Para sa taong Walang Magulang
May magulang ka naman. Di mo lang alam kung magulang mo ba talaga sila.
Isa ka siguro sa mga taong nakakaramdam nito. Alam kong may magulang ka. Di mo na kailangan ipakita sakin yung birth certificate mo. Oo na, may magulang ka na. Pero nasaan?
Nasaan sila nung umiiyak ka kasi may nang-aaway sayo sa school? Nasaan sila nung kailangang may aakyat sayo sa stage kasi honor student ka pala, o di kaya naman, graduation mo na. Nasaan sila nung unang heartbreak mo? Alam ba nilang nagka jowa ka man lang? Nasaan sila nung lahat iniwan ka? Diba dapat naandyan sila? sa tabi mo.
Diba? Wala.
Pero May Magulang ka hindi mo lang nakita kasi nakatutok ka sa nararamdaman mo. Masyado kang naghahanap pauna pero di mo man lang sila tingnan sa likod mo. Nandito sila. Di mo nakikita kasi Di mo tinitingnan. Palagi mong tinitingnan ay yung sarili mo lang. Palagi kang nakaharap sa salamin pero nag reflect ka man lang ba?
Maaaring wala sila sa tabi mo, pero iniisip ka din nila palagi. Araw-araw. Kahit gaano ka-toxic sa work pumapasok pa din sila. Paano na mga pangangailangan mo kung di sila magtatrabaho?
Nasa ibang bansa? alam nating lahat na nasa airport pa lang sila, ayaw na kagad nilang iwan ka. Sino ba namang magulang ang gustong malayo sa anak? Akala mo lang yun lahat. Akala mo hindi ka mahal. Akala mo ayaw na sayo. Akala mo, kaiwan-iwan ka na. Pero gising, ito reyalidad oh!
Kailangan may umalis para may mabuhay. Kailangan may mag sakripisyo para may maganda ang buhay. Nahihirapan ka? Nahihirapan din sila. Di palaging ikaw. Isipin mo din sila.
May magulang ka, pero nagpakabulag ka.
Siguro magkaiba lang kayo ng pananaw. Naga sign language sila, habang ikaw bulag sa kanila. Kaya hindi kayo nagkakaintindihan ng magulang mo, di mo nahahanap kung nasaan yung magulang mo.
Totoo naman. Mahirap hanapin ang may bibig, habang ikaw ay bulag.
Imulat mo mga mata mo, andito sila.
BINABASA MO ANG
Isang Daang Reyalisasyon para sa Isang Reyalidad
CasualePara sa mga taong walang mapagsabihan ng problema. Sa taong walang maka-usap. Sa taong palaging umiintindi pero kahit isang beses, hindi naintindihan ng iba. Sa taong pipi. Sa taong di marunong magsalita. Sa taong walang kaibigan. Sa taong puno na n...