Para sa taong umiintindi pero di iniintindi
Ako. Naiintindihan kita.
Marami kang problema? gusto ko lahat marinig yan. Okay lang umiyak, sige, iiyak mo lang. Hindi porket umiiyak ka, mahina ka na. Alam ko yang pakiramdam na yan. Pakiramdam mo, gusto mong mag sabi sa iba pero walang nakikinig sayo. O kung meron man, di ka naman nila naiintindihan. Ayos lang yan.
Naiintindihan mo ba sarili mo? kung oo, yun lang yung mahalaga. Walang ibang tao ang responsibilidad para sa nararamdaman mo. Kaya kung naiintindihan ka man nila o hindi, Hindi rin maiibsan ng bigat yang dinadala mo. Mahalagang naiintindihan mo yung sarili mo, ikaw at ikaw lamang ang may kontrolado ng emosyon at isip mo. Walang nakaka intindi sayo? Andito ako. Halika, lapit ka, andito lang ako. Tumingin ka sa salamin at palagi lang akong andon. Makikinig ako sa lahat ng problema mo, nangyari sayo sa araw-araw, o kahit kung naka ilang baso ng tubig ka na sa isang linggo.
Andito ako. Makikinig ako sayo.
Andito ako. Iintindihan kita, a-ko."Hindi man ako maintindihan ng ibang tao, andito pa din yung sarili ko para intindihin ako."
BINABASA MO ANG
Isang Daang Reyalisasyon para sa Isang Reyalidad
RandomPara sa mga taong walang mapagsabihan ng problema. Sa taong walang maka-usap. Sa taong palaging umiintindi pero kahit isang beses, hindi naintindihan ng iba. Sa taong pipi. Sa taong di marunong magsalita. Sa taong walang kaibigan. Sa taong puno na n...