Para sa taong nasa pinaka mababang parte ng lipunan ngayon
Hindi mo kasalanang mahirap ka. Sadyang Hindi ka lang pinalad.
Hindi mo kasalanang nandyan ka ngayon sa posisyon mo. Maaaring nakahiga ka ngayon kasi hindi pa nagtatawag si mama mo na "nak kakain na tayo". Paano nga ba magtatawag e wala nga kayong pangbili ng ulam. Hindi mo kasalanang, walang maipangpa-aral sayo ang magulang mo. Hindi mo kasalanan kung bakit ikaw ang sinabihan ng pinag-utangan ng nanay mo. Hindi mo kasalanang mahirap ka, at lalong hindi kasalanan ang pagiging mahirap. Hindi ka lang mapalad na magkaroon ng magulang na nakapag tapos ng pag-aaral. Hindi ka lang mapalad na magkaroon ng magulang na may trabaho, at kayang ibigay lahat ng gusto mo. Pero napaka palad mo, dahil sa hirap ng buhay dito sa mundo. Naandyan sa tabi mo yung magulang na di nakapagtapos pero pinipilit kang palamunin. Naandyan yung magulang mong kahit maraming utang pinipilit pa din diskartehan yung pangbaon mo sa araw-araw. Napaka palad mo.
Mapalad ka pa din kahit Nahihirapan ka ngayon.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Reyalisasyon para sa Isang Reyalidad
RandomPara sa mga taong walang mapagsabihan ng problema. Sa taong walang maka-usap. Sa taong palaging umiintindi pero kahit isang beses, hindi naintindihan ng iba. Sa taong pipi. Sa taong di marunong magsalita. Sa taong walang kaibigan. Sa taong puno na n...