MAG♫ Chapter 18

5.3K 51 2
                                    

<--- VOTE NAMAN OH?! PLEASE!!!!!!!!! hahahhaa salamat!

Chapter 18:

*ZAB’s POV*

Umalis ako ng restau bar at pumunta na lang sa rooftop ng hotel. tanghali na pala. Ang ganda pala dito. May narinig kasi akong nag uusap ng trabahador dito. Sabi nila maganda sa rooftop. Dun na lang daw sila magmeet. Siguro magsyota yung mga yun. ^___^ ang sweet. Dito yung meeting place nila.

Umupo ako dun sa parang ilalaim ng puno. Yeah. May puno dito. May hill pa nga eh, tapos damuhan. Para siyang ganrden sa taas. Sa rooftop mismo. Yung railing nga eh grills na yung design eh pang europian. Feeling ko lang ganun yung style. Marami ring flowers. Nagdala ako ng foods. Magpipicnic akong mag isa? OO. Kailangan kong mag isip kung ano ang gagawin ko kay rafael.

Gusto kong mag isip ng paraan para makausap siya.

Alam ko na!! ipapakidnap ko siya kay kuya. Lalagyan niya ng piring sa mata. Tapos itetape ang bibig para hindi magsalita. Ako lang ang magsasalita at kailangan niya akong pakinggan.! TAMA! Ganun na lang. haha ang talino ko talaga.

Pero...

Baka masaktan siya. Manlaban kay kuya. Baka mabugbog niya si kuya. Kawawa naman yung walangyang kuya ko. TT______TT

Isip pa ako.

What if dalhin ko siya dito? Oo nga noh. Tutal maganda dito. Tapos sasayawam ko siya. Para makuha ko yung atensiyon niya. Hindi pwedeng kantahan kasi. Alam niyo na...

Kaya lang. nakkahiya naman.

Wag na...

What else pa ba? nakakainip na huh... nakakaumay na yung mga ideas ko. Hindi ko sila feel eh.

A-HUH!

Pwede na to, maghahanda ako ng candle light dinner.!!

Pero,

Wala akong pera na dala. Tsk. POOR pala ako.

What else? Yun na nga lang pangalawa. Dadalhin ko na lang siya dito. Tama! Pero hindi ako sasayaw. Itetape ko na lang bibig niya at itatali sa puno na ito para hindi siya malikot at makikinig lang siya sakin. pagkatapos, itong mga dala kong pagkain. Kakainin rin namin. Hahahaha :D ASTIG! Parang pinaghalo-halo ko lang yung mga ideas ko eh.

Ok. Tama! Tama! Ganun na nga ang gagawin ko.

Tumayo ako at dinala ang mga pagkain ko. Binubuksan ko na ang pinto nang ...

Ayaw mabukas.

OhMyGOd!! Why? Why?!! Bakit.

Open.open.open! mag open ka!!

“PLEASE!! BUMUKAS KA!” sabi ko. Na as if bubukas yan na parang open sesame lang.

Pero ayaw eh. Nalock ata ako? Noh? Hindi lang ata. Nalock talaga ako... urghhhh!!!!

*PAM’s POV*

Lalalalalalaalalalala<3

Kumakanta lang ako ng kumakanta dito sa seaside. Nag iisa ako kasi, iniwan ko sila doon. Nagpiprepare kasi sila eh. Secret kung ano yun. Hahaha tinatamad lang akong tumulong.

*ring* huh?

TITA ZAB calling...

Urghh.. nakkainis kasi si rafaeleh. Ayaw niyang kausapin namin si zab ngayon. Kaya i press the end button. Tsk. Nakakakonsensiya naman.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. At nakita ko si... si shin...

Aaminin ko guys... aamin na talaga ako. Siya si... siya si RB! Si registrar Boy.! Nakkahiya nga eh. Nung nakita ko siya at nalaman ko na siya ang shin na hinihintay namin parang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig. Siya ang gwapong lalake na nakita ko sa registrar office na natulala sakin. nang makita niya ako nung time na nakita ko siya, halata sa kanya ang pagkagulat pero binawi niya rin yun.

Simula nung nakita ko tong RB na ito sa RO lagi ko na siyang naiisip. Iba kasi yung dating niya sakin. napaka elegante niyang gumalaw. Pero poor ba siya kaya nag woworking student siya?

Nalaman kong si shin pala ang nanliligaw rin kay tita zab. Nnapakaswerte talaga ni tita zab, akalain mo yun, mahal na siya ni kuya lorenz, pati ba naman si shin...

Nilapitan ko si shin na nakaupo sa seaside.

Umupo ako sa tabi niya...

“ang layo ng tingin natin huh? At malayo rin ata ang iniisip?” sabi ko.

Napatingin siya sakin at nagulat. Pero nagsmile lang din siya...

“oh crush. Ikaw pala. Hahhaha ikaw huh? Crush mo siguro ako kaya sinusundan mo ako...” sabi niya.

“abah! Ang kapal! Excuse me! Hindi kita crush..” sabi ko. Pero like ko na ata siya? Haha ang landi ko naman kung sasabihin ko sa kanya yun.

“ok. Sabi mo eh.” Sabi niya.

“hindi ka naniniwala?” – ako

Nagshrug lang siya ng shoulder.

“e di wag.” – ako

“wala akong sinabi” – siya

“bahala ka nga diyan.” Sabi ko.

Tumayo ako at iiwan ko nalang siya. Kahit gusto ko pang magstay sa side niya wag na muna, nang aasar kasi eh. Lagi na lang niya akong inaasar. Simula nung sa van, he never stop teasing me. At natutukso naman ako. Ang gwapo niya kasi eh. Lalo na pag nkakapikon na talaga.

“wait ms.Crush....”

Pag sinasabi niya yung ms.crush... kinikilig ako. Naiinis ako sa kanya. Kasi tingin ko nahuhulog ako sa bitag niya. Isa siyang pa-fall na lalaki. Buti hindi nafall sa kanya si tita zab.

“ano nanaman?” sabi ko. As in tumigil pako at humarap sa kanya.

“ayieee. Feeling mo naman ikaw si ms crush. Ang dami kayang magaganda diyan...”

“ah ganun? Cge. Bahala ka diyan” inirapan ko siya at tumakbo.

Lagi na lang kasi niya akong inaasar eh. Naiinis naman ako sa sarili ko kasi, kasi... feeling ko may gusto siya sakin kahit na, alam kong si tita zab parin.

Nakita ko pa siyang tumayo at hinahabol ako. Bahala siya.

“haha ang cute mo talaga pikon!” sabi niya.

“oo na...” – ako

Naghahabulan lang kami.

“teka ms.crush.. may nahulog...” sabi niya...

Napatigil naman ako at tumingin sa paligid... wala naman. I didn’t see anything.

“wala naman huh? Ano ba yun?” sabi ko.

“yung puso ko. Pakipulot naman oh...” sabi niya.

Nagulat ako dun sa sinabi niya. This time. Ito na yung pinaka hindi magandang biro niya,. Natigilan ako grabe. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

At siya naman papalapit lang sakin.

“puso mo yan di ba? bakit ako ang pupulot? Di ba dapat ikaw?” sabi ko.

“gusto kasi niya ikaw ang pumulot. Pwede ba yun?” sabi niya.

Umiling lang ako at tumakbo papalayo sa kanya.

Ano bang gusto niya? Pinaglalaruan niya ba ako? Hindi ba gusto niya si tita zab? Nasaktannga ako nung nangyari kagabi eh. Hindi halata dahil magaling akong magtago. Pero nung sinabi niya yung mga yun kay rafael kagabi.. yung...

“alam mo... i love her. Kahit ano gagawin ko para sa kanya. I won’t even hurt her, hindi ko hahayaan na mangyari sa kanya ang lahat ng to, aalagaan ko siya, mamahalin at gagawin ang lahat para maging masaya siya. Kung pupwede nga lang, i will stay on her side forever to prove my worth...

Eh ikaw? Anong magagawa mo para sa kanya?”

Parang pinamukha niya lang sakin na... hindi magiging kami at hindi niya na ako magugustuhan pa...

My Amnesia Girl (my dreamboy's sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon