23#Iwas

88 8 1
                                    

-Jana-

Maaga akong nagising para maghanda papuntang school. Junior high na ako at papasok ako sa isang pampublikong highschool dito sa Puerto Prinsesa.

Wala pa akong uniform,kaya nagsuot nalang ako ng pantalon at puting shirt na may design na thumbs up sa gitna.

Transferee,yun ang magiging bansag sa akin ng mga magiging kaklase ko.

Paglabas ko ng gate ay naghihintay na sa akin si Bes.Na agad umayos ng tayo mula sa pagkakasandal sa gate namin.

Sinipat ko ang suot niya,hindi kagaya kung naka civilian,siya e naka complete uniform na.Navy blue slacks,and closer to royal blue na color na polo.Nakatali ang nay kahabaan niyang buhok,na nakadagdag sa kagwapu---

Ipinilig ko ang ulo.Huwag mo ng ituloy Jana.Erase!

"Anong ginagawa mo jan?"patay maling tanong ko.

"Sabay na tayo sa school Bes."

"Kaya ko ng mag isa....Be-bes."Nauna na akong maglakad.Naiilang pa rin akong tawagin siyang Bes.

Sumunod siya sa akin.

"Malayo ang school natin dito,sabay ka na sa amin,ihahatid tayo ni Dad."

"Kaya ko na nga di ba?"

Bago pa man siya nakasagot ay may bumusina na sa likuran namin.

Napabuntong hininga nalang ako.

"J?Jana?halika na kayo at ihahatid ko na kayo sa school."Saad ni Tito Geo.Nakabukas na ang bintana ng magarang kotse nila.

"Bes,tara na."Aya niya sa akin.

Nakagat ko ang labi.'Ano ba naman 'to.

"Halika na nga."Aniya.

He grabbed my right wrist sabay hila sa akin papunta sa kotse nila.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto.

"Sige na mauna ka na."Aniya.

"Hi crush!"si Meng.

"He-hello."Sagot ko sabay nag aalangang pumasok at umupo sa gitna.

"Excited ka na,Jana?"tanong ni tita Janice.

"O-okay lang po.Salamat po ah."

"Sa alin?sa paghatid sayo?"tanong ni Tito.

"O-opo."

"Nako,kay Jeo ka magpasalamat."Sagot ni Tita.

Napalingon ako kay Jeo na nasa tabi ko na.

"Bakit Mommy?anong ginawa ni Kuya?"tanong ni Meng.

"Well..sinabi lang naman niya sa aming---"

"Mom,tara na po,malelate na kami."Singit ni Jeo.

Makahulugang nagkatinginan si Tito at Tita,pero hindi ko naman alam anong ibig sabihin nun.

"Akin na ang bag mo Bes."Saad ni Jeo.

"Huwag na. Okay lang ako."

"Sige ikaw bahala,Bes."

"Bes?bakit Bes?"sabat ni Meng.

"Best buddy."Sagot ni Jeo

Kagat ko ang labi,naiilang ako. Paano ba naman?magkadikit ang braso namin ni Jeo sa buong byahe,na tumagal lang naman ng mga 30 minutes.

Mabilis kasi ang sasakyan nina Jeo,pero kung tricycle lang,nako kulang kulang ng isang oras ang byahe.

Pagkarating namin ay nauna ng bumaba si Meng,sumunod naman si Jeo at huli ako.

Nabigla ako sa mga tilian ng mga babae sa school.

Si Jeo ba at Meng ang tinitilian nila?sikat ba silang dalawa dito sa school?hay nako!

"Buti nalang wala na yung bruhang si K!"
"Oo nga,libreng libre na ang Jeo natin!"
"Eehh!ang gwapo niya talaga!"
"Oo at si Meng,grabe crush na crush siya ng kapatid ko!"
"Hi Jeo!"

Nakagat ko ang labi at nakamot ang batok.

Wala nga si K,pero mukhang lahat ng mga babae sa school naman ang makakalaban ko ngayon.

"Sino siya?"
"Sino?"
"Yung babaeng badoy ang damit?nasa likod ni Jeo."

Eto na nga ba ang sinasabi ko.

Umatras ako,at pasimpleng humiwalay kina Jeo.

Bahala na,makikita ko naman yung classroom ko.Matanda na ako no.

Pero mukhang nagsisisi na ako.Sa laki ng school namin,eto at nawala na ako at napadpad sa classroom ng mga  freshmen's room.

Ano ba naman 'to!

"Bes?!Bes?!"

Mariin kong naipikit ang mga mata.

Gusto kong matuwa dahil nahanap niya ako,pero....ayokong mapalapit sa kanya dahil sigurado akong guguluhin ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya ang buhay ko.

Binilisan ko ang paglalakad at alam kong nakasunod sa akin si Jeo,dahil sa tuwing napapadaan siya sa mga rooms may tumatawag sa pangalan niya at may tumitili pa.

Please huwag mo na akong sundan!please lang!please!'usal ko habang binibilisan ang paglalakad.

Pero....

Nang maramdaman ko ang kanang kamay niya sa kanang palapulsohan ko alam kong hindi niya na yun bibitawan.

Dinala niya ako sa likod ng gymnasium kung saan mabibilang lang ang mga estudyanteng dumadaan.

Hinila ko ang aking kamay.

"Bitawan mo ako"Sabi ko.

"Galit ka ba sa akin Bes?"halata ang lungkot at pagkalito sa boses niya.

"Hindi."Sagot ko.Ni hindi ko siya matingnan ng maayos.

"Tumingin ka sa kin."

"Bakit ba?pumasok na nga tayo,ano bang ginagawa natin dito?"

"Mag uusap tayo.Bakit bigla ka nalang nawala kanina."

"Nauhaw lang ako."Pagsisinungaling ko.

"Bakit di mo ako sinama?"

"Kaibigan kita Jeo,hindi bodyguard."

"Bakit naging first name basis na naman tayo?"may himig ng pagtatampo ang boses niya. 

Nakunsensiya ako. 

"Bes,ayoko ng magulong buhay."Sabi ko. 

"Bakit?nakakagulo ba ako?"

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin." 

"E ano?"

"Basta. Kaya please,pagbigyan mo nalang ako."

Bumagsak ang mga balikat niya. 

"Jeo?!!oh my god,buti naman dito ka pa rin nag-aaral?!"bulalas ng babaeng lumapit sa amin. 

"Sino ka?bakit mo kausap ang campus heartthrob namin?at teka..transferee ka noh?"

"Jeo?kilala mo ba siya?"

"Hindi niya ako kilala,na-napulot ko lang ang panyo niya kaya binalik ko lang sa kanya."Pagsisinungaling ko. 

Malungkot na tumingin si Jeo sa akin. 

Di ko nakayanan ang mga titig niya kaya umalis na ako,iniwan ko siyang pinagkakaguluhan na naman ng mga babae. 

"I'm sorry Bes, I'm sorry."Usal ko. 

Ang akala ko,tuluyan na akong makakaiwas kay Jeo pero hindi dahil magkaklase kaming dalawa, parehong ICT ang strand namin kaya wala rin akong takas. 

Wala pang seatplan pero pinili ko ang pinakasulok na malapit sa bintana para hindi makaistorbo,at si Jeo ay mas pinili ang upuan sa likod na malayo sa akin. 

Naninikip tuloy ang dibdib ko.




Crazy Little Thing called FriendZone(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon