Chapter 4 - Isa Pa.

65.5K 1.6K 170
                                    

Naramdaman ko na lang na iniangat nya ako mula sa pool at pinaupo sa gilid. I was still clutching for my leg although umuubo ako ng paulit ulit dahil sa nainom ko na tubig.

"Ayos ka lang ba?" Ramdam ko na ikinulong ni Ram ang mukha ko sa mga kamay nya habang titig na titig sa akin.

Tuloy tuloy akong tumango pero napapangiwi ako dahil sa sakin ng hita ko.

Sinundan nya ng tingin kung saan ako nakahawak. I heard him groan.

"Pulikat?" Mahinang tanong nya bago gumalaw at hinawi ang kamay ko. Beforr I knew it, sya na ang may hawak sa hita ko.

"A-aray!" Mahinang sabi ko.

Ngayon ko lang napansin na halos hubad na pala si Ram! He was just wearing a boxer na halata ang bakat ng pagkalalaki nya. Napaiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang init na tumaas sa mga pisngi ko. Bawat pag galaw nya ay nakikita ko rin ang pag flex ng msucles nya in the right places.

"Masakit pa rin ba?" Tanong nya. He was massaging it at halatang focus na focus sya.

Masakit pa rin pero halos hindi ko na ramdam dahil iba na ang iniisip ko. Sobrang lapit namin, he was caressing me and the heat from his body radiates at ramdam na ramdam ko iyon. Pilit kong iniiwas ang tingin ko sa lower body nya. Which is ang hirap hirap sa ganitong sitwasyon.

"Ayos ka na ba?"

Tinignan ko sya. Doon ko na realize na kunot na sya at parang nagtataka sa reaction ko. Napatitig ako sa mga labi nya na parang ang sarap sarap halikan. Napansin ko na napa awang ng bahagya ang labi nya, marahil ay dahil sa pagtataka.

Natauhan ako. Agad akong tumayo at umatras ng kaunti mula sa kanya.

"Ah ano.. Pasensya na. Hindi kasi ako makatulog kaya naisip ko lumangoy.." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

He was almost naked, for hell's sake. He was standing in front of me like he was waiting for the photographers to take photo of him. He's just so.. So perfect!

"Naka bikini ka." It wasn't a question, but a statement. Gulo gulo ang basang buhok nya. Hinagod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at doon pa lang ako nakaramdam ng conciousness.

Tinignan ko sya at kita ko na galit sya. Napa atras ako. Shit. Oo nga pala, bawal magsuot ng revealing. Eh malay ko ba na makikita nya? Nakakuyom ang mga kamay nya.

Napa atras ako. "Ram ano kasi.." Para akong bata na nahuling nang aaway.

"Akala ko ba napag usapan na natin na hindi ka magsusuot ng ganyan?" Malumanay pa rin nag boses nya pero ramdam ko na may kalakip iyon na galit.

I just kept on stepping backward at sya naman sinusundan ako. He was walking sexily towards me. Alam ko di nya yon sadya pero bakit ang sexy ng lahat ng ginagawa ni Ram? Kahit ngayon na halatang galit sya.

"A-ano ba ang inaasahan mo, magpapajama ako pag nag swimming?" Kabado ako pero nagawa ko sumagot.

Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang malamig na pader na tumama sa likod ko. Great. May isang pillar na nasa inaatrasan ko.

In a minute ay na corner na niya ako. Napakagat ako ng labi nang makalapit na sya. Ramdam ko na naman ang init ng katawan nya kahit basa kami pareho. Bumaba ang tingin nya sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nya.

"R-ram.."

"Matigas ang ulo mo, Beatriz." Anas nya. Nakatingin pa rin sya sa labi ko.

I was so damn frozen and conscious at the same time! Gusto ko pang umatras pero wala na ako ma atrasan dahil sa pillar na nasa likod ko. Masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko.

Isabela Series 1: Make Me Feel [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon