakarating!  "

 Sigaw na sita ng kalabaw na si Bartolome kay Eliseo. Mabilis naman ng tumalima ang kawawang si Eliseo. Sinasabayan ito ng kambing na si Gaudi na kanina pa tahimik. Animo may pinapakinggan ito base nalang sa pagtaas baba ng kanang tainga nito. 

"Meeh! Natunton ko na ang kinaroroonan ng dalawang dalaga!" Bulalas na saad ng kambing na si Gaudi. 

"Mabuti naman at may pakinabang ang isa sa inyo rito! Kanina niyo pa pinapasakit ang aking ulo!" Panay atungal ng chimerang si Bartolome.

Hindi ito pinansin ng kambing na si Gaudi. Dire-diretso lang itong naglalakad. Nakapwesto ito sa unahan ni Eliseo. Makalipas ang kalahating oras ay nakita na nila ang kambal. Tahimik lamang ang mga ito habang nagpapaikot ng nilulutong kamote na nakatuhog sa kawayan.  

Nang makita ng mga taga-distrito Llorente ang ginagawa ng dalawa ay nagsipag-unahan sa paglapit ang mga ito. At wala nang paalam na kumuha ng tig-iisang  tuhog  ng kamote. Nakasunod naman ang kanina pa tahimik na pamilyang sirkos. 

The Gypsy's Secret (Vengeance Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon