Chapter 1

35 0 0
                                    

First day of school namin ngayon and excited ako na may halong kaba. First day of face to face class ulit namin after 3 years of Pandemic. Hysss, feel ko introvert na ako charot. Pero sige ilalaban ko 'to.

Nag-ready na ako dahil ihahatid na ako ni daddy sa school. After kong mag-ayos hinatid na ako ni daddy sa school.

"Goodluck on your first day nak" bati sa akin ni daddy pagkababa ko ng sasakyan

"Thankyou dad" kiniss ko sa cheeks si daddy at nagdire-diretso na ako sa gate.

'Shocks, nakakahiya namang maglakad mag-isa. First day ko 'to and wala pa akong masyadong close dito'

Nagkalat ang mga students sa campus na parang langgam lang. Syempre as first day of school kailangan muna naming mag hugas ng kamay ang mag sanitize ng kamay. Syempre in our own good na rin namin 'yon.

Nakapila pa lahat ng students para ready na pumunta ng kanya kanyang room. Nakita ko na ang section ko hawak na ng teacher so nakipila na lang din ako sakanila.

"Hala shooks, first day of school na naman nakakakabaaaa!!" sabi ng isang girl sa harapan ko. Mag bestfriend na ata tong mga 'to eh.

"Oo nga eh. Malamang sa malamang may introduce yourself yan HAHAHAHAHA" sabi naman ng isa

"Malamang, first day eh gaga"

"Baliw HAHAHAHAHA"

Tawa nilang pareho. Buti pa sila may kakilala na, ako kasi tahimik lang sa tabi tabi NYAHAHAHA

"Okay class, Pupunta na ta'yo sa naka-assign na classroom sa atin." ani ng adviser namin.

Habang naglalakad kami, naghihiyawan na ang mga kaklase ko. Excited na talaga ata sila shet.

"Sige na, umupo na muna kayo sa gusto nyong upuan."

Nagsiupuan na nga ang mga kaklase ko. Yung iba marami ng kilala kaya magkakatabi sila. 8:00 ang start ng klase namin and marami pang dumarating.

"OMG, kinakabahan ako sa introduce yourself"

"Same, like feel ko andaming judgemental"

'Totoo naman kasing nakakakaba, like parang pag nagsalita ka ijujudge ka kaagad ng lahat? like nooo, introvert ako wag ako.'

"So Good morning class" bati sa amin ng adviser namin

"Good Morning Sir!!" bati naming lahat. Kala mo talaga nakisabay e noh? char.

"So ako nga pala ang magiging adviser nyo this school year. And syempre dahil first time nyong makakita ng gwapo na tracher ipapakilala ko muna ang sarili ko sa inyong lahat"

"Yun sana, gwapo mo sir!" sigaw ng isa sa amin

"Ako nga pala si Sir Hector Domingo ang inyong one and only adviser."

Naghiyawan na naman ang buong klase.
Ganito na ba talaga sila? Magkakasundo na? Paano naman akoo. Naiingit akoo.

"And syempre, bago mag start ang lahat gusto ko munang malaman kung sino kayo. Gusto ko kayong makilala ng maigi. So Introduce yourselves" Haluhh, eto na nga ba talaga sinasabi ko eh, kabado bente na talaga. "Syempre lagi tayong mag-uumpisa sa first" nagtawanan naman ang buong klase. "Hello guys! I am Isabel Diaz you can call me 'Izzy' for short. My hobbies are singing, dancing, cooking, reading, and mahalin ang taong di ako mahal." naghiyawan ang klase namin dahil sa biro nya. Pero napahanga nya ako ang taas ng confident nyaa! "And my memorable experience in my life is ang yun nga magmahal ng tao na di ka rin mahal at iiwan ka rin sa huli. Thankyou!" grabe ang galing nya talaga, idol.ko na 'to.

