Chapter 2

15 0 0
                                    

"Ako nga pala si Raphael Seven Rassendyll. Pwede nyo rin akong tawaging Eys, the undisputed number one sa klase. Di ako makapaniwala na nakatawid ako ng nasa tuktok sa loob ng 7 taon. Ngayong nasa Ikawalong baitang na ako ngayon, siguradong mas mahirap nanaman ang mga gagawin namin ngayon."

Fast forward pagkatapos kong maghanda sa pagpasok, nandito na ako ngayon sa eskuwelahan. Masyado ba ako pormal magkwento? O di naman kaya...

"Long time no see Eys! HAHAHAHAHA!"  tawag ng isa kong kaibigan.

Andito silang lahat!

"Eto uli ang pagkakataon na nakita ko sila pagkatapos ng dalawang taong lockdown", bulong ko sa sarili ko.

Pormal man ako magkwento sa inyo pero sa totoo lang, pilyo rin ako. Alam nyo bang minsan na rin ako nakasira ng gamit sa school? Oo, nakasira ako ng gamit. Palatawa at palabiro ako, pero sa mga oras na hindi ito kailangan, seryoso ako. Tulad ngayon, kita naman eh.

Sabik na kong makita yung bago naming guro, sino kaya yun?

"Ako nga pala si Sir Hector Domingo, ang inyong one and only adviser."

"Kakaiba ang pangalang yun ah", bulong ko sa akin.

Dahil nanibago ako sa mga gawain nung pandemya, nanibago rin ako sa kung paano makisama sa mga naging kaklase ko na dati. Hindi katulad noon, nung mistulang parang magkapatid na yung tingin namin sa isa't isa.

Sa unang araw medyo mapag-isa ako, at...parang may kakaiba akong nararamdaman? Hindi ko yun alam, at wala akong pakialam kung ano man iyon. Basta ang alam ko lang, kailangan ko mag aral para maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Pursigido to!

Kanina, bago ako pumasok...

"Eys, kaya mo pa ba manguna?" sabi ni inay.

"Syempre po!"

Nagdaan ang mga araw at buwan, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre....at Disyembre.

Dito mag sisimula sa eskuwelahan ang kwento ko. Ordinaryong estudyante na may mataas na pangarap sa buhay.

Pag uwi ko ng bahay, aasahan ko nanaman na wala nang magbabago sa ginagawa namin araw araw, gawaing bahay dito, takdang aralin doon. Hanggang sa....

"Nanalo tayo!!! Nanalo tayo!"

Nanalo pala sila ng milyon-milyong piso dahil sa taya nila sa lotto! Gaganda na rin ang buhay namin!

"Eys, nakita mo? Ganyan pag nag pupursige sa pag aaral"

"Maganda ang magiging tulog ko sa ngayon. Ahahahahahaha!"

At sa maikling mga sinabi ko, Enero 5 na bigla ngayon...

Ang bilis ng panahon. Saglit na lang magtatapos na kami sa ika-8 baitang. Di ako makapaniwala! Maganda na ang pakikisama ko sa mga kaibigan ko, nanalo kami ng ilang milyong piso, at ako pa rin naman ang nangunguna ngayon. Talagang maganda ang mga nangyauari sa amin ngayon, pakiramdam ko, ang swerte swerte namin!

Pero sa lahat ng mga swerte sa buhay namin ngayon, may kakaiba akong nararamdaman na di ko maintindihan kung ano. Basta ang alam ko....

Nakikipag usap lang ako kila Christian, Nicolas, Michikatsu at si Izzy.

"Aba, sino yang tinitingnan mo ha, Eys?" pabirong asar ni Izzy sa'kin.

Napansin nya pala. Pero hindi ko pwedeng sabihing nakatingin ako sa isang....babaeng...nagugustuham ko?

Naalala ko pa noong unang araw, ang sabi nya...

"My name is Kielle Shin Anson, i'm 13 years old..."

Nakaka hiyang aminin pero nakuha nyo ako, sya nga yung hinahangaan ko.

"Pasensya na, ordinaryong tao lang, nagkakagusto" pabirong sabi ko. Sabagay, hindi naman nila alam kung kanino ako nakatingin.

Hindi ko maintindihan, sa mga kaedad ko ngayon, bakit kami nagkaka gusto at humahanga sa mga taong hindi naman talaga dapat magustuhan? Ibig kong sabihin, hindi naman yung hindi karapat-dapat magustuhan, kasi sa totoo lang, maganda sya. Oo, pwede ang humanga, pero ang magkagusto? Mag hinay hinay muna dahil hindi pa tama ang edad namin. Alam nyo ang ibig kong sabihin, Mutual Relationship. Bawal yun, ang alam ko, dahil ikawalong baitang pa lang kami. Pero siguro sa panahon ngayon, normal na lang yung nangyayari.

Napangiti na lang ako. Alam ko namang wala sa panahon kong humanga sa iba, ang alam ko lang, dapat ay nag aaral ako.

Sa kwarto kong malaki, napadabog ako sa dingding. Baka makasakit ako ng damdamin? O di naman kaya....kung ano pang masama ang masabi at magawa ko! Hindi ko na alam!

Dahil ba, wala naman talaga akong ka-alam alam sa mga gawaing katulad ng ganyan? Hindi ko alam kung paano ang paghanga at pagtingin lang kaysa sa magustuhan ang isang tao?

Matalino, madiskarte, pero olats sa pag-ibig. Sabi nila sa akin. Pero ibig kong sabihin, paghanga lang naman, pag-ha-nga! Walang masamang i-admire mo yung mga achievements nya, ang masama, yung magkagusto. Nakatatak na sa isipan ko yun. Hindi naman ako mambabasa ng isip, at hindi ko naman alam kung ano ang tingin ni Kielle sa akin. Ni isang pag-uusap...hindi naman kami nag uusap! Parang wala lang sa amin, ang alam ko, kaklase ko sya at kaklase nya rin ako!

Naninibago pa rin pala ako sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Hindi talaga ako pwedeng magkagusto sa babaeng NGAYON ko lang nakilala.

Masasabi ko lang, na "Two Worlds Apart" kami.

Hanggang sa may nangyari noong February 3...

Author: Hi guys! Sorry for the long wait HAHAHAHA Inaasikaso ko pa kac yung ibang stories na ipupublish ko rin here in Wattpad. Simula ngayon magiging active na tin ako! Thankyouu.

Two Worlds Apart (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon