MAG♫ Chapter 40.1

5.1K 48 7
                                    

Chapter 40.1:

Dumating kami sa convention hall kung saan gaganapin ang party. Grabe! Ang laki. Ang daming ilaw. Nakakapit ako kay kuya. Syempre, siya ang escort ko. Ang ganda. Garden palang pamatay na. pano pa kaya yung sa loob? Mahal siguro magpaservice dito.

“yung laway mo tulo na bunsoy...”

Tss. Panira talaga to. May kasalanan pa nga siya kanina sakin eh. Sa inis ko sa kanya iniwan ko siya sa red carpet. Bahala siya.

Pero infairness ang ganda.

Pagdating sa party place, WOW!

-___-

Nakakainis!!!

Nakita niyo suot ko? Tss. Langya! Napakaformal ko samantalang yung mga nandito... simpleng dress lang ang suot. Simple yet ellegant. Samantalang ako long gown pa ang suot.

Glamorous? Yeah. Para lang naman akong aattend ng grammy award.

Stunning? TALAGA LANG! paano, lahat sila ngayon nakatingin sa akin. Kasi po, kakaiba ako sa kanila. Parang pinaghandaan ko ng di oras tong welcome party na to. -___-

Gorgeous?! Super. Parang girlfriend o asawa lang naman ako ng iwewelcome nila dahil super ganda ko ngayon.

Tiningnan ko si kuya. Ngayon ko lang napansin, he was just wearing polo and skinny pants. Pero gwapo. Casual lang suot niya.

Si papa naka amerikana. Si mama, well dress pero ang ganda niya, simple lang.

Eh bakit ganito ang suot ko?

Kasalanan nila lennys to eh! Ito ang pinili nilang kasuotan para sakin. tapos yung buhok ko, bongga. May glitters pa!

Ugh! Nakakahiya...

“anong nangyari sayo?” – kuya

“wala.” Sabi ko.

“eh bat parang hiyang hiya ka?” – kuya

“tss.”

“ikaw. San mo natutunan yang tss na yan?!”

“wala.” Sabi ko ulit at walk out.

Pinuntahan ko si papa. Nakita naman ako ni papa at mama kaya ngumiti sila.

“meet my daughter kumpare..” – papa

My Amnesia Girl (my dreamboy's sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon