Chapter 2: AI Mic
Third Person's POV
Warning!
[Master is in danger!!!]
[Calculating possible solution for master]
[Calculating complete]
[Possible Transmigrating master's soul to her parallel body compatible]
Sa kalagitnaan ng gabi, sa isang malawak na silid, makikita ang isang dalagitang natutulog, para itong cocoon sa laki ng kama, sinamahan pa't nasa gitna siya nito at kung titingnan nang maigi, makikita itong hindi mapakali sa higaang naka kunot noo. Ang liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana ang tanging ilaw sa silid, na bahagyang nagbibigay liwanag dito.
Ilang segundo pa, gumalaw ang talukap ng mga mata nito at dahan dahang iminulat ang mga mata. Nagising itong nanginginig, pero walang bakas ng takot ang makikita sa kanyang mga mata, na nakapagbibigay ng kilabot sa sinumang makakakita. Bakas dito ang pagiging handa sa hindi pamilyar na bungad sa kanya.
Anong nangyari sa akin?
Bakit buhay pa rin ako?
[Ding! I had to integrate your soul, master, into another compatible body so that you would not perish.]
"Wow, Mic. Kaya mo 'to?" Si Mic ay isa sa mga imbensyon ko, marahil ang tanging hindi ko ibinigay sa mga tanga na 'yun. Alam kong espesyal si Mic mula sa umpisa dahil sa lahat ng imbensyon ko, siya lang ang may kakaibang talino na hindi ko alam kung saan nanggaling. Ilang beses ko ba namang kinalikot ang brain system nito pero wala namang kakaiba sinubukan ko ring ulitin gawin para sa pangalawang bersyon pero hindi ko na nagawa.
Noong unang makita ko ang kakayahan niya, hindi ako natakot. Sa halip, parang may koneksyon kami, pero hindi ko maipaliwanag kung paano. Kung tutuusin, hindi ito normal, pero ganoon ang naramdaman ko. Sa kabaliwan ko hindi ko na pinansin ang logic sa nangyayari basta makakabuti sakin yon ang tama na kadalasan nababali pag may pinapahalagahan ako.
Ang iba pang mga function ni Mic ay parang theme ng game. Ito ang una kong imbensyon na na-inspire sa mga virtual games na nababasa ko. Talagang hanga ako sa mga ito, lalo na dahil malaking pera ang kinikita noon sa mga laro, kaya't doble ang inspirasyon ko para likhain ang pinakamagandang imbensyon ko.
Ang larong tinatawag na virtual reality game o VROOM ay sikat na noon. Puwede kang maglaro gamit ang malaking makina kung afford mo, o gamit ang headgear para makatipid. Pero sa kabila ng mataas na presyo ng mga gamit at makina para sa laro, marami pa rin ang nahuhumaling dito. Bukod sa magagandang graphics at makatotohanang quests ng laro, puwede ka ring kumita ng pera kapag na-convert mo ang game currency sa totoong pera. Puwede mo ring gawing pera ang mga item. Naging tanyag ito dahil puwedeng maging source of income, pero nakadepende pa rin ang mga premyo sa gameplay mo.
Doon ko nakuha ang perang ginagamit ko sa pang-araw-araw na gastusin, at gaya ng alam n'yo, doon ko rin naiahon ang sarili ko sa kahirapan. Nagbibigay pa nga ako sa charity noong umangat na ang estado ko sa buhay na di ko kadalasan ginagawa kaya lang nasobrahan ako ng empathy isang dahilan din siguro makabawi sa pag alis ko. Naging interesado rin ako kung paano ito gumagana, at doon ko natuklasan ang talento ko sa pag-iimbento.
Nakalaro lang ako noon dahil may rental place malapit sa amin na pinag-ipunan ko pa ng ilang araw para lang makapaglaro.
Minsan, nagpapasalamat ako sa kung sino man ang gumawa ng teknolohiyang tulad ng virtual game dahil doon ko natagpuan ang halaga ko sa mundo. Habang nabubuhay pa ako, inisip ko na mananatili akong nasa kalye habang buhay, nakikipagbogbogan para lang may makain sa isang araw, pero hanggang sa matapos ang aking buhay, nanatiling misteryo kung sino ang gumawa nito.
Authors rants: not sure sa VROOM kailangan pa ng research haha😆
BINABASA MO ANG
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...