"Grabe naman ang hugot mo ah? Halatang di ka lagi minamahal" biro ni sir kay Izzy daw

"Sige, ganyanan naman palagi eh" pagtatampo naman nya. HAHAHAHAHAHA ang cute

"HAHAHAHAHA. Sige okay na yon, thank you sa pag introduce mo. Okay next, etong tahimik lang sa tabi" shesh, tumaas agad balahibo ko kac alam kong sakin na sila nakatingin. OMG ano ng gagawin ko tatayo ba ako. Ewan ko ba shuta si batman na bahala.

"Tayo ka na, Introduce yourself to everyone."

"Uhmm...Hi everyone.. M-my name is Kielle Shin Anson, 13 years o-old. My hobbies are r-reading, sleeping. My memorable experience is trip with my family." after non umupo na agad ako sa kahihiyan OMGG

"So ang memorable experience daw nya is ang makasama ang pamilya nya sa mga trip"  yes sir di ka nagkakamali ng rinig. "So thank you Kielle" Whooo, tapos na rin ako.

"So ang next natin is eto, magaling 'to. Magaling to mantrip, itsura pa lang joke" pang-aasar na naman ni sir "Grabe ka na sir" sagot ng lalaking nakatayo na mula sa kanyang kinauupuan. "Sige na, introduce mo na sarili mo" "Hello guys. Ako nga pala si Raphael Eys at meron akong kasabihan na kung nasa right ka, mag left ka." nagtawanan na naman ang buong klase sa trip nya. Ano namang trip ng lalaking 'to? Kaya pa ba today? HAHAHAHAHAHA "Ang mga hobbies ko ay magbasa, mag cellphone, matulog, matulala." "Ang memorable experience ko naman ay ang mahulog sa kanal. Yun lang thank you" sa pag upo nya kita ko kung gaano din sya ka confident sa sarili nya. Grabe naman tong lalaking to parang baliw lang din ang peg.

After non, sunod-sunod na nga sila nag introduce ng mga sarili nila. Grabe kada introduce hiyawan din lahat eh. Ano na nangyari sakin? Introvert na ako neto? Sus, kabado lang talaga ako HAHAHAHAHA

"Ano? Kilala nyo na ba mga classmate nyo? Wag kayong mag-alala, habang nagtatagal magiging magkakaibigan lang din kayo" sabi ni sir

"Pano yan sir, andami na namin dito" sagot ng isa

"Edi damihan nyo pa lalo"

"Noted sir"

Parang magkakasundo lang talaga silang lahat, ako nag mumuni lang ng classroom.

Hindi pa naman kami nag sstart ng klase, dahil next week pa daw ang pinaka classes namin. Marami lang kaming activity na gagawin ngayong week na 'to. Magsisimba daw kami for this week. Habang tumatakbo ang oras mabilis lang din ang tapos ng klase namin. Wala kaming masyadong ginawa. And update wala pa rin akong friend HAHAHAHAHAHA Di ako nakikisali sakanila shuta

Ng uwian na namin, sinundo na ako ni daddy.

"How's your first day anak?" daddy asked

"Okay naman dad, masaya naman"

"Do you have new friends na ba?" he asked me. Ano sasagutin ko? Introvert pa naman ako kanina tapos ang ingay ko dito sa bahay. charot

"Not yet dad. You know me naman, di ako masyadong madaldal" biro ko

"Ikaw? Hindi madaldal? Halos magising na mga natutulog nating kapitbahay kapag nagsalita ka"

"Are you teasing me dad?" pagtaas kilay kong sagot. Pinagtitripan ata ako ah.

"I'm just telling the truth"

"Then truth hurts" pang-asar ko kay dad

Pag-uwi namin dumiretso agad ako sa kwarto para humiga agad. Ano 'to? wala ng bihis bihis? Joke. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag scroll lang saglit sa fb, saglit? pero halos na share ko na lahat ng dadaan sa nf ko

After non, tumayo na ako at nag shower saglit at nagbihis. Humiga din ulit ako sa kama para matulog. Medyo nakakapagod ah? Shuta bahala na

Two Worlds Apart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon