"Kaxnov?"
Isa lang ang masasabi ko... Kapag sa mundong pinaroonan ko, iisipin ko palang na makakatanggap at makabasa ako ng mga ganito ay pagka-'Cringe at korni' ang mararamdaman ko. Pero ngayon, hindi ko na alam. Kinikilig ako sa kung sinumang sumulat nitong liham, dahil ramdam na radam ko yung sinseridad niya at pag-mamahal niya sa katawang ito.
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong papel ng biglang may humawak sa balikat ko.
"Meri, bakit ka na naman namumula?" Tanong sakin ni Naleae. Narito na pala siya.
"Muntik na kong hindi papasukin ng mga bago mong tagapagsilbi, kung hindi ko sinabing ako'y iyong malapit na kaibigan." Dugtong niya pa. Na parang pag-sinabi niya sa akin iyon ay papagalitan ko ang sila Wendra dahil sa muntik na hindi pag-papatuloy.
Nang hindi ako naka-imik ay bumaba ang kanyang mata sa papel na hawak ko at binigyan ako ng mapangtuksong tingin. Mabilis kong isinara ang papel sa takot na may mabasa siya.
"Ang iyong mukhang namumula. Galing ba yan sa mistisong Duke ng mga Haron?" Tanong niya. Napamaang naman ako.
"Kaxnov?" Tanong ko.
"Sa kanya ngang tunay? Panigurado'y magkikita kayo sa piging na gaganapin bukas ng gabi!" Tukoy pa niya at itinaas ang hawak na pamaypay upang itakip sa kanyang mukha para itago ang kilig.
Sino itong Kaxnov na ito? Secret lover ba to ni Merindial? Bakit mukang kilala ni Naelea at parang kinukunsinti pa? Diba asawa niya na ang hari? Hindi imposibleng hindi niya alam na asawa ko ang hari sa bansang ito. Ay ano yorn, bet niya maging pangalawa?
Napag-balikat ko nalang ito at hindi ko na masyadong inisip. Itinabi ko na sa loob ng drawer ang sulat. Basta hindi ko makikita ang Kaxnov na yan ay hindi ako mapapahamak, sa dami pa naman ng tao sa party bukas imposibleng makita niya ko. Magtatago nalang siguro ako sa sulok.
"Hindi ka na naka-imik dyan, Meri. Naku! Huwag mo munang isipin ang Duke. Naririto ako ngayon upang sunduin ka dahil naghihintay na si Ginang Chioma sa silid tanggapan." Tuloy tuloy niyang sabi. Napag-alaman ko na si Ginang Chioma ay ang designer ng Reyna sa bawat okasyon na nagaganap.
Mahalaga na laging maganda at elegante ang reyna lalo na't haharap sa ibang aristokrata. Para narin ipakita at iparamdam ang kapangyarihan ng pamilyang Scoewalden sa mga nasasakupan nito.
Marahil nung wala pa ko dito ay pinipilahan na ng mga piging itong si Merindial. Kinakabahan tuloy ako dahil ito ang kauna-unahang piging na dadaluhan ko sa buong buhay ko. Hindi naman ako na-inform na may party edi sana hindi ako naging KJ, at sumali sa mga Acquaintance party nung Senior high ako.
Dahil nakagayak na ko ay dumeretso na kami sa silid tanggapan ng reyna. Ay shala, may silid talaga para sa mga bisita.
Nang kami'y naglalakad ay napansin kong walang kasama si Naleae. Samantalang nakasunod ang aking dalawang tagapagsilbi sa akin.
"Naleae, bakit nga pala'y hindi ka sinasamahan ng mga tagapag-silbi mo?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Meri. Ang mga tulad ko na hindi naka-tira sa loob ng palasyo ay hindi dapat magkaroon ng mga tagapag-silbi at kung mayroon man ay sa loob ng pamamahay lamang sila maaring mag-silbi. Hindi ba dapat alam mo iyon?" Tanong niya sa akin, nakakunot ang noo.
"Nakalimutan ko na sa dami ng aking iniisip." Sagot ko nalang. Dahil ang totoo'y hindi ko naman talaga alam.
"Oo nga pala, hindi na dapat ako nagtataka. Madalas kang makalimot sa ibang mga bagay." Napahinga naman ako ng maluwag. "Oh, nandito na tayo."
Sila Wendra at Yuaz ang nagbukas ng pinto para sa akin at hindi na sumama sakin papaloob at nag-paiwan nalang. Aking unang naulingan ang babaeng naka-tayo. Ang suot niya ay katulad lang din ng kay Ginang Vleo, ngunit ang disenyo ay kahit sa malayo ay masasabi mong maganda at mas may taste. Mahahalata mo talaga na kapag ang isang tao ay may katayuan sa buhay.