PROLOGUE

52 3 0
                                    

Nasa classroom ako ngayon. Wala kaming ginagawa kasi may program ang school namin. Kaya marami sa amin ang magulo. Sigawan dito, sigawan doon. Laro dito, laro doon.

Tinatanong nyo ba kung anong ginagawa ko?

Isa lang naman. Pina-pakiramdaman ang babaeng minamahal ko ng sobra. Nandito lang ako sa tabi-tabi habang pinagmamasdan ang mga ngiti nyang walang kumpas.

Di ko maiwasang mapangiti na lang din dahil sa nakakahawa nyang ngiti. Pero sa isang iglap nawala agad ang mga ngiti sa aking labi.

Naalala ko nga pala, bumitaw ako sakanya.

Bakit? Hindi ko na kinaya, pinakawalan ko na lang sya.

Pinakawalan ko ang babaeng pinakamamahal ko.

Bakit? Para din sa ikakabuti naming dalawa.

Masakit man, pero kailangan kong tanggapin. Kailangan kong tanggapin na, wala na talaga sya. Kahit anong gawin ko, hindi ko na mapapawi ang iniwan kong sugat sa pagmamahalan naming dalawa.

"Pre, laro tayo!" pagyaya sa akin ng kaibigan ko

"Sige pre, sunod ako" nasagot ko na lang

Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko at astang tatayo na, nang nahuli ko syang nakatingin sa akin.

Nagtagpo ang aming mga mata. Kitang kita ko ang mga lungkot sa mata nya.

'Bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko?' natanong ko na lang sa sarili ko. Ganito ko na ba sya talaga ka-miss?

Tinapunan ko na lang din sya ng tingin na parang, walang nangyari. Iniwan ko lang syang nakatulala.

Merong parte sa akin na nakokonsensya dahil sa hindi ko man lang sya kinausap ng saglit. What if may gusto syang sabihin diba?

Hyss, nag ooverthink na naman ako. Di na naman ako makakatulog neto mamayang gabi ano ba yan.

Habang papalapit na ako kanila Earl, narinig kong may tumatawag sa akin. Napatigil ako at tumingin sa direksyong iyon, doon nakita ko ang babaeng tinutukoy ko kanina. Ang babaeng mahal ko....

"Raphael.." nandito sya sa harap ko ngayon at halatang pagod sya dahil tumakbo sya papalapit sa akin.

"Kielle.." pangalan lamang nya ang nasabi ko mula sa aking labi

Nakatingin lamang kami sa isa't isa na parang nag-aantay lang kung sino ang unang magsasalita sa amin. Kung tutuusin para kaming tanga sa gitna. Buti na lang walang tao.

'Napakaganda mo talaga mahal ko, lalo na sa malapitan' sambit ng aking isip at puso

"Kielle, bakit ka napunta dito? May kailangan ka ba? ako na lang ang unang nagsalita dahil para di naman kami awkward sa isa't isa.

"Ba't andaya mo Raphael?" yun lang ang nasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin Kielle? Di kita maintindihan" utal kong sabi

"Ba't napakadaya mo Raphael? Bakit ikaw ang naunang bumitaw sa atin? Bakit ikaw pa? Pwede namang ako ah?"

Di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga sinasabi nya. Parang nadudurog yung puso ko shet. Ansakit mo magsalita mahal.

"Kielle..." aktang hahawakan ko sana sya sa kamay pero bumitaw agad sya

"Di mo ba alam kung gaano kahirap ang pinag-dadaanan ko simula nung iwan mo ako?"

"Kielle, let me explain..please" mangiyak iyak kong sambit

"Kailangan mo pa bang magpaliwanag? Hindi ba obvious na iniiwasan mo ako? Hindi pa ba obvious na iiwanan mo na ako?!"

Napayuko na lamang ako dahil ayokong nakikitang ganito ang mahal ko...

"Akala ko ba walang iwanan? Nangako ka diba, nangako ka na hindi natin iiwan ang isa't isa. Pero bakit ganon, nauna ka pa.." umiiyak nyang sambit

"Kielle, wag kang umiyak. Ayokong nakikita kang umiiyak..."

"Ayaw mong makita akong umiyak?" nakangisi nyang sabi habang naiiyak parin "Ikaw din naman ang dahilan ng iyak na 'to ah?"

"Hindi pa ako handang umamin sa'yo Kielle, sorry."

"May iba na ba?" tinitigan nya ako. Ansakit na makita ko syang umiiyak dahil sa akin.

----

Nxt month na ulit mi joke HAHAHAHAHAHAHAHA

Two Worlds Apart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon