Chapter 15 - Drunk Drama.

55.5K 1.3K 44
                                    

Napa awang ang labi ko. "P-pero hindi yon ang intension ko-" Gustong gusto ko bigla magpaliwanag pero pinutol nya ang sasabihin ko.

"Okay lang, Beatriz." He gave me a faint smile it almost looked fake. "Matulog na tayo." Muli syang humiga at ipinikit ang mga mata nya.

"C'mon, Ram! Mag usap tayo. Paano mo nalaman na ex ko si Brent? Wag tayo matulog ng hindi ito maayos." Naiiyak na sabi ko. Nakaka frustrate. Ngayon ko na realize na parang nag iba si Ram nang lumapag na kami sa Manila. "Matagal naman na kasi kaming break ni Brent. Four years na. At totoo naman na family friend namin sya."

Hindi pa rin gumagalaw si Ram. Naiinis na naiiyak na ako. Hindi ba talaga sya makikipag usap sa akin?

"Ram! Ano ba?!" Hinila ko ang kamay nya.

Bigla syang bumangon. Tumayo sya sa gilid ng kama. "You want to talk about it, fine." May gigil sa boses nya. I never want to see this side of him, pero sa tingin ko, maaga talaga ang lahat sa amin. "I saw it with the way he looked at you. The way he touched you. May meaning. And you just confirmed it to me."

"Ram naman, eh. I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya na hindi sabihin sayo. Wala namang mangyayari kung babanggitin ko pa na ex ko si Brent."

"Kung sinabi mo, edi sana wala tayong pinag uusapan ngayon." Matigas na sabi nya.

Tumayo ako at humarap sa kanya. "I'm sorry! Bakit ba kanina ka pa galit? Hindi lang yung kay Brent. Kaninang dumating tayo. Tapos pagka alis ni Beks. Ano bang problema?"

Nakita ko na kinuyom ni Ram ang mga palad nya. "Hindi lang talaga siguro para sa akin ang Manila." Mahinang sabi nya.

"So.."

Hindi sumagot si Ram. Tumitig lang sya sa akin.

"Ram."

Hindi na naman sya sumagot.

Nanghihina na napaupo ako sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung bakit napunta kami sa ganitong sitwasyon.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka ganyan, Ram." Naiiyak na sabi ko. "Eh ano naman kung hindi para sayo ang Manila? Ako naman yung ipupunta mo rito, eh."

Hindi pa rin sya sumasagot.

Naiyak na talaga ako. Sinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko.

"I'm sorry." Rinig ko na sabi nya. Naramdaman ko na tumabi sya sa akin. "I just saw how you look so alive in here. Kung paanong paglapag na paglapag pa lang natin sa airport, kitang kita ko na taga dito ka, dito ang lugar mo. Nagpapa deliver ka ng pagkain, mas madalas ka kumain sa labas. Malayong malayo sa buhay ko sa Isabela." Mahinang sabi ni Ram.

Unti unti ko syang nilingon. Nakayuko lang sya.

"When we were in Isabela, you lived an ordinary life. Nakita ko na kahit papaano, nag enjoy ka. Wala kang reklamo. Mas lumaki ang chance ko. I thought, maybe naisip mo na hindi naman masyadong masama ang buhay sa probinsya. For days na magkasama tayo, iyon ang tumatakbo sa isip ko. Sa isang iglap, sinampal ako ng katotohanan na mali ako. Your life is here, Beatriz. Malayong malayo sa buhay ng probinsyano na kagaya ko."

Ginagap ko ang kamay nya. "What the hell are you talking about, Ram?!" Hindi nya alam na all this time ay iyon pa rin ang iniisip ni Ram.

He can be complicated and simple at the same time.

"Hindi ba?" Malungkot syang tumingin sa akin. "You were nervous a while ago kasi makikita ng kaibigan mo na may probinsyano kang kasama. Na may boyfriend kang taga probinsya. I am not like those people here. Not like Brent."

Napakamot ako sa ulo ko. Seriously! Hindi ko talaga maintindihan bakit ganoon na lang ang tingin ni Ram sa sarili nya. Hindi nya ba makita kung gaano sya ka gandang lalaki? Hindi nya ba alam kung gaano syang mas angat kaysa sa ibang taga Maynila na lalaki?

Isabela Series 1: Make Me Feel [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon