3 (Tres)

213 9 1
                                    

Waaaaaaaaah!

Hindi. Ako. Makatulog.


Di ako sanay na may katabiiiiii!


At pano kami nagkatabi? Pano kaninang madaling araw di ako makatulog kaya naisip kong silipin siya at mga tih! naawa ako kasi tiklop na tiklop yung katawan sa couch. Ang tangkad pa naman niya!

Kaya pinilit ko siyang tumabi sakin. Nag iinarte pa nga eh!

Ganto nangyare:

Kaninang 2AM

"Matthew dun ka na sa higaan. Di ka nga kasya jan. Nakakaawa ka." sabi ko

"It's ok, I'm okay. I won't sleep beside you unless tayo na." sabi niya ng nakapikit

"Wag ka na kasi makuliiiit! Kinokonsensya mo lang ako eh!"

"Sagutin mo muna ako." with teasing smile

"No! Di ka pa nga nag start manligaw eh"

"Nagstart na ko. Pinagluto kita, sarap diba?" minulat na nya mata niya

"Hoy di mo naman sinabing panliligaw yun."

"Fine fine. Sasagutin mo na ba ako?"

"No!"

"Crush mo ko?"

"Ye-- No!"

"umoo ka na kasi"

"No!"


"Gwapo ba ko?"


"Oo!"


"Ayun! Sinagot mo na ko!

Myghad!

End:

Anong oras na ba?

Tinignan ko yung orasan sa gilid ng higaan, at 3:00 am na. Mygharsh.

Teka lang, masilip nga tong katabi ko. Nakatalikod kasi ako sa kanya. 

Pag harap ko napaatras ako agad. Sakto kasi yung mukha ko sa mukha niya. Mygharsh!


Pinagmamasdan ko yung muka niya. And to be honest, ang gwapo niya. Di na ko magtataka kung bakit ang daming nagkakandarapa dito. Bukod sa gwapo, matangkad, athlete pa.



Pero noon di pa siya ganto ka gwapo. Parang tama lang ganon. Ako nga lang yata nagkakagusto sa kanya noon eh. Hindi pa siya ganun ka sikat at di pa siya varsity player non. Almost buong school year nung grade 7 kami talagang iniistalk ko siya as in. Ewan ko ba.

Pero natigil yun nung nag ka girlfriend siya. Sabihin na nating mas maganda pa sakin. Okay maganda talaga, mala Campus Crush ganon. Ano ba naman ako? Nerd.

Sumali siya sa basketball team and consistent MVP siya. Lagi silang nananalo sa sportsfest at lumalaban din sa ibat ibang univeraities. Kasali din siya sa mga clubs, lalo na sa drama club which is kasali din ako dati pero nung sumali na rin yung gf niya, umalis ako. Idk. I just don't feel working with them.


Di rin naman sila nagtagal nung gf niya. Siguro mga 4 months lang? Natuwa ako nung nabalitaan ko yun kaso ilang linggo lang, narinig ko na may pinopormahan na siyang bago.


Nawalan na ko ng pake sa kanya non. Nagfocus ako sa pag aaral ko nung high school. Sinali ako ng pinsan ko sa volleyball na sobra kong nagustuhan. I became a varsity player doon and sinasali na din ako sa mga competitions sa ibang universities. I also excel in academics. And idk pero sabi ng pinsan ko nagiging kilala na ako.




A Love To RememberWhere stories live. Discover now