Chapter 1: Honor
Blea's POV
Bilang isang sundalo, isa sa mga karaniwang gawain ay ang pagsasakripisyo ng sariling buhay para sa mahal na bayan. Iba't ibang uri ng pagmamahal ang umiiral- may mga nagmamahal sa bansa dahil dito sila lumaki, habang ang iba naman ay may mga kaibigan, kamag-anak, o pamilya dito. Para sa akin naman, ginagawa ko ito dahil wala akong ibang libangan.
Wala akong pamilyang babalikan, walang maghahanap sa akin pag sakaling bigla akong nawala at mamatay. May mga kaibigan ako, pero may kanya-kanya silang buhay, hindi tulad ko na may bahay nga pero nakakabingi naman sa katahimikan at laki. Hindi ako nagrereklamo, pero minsan talaga nakakainggit, hinahangad ko na sana, sana may sasalubong saking pamilya pag uuwi pero palaging tahimik na pasilyo ang daratnan ko, kaya wala akong choice kundi mangulit sa mga kaibigan ko at magpasaway. Hindi ko naman sinasadya talaga yong iba pero kasi, makasalanan na ba ko kung sabihin kong masaya akong nag aaalala sila sakin, na halos mabingi na ko kung pinapagalitan nila. Wala eh ganito si Blea.
Talagang hindi kaaya aya ang ugali ko, pero sino ba ang may pake diba? Naging ugali ko na to, at malamang mapapatawad pa rin naman ako ng Diyos, di ba? Sa tagal ko dito sa mundo alam kong hindi ako mabubuhay mag-isa; masyadong nakakasakal. Simula nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa pagkawala ng mga magulang ko, nahihirapan na ako. Nahihirapan na kong sumunod sa mga utos na willing ko namang gawin noon pero para akong kinakatay pag ginagawa ko ngayon.
Ano ang magagawa ko? Mahina ako sa mga ganitong sitwasyon. Maghiganti? Haha, tapos ano? Mag iisa't iisa pa rin ako, at tulad ng dati, baka malugmok na naman ako. Kaya, ito ang naging desisyon ko- walang taong aapakan kundi ang mag alala sila ng kaunti. Okay lang kung hindi na nila ako maalala sa pag lipas ng panahon. Okay lang kung kalimutan nila ang isang Blea Anderson.
Sapat na saking pinahalagahan nila ang isang tulad ko.
Makasarili ako, alam ko, pero sana maging masaya sila pagkatapos nilang umiyak dahil sa akin. Okay lang kung hindi na nila ako maalala sa bandang huli. Pagkatapos ng lahat, wala na ako rito kaya hindi na mahalaga, wala na akong pakialam.Nakakagulat, sa kabila ng lahat, nananatili akong positibo at parang bata mag isip. Kahit na may mga traumatic na pangyayari sa buhay ko, hindi nagbabago ang mentalidad ko. Minsan, pakiramdam ko mababaliw na ako sa kalungkutan, pero tinitiis ko, kahit ngayon.
May mga araw na gusto ko lang magkulong sa dilim, may mga araw na hindi ko gustong makita. Gustong magpalamon sa dilim at kalimutan ang lahat. Gusto kong magpahinga kahit sandali. Pero alam kong pilya ako minsan kasi may mga araw na tamad lang ako, kaya ang dahilan ko ay ang pagiging may sakit kahit na maayos naman ako makatakas lang minsan sa responsibilidad bilang ako.
Oo, iresponsible ako, pero krimen ba ang mapagod? Aba, ang training ng walang tigil araw-araw ay nakakaumay rin ano. Kahit na nag eexcel ako, nakakaubos pa rin ito ng pasensya at energy ko. Nasisiyahan rin naman talaga ako sa pagtatago one of the reasons; hehe, sino ba ang magiging mature palagi nakaka drain iyon, porket sundalo ka kailangan mo ng maging seryoso sa lahat ng bagay? Noo way.
Aba, kung ganoon ka, mas mabilis kang tatanda. Walang masama sa pag-iisip na parang bata minsan, pero siyempre, huwag mo itong ipakita sa iba kung ayaw mong pagtawanan. Pagkatapos ng lahat, dapat kang maging huwaran sundalo ka eh, at nakakahiya ito sa mga inaasahan nila, di ba? Kahit na wala ka talagang pakialam sa iniisip nila.
