Hyss, andami ng lumipas na panahon pero ganon parin ang cycle ng klase namin. 2 subjects, recess, 3 subjects, lunch, 4 subjects, uwian na.
Buwan na rin ang lumipas, andami ko na ring naging kaibigan dito sa school. Masasaya naman silang kasama. Lagi kaming gumagala, kumakain sa labas, nag-aarcade at marami pang iba.
I'm so glad na nakilala ko sila. Kasi kung hindi, introvert parin sana ako hanggang ngayon.
January na ngayon. Kakatapos lang ng new year andami nang nangyari sa loob ng buwan na ito. Nag simula na ang mga projects namin, reporting, etc.
"Today, magkakaroon kayo ng project sa akin. Gagawa kayo ng essay at ipiprint nyo ito." ani ni sir Hector
AP class namin ngayon, and eto na nga nag-aasign na si sir ng project namin. Malapit na rin kasi matapos ang 2nd grading, so andami na talagang stress na nagaganap.
"Bibigyan ko kayo ng dalawang linggo para matapos ito. Ganito ang gagawin nyo, bibigyan ko kayo ng mga tao at gagawa kayo ng research tungkol sakanila. Kung ano ang mga inimbento nila nung mga kapanahunan."
Hmm, medyo madali naman na sguro to right?
"Pagnatapos na kayo pwede nyo na itong ipasa sa akin para ma-gradan ko. 50/50 ito, sa essay nyo at sa reporting nyo."
"Magrereport pa sir?!?" sigaw ni Izzy
Hyss, eto talaga. Porket crush nya si sir gaganyan na.
Isa rin si Izzy sa mga kaibigan ko. Maganda sya oo, kaso sabi nya sawi sya sa pag-ibig nya. Pero okay lang daw, atleast maganda sya.
"Ano, magrereport ka o ibabagsak kita?" pang asar ni sir Hector kay Izzy
"Sabi ko nga, titigil na ako HAHAHAHA" ani ni Izzy
Nakalimutan ko sabihin, isa syang energetic na kaibigan. Tawa dito, Tawa doon. Kabaliwan dito, Kabaliwan doon. Pero sa kabila ng ganong pag-uugali nya may tinatago din syang lungkot. Ni minsan na rin namin syang nakitang umiiyak sa cr, o dkaya sa cafeteria ng sya lang mag-isa. Nagkulong pa nga sya sa cr one time eh. Sana maayos na sya ngayon.
"Wala na tayong oras Hahaha, goodbye class!" ani ni sir Hector
"Goodbye sir Hector!!" sigaw ng lahat
Pagkatapos lumabas ni Sir Hector sa classroom, eto hiyawan na naman sila.
"ANO NA GUYS? ANO NG BALAK NATIN SA ASSIGNMENT SA ENGLISH!?!" sigaw nila
"Ano pa?? Edi ipasa nyo na notebook ni Raphael!!" sigaw ni Izzy
"Hoyy! Notebook ko na naman!" sabi naman ni Raphael
"Kasalanan ba namin na Top 1 ka ha?" sigaw na naman nila
"Baka mahalata ni sir na nangopya kayo" angal ni Raphael
"Edi maliin namin iba, so easy" irap ni Izzy
Grabe na talaga tong si Izzy kahit sino aasarin.
"Sige na nga, pagbigyan ko na ulit kayo" si Raphael
"AYONNNN!" hiyawan ng lahat
Hyss, kung di lang talaga ako kj matagal ko ng nireport yung iba sa amin. Lagi na lang umaasa kay Raphael.
Pero sa totoo lang, humahanga din ako sa katalinuan ni Raphael. Sa sobrang galing nya sa academics wala ng choice ang klase namin para sya ang laging ipambato sa mga contest. Kagaya ng quiz bee, spelling bee, guess the word at madami pa.
Sobrang talino nyaaa~
Hyss, di ko mapigilang tumingin at humanga sakanya. Wait, sinabi ko bang tumitingin ako sakanya? AaAAaa nakatingin na din sya sa akin!!
Lord, iba na 'tooo!
BINABASA MO ANG
Two Worlds Apart (Book 1)
RomanceYou once wanted something you dreamt of. Got close to it and realized it wasn't for you, and came down broken at the bottom with nothing but yourself. ---- ©All Rights Reserved