----
Nakalapag na ang eroplano namin sa paliparan ng Puerto Prinsesa,at dahil dalawang maleta lang naman ang dala namin ni Mama ay nakalabas din kami agad kung saan nakita namin si Lolang naghihintay na sa amin,nakaupo siya sa wheelchair at nasa likod niya ang maputing dalagita.
"Oh ayan na pala sina Mama."Ani Mama ng makita sina Lola.
Dere-derecho kaming lumapit kay Lola,yumakap si Mama dito,nagmano naman ako.
"Eto na ba si Krystal?"ani Mama na nakatingin na sa dalagitang kaidad ko lamang.
"Oo,dalaga na itong anak ng kapatid mong si Art.Krystal,magmano ka sa Tita mo."
Nagmano naman ito kay Mama.
"Pinsan mo Krystal si Jana."
Tinanguan lang niya ako,pareho kaming naiilang sa isat-isa.
"O siya tara na,at ng makapagpahinga na kayo sa bahay."Ani Lola.
Nagpresenta si Mamang siya ang magtutulak sa wheelchair ni Lola kaya si Krystal na ang nagdala ng maleta ni Mama.
Kahit sa loob ng taxi ay hindi kami nagpapansinan ni Krystal,medyo ilang din ako sa kanya dahil hinead to foot niya ako kanina.
Mga kalahating oras din bago kami nakarating sa bahay ni Lola.Gawa sa concrete ang bahay,may kalakihan at maaliwalas sa mata ang puting pintura,may gate din na naka black paint.
Maraming halaman si Lola sa bakuran niya,kaya sigurado akong malamok dito.
Pumasok kami sa bahay,maganda ang loob,malinis,makintab ang sahig,komportable ang sofa na gawa sa matibay na kahoy na pinatungan ng malambot na kuchon.
Iniwan ni Krystal ang maleta ni Mama sa sala at umakyat na ito sa kanyang silid.
Nakalabi akong sinundan siya ng tingin.
Problema nun?
Umupo ako sa sofa habang nag-uusap sa kusina si Mama at Lola,ng biglang nagtatakbo pababa ng hagdan si Krystal,hindi ito tuluyang lumabas at huminto lang sa bungad ng pinto, puwesto sa gilid na para bang may patagong may tinitingnan sa may gate.
Nakamasid lang ako sa kanya,ng may mapansin akong humintong sasakyan sa tapat ng gate.Nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na may malaking bahay pala sa tapat ng bahay ni Lola at malamang ang may ari nun ay siya ding may-ari ng sasakyan ngayon sa labas ng gate.
Humaba na rin ang leeg ko ng makarinig ng ingay mula sa labas.
"Jeo!ibaba mo yung bisikleta."
"Jeo,bilis na!"
"Meng, tulungan mo si Jeo!"
"Sico naman e!pahinga muna tayo!maya na ang bisikleta!"
"Oi hindi!hindi!kuya Geo!ayaw nina--"
"Oo na!"
"Ay nga pala,bigay mo muna yung pagkain para kay Lola Alice."Pagkasabi nun ay bigla nalang nagtatakbo paakyat ng hagdan si Krystal at pumasok sa silid nito.
Napapailing nalang ako.Naguguluhan ako sa pinsan ko.
"Tao po!"
Tawag mula sa labas.
"Tao po!"
Hinintay kong bumaba si Krystal,pero mukha atang walang balak.
Ako na ang tumayo at lumabas ng bahay para pagbuksan kong sino man yung nasa gate.
Tsinelas niya lang na mamahalin ang nakikita ko sa baba ng gate.Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang binatilyong mahaba ang nakataling buhok,moreno,medyo singkit,matangos ang ilong,saktong kapal ng labi at perpektong jawline.
Nabura ang ngiti sa kanyang labi ng magtama ang mga mata namin.
"Si-si Lola Alice?"tanong niya.
"Nasa loob,bakit?"maangas kong sagot.
"Sino ka?"
Nagsalubong ang kilay ko."Sino ka rin?"
"Wooww ..."kantyaw ng dalawang kasama nitong isang matangkad at isang maliit.
"Jeo."Aniya sabay abot sa akin ng dala nitong pancit sa bilao.
Tinanggap ko iyon.
Papasok na sana ako ng...
"Anong pangalan mo?"
"Si Lola ang kailangan mo di ba?bakit pati pangalan ko hinihingi mo?"
"Nako po!wala ka J!"kantyaw na naman ng matangkad niyang kasama.
Umangat ang sulok ng labi niya."Sige,next time nalang."Aniya sabay atras at balik sa kanyang mga kasama.
Tinulak-tulak siya ng mga ito ako naman itong tuluyan ng pumasok sa loob at isinaradu ang gate.
Trip nun?!tch!
BINABASA MO ANG
Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)
Teen FictionFrom Manila to Palawan. From single to complicated? Ang bilis nakalipat ng pamilya ni Jana sa Palawan,at ang bilis din nagbago ng mundo niya simula ng makita at makilala niya ang simple pero ang lakas ng dating na si Jeo.