"Co-commander, sigurado ka ba sa gagawin mo? Pwede mo bang pag isipin muna?" Isa sa mga kasamahan ko, kita ko ang pag aalala nito sa kagagahang gagawin ko. Sino ba ang nasa tamang pag-iisip ang magsasakripisyo ng buhay para sa isang bansang naging malupit sa kanila? Wala di ba? Hindi bali nalang kung baliw ka talaga at ako na iyon. Alam kong walang emosyon ang mukha ko ngayon kahit na ganon ang itinuran niya, pero itinuturing ko silang mga kaibigan at pamilya.
"Hmm." Maikling sagot ko dahil hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na iiwan ko na agad sila, na wala ng matitira pa kahit na buto ko pagkatapos nito. Hindi ko masabing magiging okay ang lahat, na ako mismo sa sitwasyong ito ay nanginginig at kinakabahan.
Mukha na silang maiiyak dahil sa katigasan ng ulo ko, kaya't hindi na ako nagsalita, tinalikuran ko sila at naghanda para sa gagawin. Alam kong nagdadahilan lang ako, pero ayaw kong makita silang miserable. Pero ginagawa ko pa rin ito, sobrang makasarili ako. Alam kong mamamatay ako sa gagawin ko, pero pakiramdam ko parang nagbabakasyon lang ako. Siguro kaya hindi ko iniisip na tumakas at iwanan ang lahat ngayon dahil wala na kong maramdaman.
Alam kong mukhang tanga ako ngayon, tanga naman talaga pero ito ang pagkatao kong nagpapalakas sa akin at ang dahilan kung bakit ako nabubuhay pa rin hanggang ngayon sa bansang ito na pinaglingkuran ko, pero kalaunan ay nalaman kong nabubulok na pala. Akala ko ang pagiging sundalo ay magpapababa ng karahasan, pero siguro masyado pa talaga akong bata para isipin iyon at maunawaan ang mundo dahil kahit anong gawin ko, wala iyong magiging epekto. Kahit tulungan ko sila, sa huli, tatraydorin pa rin nila ako, kaya't nangako ako sa sarili ko na ito na ang huling pagkakataon na tutulong ako nang walang inaasahang kapalit, kung mabuhay pa ako, kung totoong may iba pang mundo sana pagbigyan ako.
Inilagay ko ang sarili ko sa isang bagong teknolohiya na ginawa ko mismo, ngayon ko lang mismo naisip, sobrang tanga ko dahil hindi ko man lang natanggap ang rekognasyon nila sa ginawa ko, sa likha ko. Sigurado akong wala nang matitira sa akin kung papasok ako sa impyernong nilikha ko, pero kung iisipin, hindi naman masama mamatay para sa sangkatauhan, di ba? Hahaha, sino ba ang niloloko ko? Sinisakripisyo nila ako, gusto kong umiyak, pero nananatiling walang ekspresyon ang mukha ko para itago ang nanginginig kong kaluluwa. Tumingin ako pabalik para makita ang mga kaibigan ko na walang ekspresyon, pero nakikita ko sa mga mata nila na unti-unti silang bumabagsak sa kawalan.
Inangat ko ang sulok ng labi ko at tumango sa kanila para tiyakin sa kanila na magiging okay ang lahat. Humarap ako sa unahan at ipinasok ang sarili sa A3V code 34*****60 para i-activate ang teknolohiya na ito. Pinindot ko ang pulang button doon dahil tiyak na iyon ang dapat kong gawin. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, iniisip ko na lang kung kailan matatapos ito.
3... 2... 1...
Naramdaman ko na lang na naghiwa-hiwalay na ang katawan ko, pero sandali lang iyon. Wala akong maramdamang sakit dahil hindi ko namalayan na wala na pala ako.
Namatay si Blea Anderson sa kanyang lihim na misyon, 28 taong gulang nang hindi nakilala ang kanyang pamilya. Namatay siya nang may karangalan para sa kanyang bansa.
Authors rants: Oh my, oh my, finally natapos din ang Chapter 1. I'm excited, hehe. Don't forget to vote and recommend it to your friends. Ja ne~.
YOU ARE READING
Reincarnation Series: Mafia Daughter
FantasySynopsis Blea Anderson, a distinguished general, achieves success and maintains an untarnished reputation. Yet, a lingering emptiness haunts her, an elusive void she can't identify. Despite numerous attempts to pinpoint it, she remains in the dark. ...