Para sa taong hindi sigurado
Ewan ko. Baka. Siguro. Ata.
Ikaw yun. Yung hindi sigurado, palaging di alam kung o-Oo o Hi-hindi. Pero di mo naman kailangan palaging maging sigurado. Kailangan mo lang matutunang tumaya sa tamang pato. Walang kasiguraduhan sa buhay. Di mo nga alam kung kailan ka mamamatay e.
Hindi ka nawawala. Nasa tamang daan ka pa din. Pero hinay-hinay muna. Masyado kang nagmamadali, gustong gusto mo na kasing makita kung ano yung nasa dulo ng nilalakaran mo. Wag. Hayaan mo lang na matapos, hayaan mo lang na umabot ka hanggang dulo, hayaan mo lang na bumaliko yung dinadaanan mo. Minsan kailangan mong hayaan mo lang muna.
Huwag kang mainis sa mga bagay na hindi ka sigurado at sa mga bagay na hindi mo kontrolado. Tama lang yan, ganyan lang. Hindi ka sigurado? Bakit? Ako ba, sigurado? Sila ba, sigurado?
Lahat tayo nalilito.
Pero hindi magiging masaya ang buhay mo kung hindi ka tataya. Tumaya ka din naman. E ano kung di ka sigurado? kung di mo alam kung ikaw ba yung panalo o matatalo?
Yun ang buong punto ng buhay. Matuto kang sumugal sa paraang maiintindihan mo ang dahilan kung bakit ka natalo at sa paraang tataya ka ulit kahit ikaw ang nanalo. Walang tama at mali, lalong walang oo at hindi.
Siguro ang pinaka sigurado sa mundo.
Ikaw, ikaw yung siguro ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/339543223-288-k514880.jpg)
BINABASA MO ANG
Isang Daang Reyalisasyon para sa Isang Reyalidad
De TodoPara sa mga taong walang mapagsabihan ng problema. Sa taong walang maka-usap. Sa taong palaging umiintindi pero kahit isang beses, hindi naintindihan ng iba. Sa taong pipi. Sa taong di marunong magsalita. Sa taong walang kaibigan. Sa taong puno na n...