19#Crush

89 7 2
                                    


Inaasahan ko na ang pag uwi ni Kuya matapos malaman ang nangyari kina Mama at Lola.

Ang masakit ay wala kaming katawang pinaglalamayan dahil hindi na nakita ng mga rescuers ang karamihan sa mga katawan ng bangkay at kasali na dun ang katawan ni Mama at Lola.

Sa katunayan heto kami ngayon, kasama ang mga namatayan. Nakasakay kami sa isang may di kalakihang barko habang umiiyak at naglalaglag ng mga puting bulaklak sa laut.

Napapagitnaan namin ni K si Kuya na nakaakbay naman sa akin.

Iyak ako ng iyak,ganun din si K.Kahit pala hindi niya inaalagaan si Lola ay mahal niya pa rin pala ito.

Nakabalik kami sa Puerto Prinsesa na mabigat ang dibdib at namumugto ang mga mata.

Sumakay kami ng jyip at tricycle bago kami nakarating sa bahay. Pansin naming nakabukas na ang gate at medyo maingay na ang loob ng bahay.

"Mommy?!Mommy!"Saad ni K,na tinabig pa ako para maunang makapasok sa gate.

Yakap niya si Tita Agnes,asawa siya ni Tito Art na siyang kapatid ni Mama.Wala na rin si Tito Art dahil nagkasakit ito sumakabilang buhay na.

Maganda si Tita Agnes,may pagka mestisa na katulad ni K. Actually magkamukha nga silang dalawa at mukhang parehong......

"Kice?ikaw ba yan?abay ang tangkad mo na ah!sundalo ka na ba talaga ngayon?wow naman,pautang naman jan pamangkin!"Pabirong saad ni Tita.

Nagmano si Kuya sa kanya,ganun na rin ako.

"Eto na ba si Jana?"tanong niya na sinipat pa ako mula ulo hanggang paa.
"Okay naman,pero mas maganda pa rin itong K ko."Aniya sabay yakap kay K.

Okay ah!pasimpleng lait lang.

"Oh pasok kayo dito mga kapitbahay,ang dami kong dalang pampaganda diyan,pero bayaran niyo yan ah!halika anak may ibibigay ako sayong alahas!"saad ni Tita.

Sumunod sa kanya sa loob ang mga marites na kapitbahay namin,at si K na inirapan pa ako.

Talaga lang ah?namatayan na kami may gana pa siyang gawing tiyangge itong bahay ni Lola!kainis!

"Oh bakit lukot yang mukha mo?"tanong ni Kuya.

"Kakainis kasi Kuya, parang wala lang sa kanya na nawala si Mama at Lola."

"Hayaan mo na,bunso.Halika na sa loob para makapagpahinga na tayo."

Inakbayan ako ni Kuya.

Panay pa ang excuse namin dahil nagkakagulo na sa sala.Nagkakagulo sa mga make up,damit,sapatos at sa kung ano-ano pang dala ni Tita.

Nang sa wakas ay makapasok ako sa silid at makahiga sa kama ay naisip ko si Marco.Pinuntahan niya ako at dinamayan yun nga lang pinauwi din agad kahapon dahil dumating ang lolo niya na galing States,buti na nga lang at dumating si Kuya at dito ko na naibuhos lahat ng mga luha ko dahil sa pagkawala ni Mama at Lola.

Naisip ko kung paano na kami ngayon,paano ako?si K?malamang dadalhin siya ni Tita sa Japan,si Kuya babalik ng Mindanao,e ako?saan ako pupulutin?

Sumakit ang ulo ko sa isiping iyon.

Tuluyan akong nakaidlip hanggang sa magising na rin dahil sa magkasunod na katok sa pinto.

Tumayo ako at binuksan iyon.

"Bakit Kuya?"

"Sumunod ka sa akin sa baba,kakausapin daw tayo ni Tita."

Tumango ako at nagtali muna saglit ng buhok bago bumaba.

Nasa sala si Tita,katabi niya si K.

Buti naman at nagsialisan na ang mga chismosa.

"Maupo ka Jana."Seryosong saad ni Tita.

Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon