TRES

2 0 0
                                    

September 3,

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng pumasok ako sa Public school na ito. Still didn't change my mind paren, boring parin.

  Lunes ngayon at as usual maaga na naman akong pumasok. Nandito ako sa tapat ng school gate at hinihintay si Mac at Mat. Pinilit nila ako nung friday na dapat sabay daw kaming pumasok sa room, kaya nag papahintay. At yea that's why nandito ako sa school gate, napilit ako.

  Maaga palang naiirita na ako sa mga tumitingin saakin. Paano ba naman nandito ako sa posteng tinutukoy nila Mac na dito daw ako maghintay. Ang liwanag sa pwesto ko, parang may nakatutok saaking spotlight.

   It's been 10 mins na ah! "Nakakainis naman. " I muttered to the air.

    Maya maya pa ay may kakaibang hangin akong naramdaman sa gilid ko. Hindi ko ito nilingon, maya maya pa ay bigla akong hinawakan at mabilis ko namang nahampas iyon.

   "Aray koo!" Daing nitong babae, nilingon ko naman ito at napag tantuang classmate ko pala ito. Si Angel. Remember nyu ba yung girl na annoying na ininsult ako nung orientation? yea that's her.

   "Tsee." Ako.

   "Ansaket nun ah!" Reklamo niya, nirolan ko lang siya ng eyes. "Ayun! ang aga aga ang taray taray mo e, noh?!" Ingay ingay ng bunganga nitong babaeng toh, hindi ko naman siya close.

   "Shut your mouth."

   "Mamamo shut." Tinarayan look niya ako.

  "Haiii! ang aga aga naman kase ang sungit sungit mo! nanghahampas pa! huy!"

  "Manahimik."

"Nyenye manahimik." She mimicked me.

  "Hinihintay mo ba gf? hala gagiii! may gf kana, gagi weyt weyt! itwetweet ko ya—" Mabilis kong nahablot ang phone niya na hawakhawak niya at ipinalsak sa bungangang niyang napaka ingay. Saktong dumating naman sila Mac at Matt.

   "Oh Angel! alam kong patay gutom ka pero wag mo naman kainin cellphone mo oh." Pang iinsulto ni Mac, kinuha naman agad ni Angel ang phone niya sa bunganga at ginamit itong panghampas kay Mac.

   "Oh ito makikainin mo den! punyeta!" Naiiritang saad ni Angel, nag bungisngisan naman sila at pinangunahan ko na silang pumasok ng gate dahil 40 mins nalang mag iistart na ang morning period namin. I have a time to take a nap pa.

   "Ikaw tanga salagubang, gago." Si Angel na wagas pa sa demonyo kung mag mura.

   "Bunganga mo Angel!" Saway naman ni Mac.

   "Payag ka nun, Mac. Mukha ka daw salagubang kahit mukha kang unggoy?" Si Matt, binatukan siya ni Mac.

    On the way na kami sa classroom at hindi paren na tigil ang asaran nila. Lunes ng umaga sirang sira na araw ko sa maiingay na bibig nila. I need a peaceful day, pls.

    Papasok na sana ako ng classroom nang harangin ako ni Pat, president namin. "Good morning pogi, ambag mo?" Bungad niya at tinasaan pa ako ng manipis niyang kilay.

    Hindi pa ako nakakapasok ng classroom mag lalabas na ako ng pera. " Can i go in muna?" Sabe ko. Mas lalo niyang tinaasan ang kilay niya, angry bird e.

   "Hindi, tutulugan mo nanamn ako e." Narinig ko naman ang pag bungis ngis ng tao sa likod ko, sila Mac at Matt pati si Angel. Isang beses ko lang naman yun ginawa sakanya ah.

  " No, just let me in first. My bag is annoyingly heavy." Totoo naman mabigat! mas mahigpit pa siya sa security guard na nag hahanap ng id kahit wala pang binigay na id ang school, tsk.

Auguste, i love u since thenWhere stories live. Discover now