SIMULA

26 2 0
                                    

"Happy birthday, Mira! Happy birthday to you! Happy birthday, Dear Mira! Happy 18th birthday to you!" Tuwang tuwa at malakas na kanta ng mga classmate ko habang pinopokpok ang mga kamay sa kanilang desk para gumawa ng ingay.

Mabuti na lamang at hindi pa dumadating ang aming professor mula sa unang major subject. "Thank you guys! HAHAHA. Ang dami niyong alam. Parang hindi mga first year college sa ingay." Umupo ako sa aking upuan ng naka-ngiti. Natatawa sa ginawa nila ang saya kaya makantahan ng Happy birthday sa loob ng classroom. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko ng fist bump na siyang tinugunan ko naman.

"Hbd, Mirang! Saan tayo mamaya?" Tanong ni Aia, ang maituturing kong pinakaclose dito sa classroom. "Wala naman akong plano mamaya, tulad lang din ng dati na uuwi lang ng diretso sa bahay." Ganun ko kaya i-celebrate ang birthday ko.

"Corny mo naman, Mira Pauline. Sumama ka nalang mamaya samin!"

"At saan naman? Hindi ako interesado." Pag-inuman to, pass ako. Mas gugustohin ko nalang humiga sa kama at magbasa ng libro. Book is life, hindi talaga makukumpleto ang araw ko kapag hindi nakakahimas at nakakaamoy ng libro sa araw araw.

"Kill joy mo talaga, anteh. Kaya ang tamlay-tamlay mo e. Mira. Maging snappy ka. HAHAHA" Sabi ng isa kong kaklase.

"Saan ba kasi? Ang titilok niyo." Tanong ko. Siguro time na rin para makipag-bonding ako sa mga classmate ko, lagi akong nasasabihang kill joy dahil nakakatamad naman talaga kasing gumala, sayang sa pamasahe yan! Ang hirap kaya maging mahirap. Kung may sahod lang talaga ang pagbabasa baka nilibre ko na lahat pati ipis.

"Sa bagong bukas na Art Museum sa bayan, marami daw art don." Sagot ni Aia sa tanong ko.

"Ay malamang museum yon, tanga. Lahat ng nandoon is a work of art." Sabi ng isa sa kaklase ko kay Aia.

"Inàmukà, Jp!" Aambahan pakunwari ng suntok, kahit totoo naman ang sinabi ng lalaki. Bardagulan na naman tong dalawa. Pero may bagong museum pala sa bayan? Ang outdated ko talaga.

"Sumama ka na, Mira. Treat ko na yung entrance mo." Hala anube, kinausap ako ng crush ko. Ehe! I do, father. Char.

"S-sasama naman talaga ako. Interesado kasi ako sayo ay ehem este sa mga arts pala." Umubo ako na parang may bumarang plema sa lalamunan. Tinawanan niya lang ako marahil ay sanay na sa pagbibiro ko.

"Tangina mo, Mirang. Pag si Johan, wala pang ilang minuto nabigay kana! Tas ako kulang nalang buhatin ka. Marupok! Grr." Grabe naman makahampas, ang bigat ng kamay amp. Tapos na ata makipag bardagulan tong bff ko kasi ako na ang inaasar.

"Oo sasama ako. After pa naman ng uwian, masyado kang excited bida bida ka."

Sasagot pa sana siya kaso may nag tip na parating na ang Professor namin. Kaya nagsi-ayos na kami ng upo para makaiwas sa demerit.

---

"TUNE!"

"I-tune ko yang muka mo." Sabi ng bff ko sa kaklase kong nagf-feeling officer sa ROTC.

Naglalakad kaming magkakaklase ngayon papunta sa bayan para matignan yung mga sinasabi nilang art. Hindi na kami sasakay dahil lang sayang sa pamasahe. Hindi ako mahilig sa art for the first time kong papasok sa isang museum. Sumusunod lang naman talaga ako sa trip ng mga kaklase kong to.

Nakita ko agad ang establisyimento ng kami'y makarating na at nagsi-bayad na ng fee sa entrance. May tinatak na stamp sa kamay namin. Binigay narin namin ang mga bag para itabi dahil hindi daw allowed ang mga pagkain at gamit even cellphone. Napakahigpit naman ng management nila.

Pagkapasok namin sa loob ay tumambad ang mga paintings, Sculptures, artifacts at kung ano ano pang art. Nagtataka lang din ako. Opening ngayon tas ang konti lang ng tao? Bukod saming 12 na magkakaklase ay parang l-lima lang ang bisita rito at hindi pa kasama ang 2 staff. Ipinag-walang sambahala ko na lamang yon dahil pake ko ba sa kanila? Diba?

Queen MerindialWhere stories live. Discover now