FLOFS 1: Finding Girlfriend

27 0 0
                                    

Prince Skylar POV

" Oh, breaktime muna tayo. Nakakapagod ang araw na'to. " abot ni Ken ng pagkain samin ni Daniel.

Nandito kami ngayon nagpahinga sa seven eleven at may katapat itong school na Astral University. Medyo malayo layo na rin ito sa school namin, sabi ni Daniel dito daw sila dati tumatambay dahil tapat lang ng school at maraming chix siyang nakikita kaya doon palang busog na siya.

" Grabe nakakapagod 'tong problema mo tol." Sabi ni Ken na parang nawawalan na ng pag-asa.

" Sino pa bang hindi nakakakilala sa'yo? E, kahit nga sa ibang school sikat ka pa din. Grabe, ikaw na talaga." Sabi naman ni Daniel habang nakatingin doon sa babaeng nagbebenta sa harap ng gate kaya napatingin din ako doon.

" Tignan mo si Sav, kahit tirik ang araw nagbebenta pa rin siya."

" Sino siya?" tanong ko, habang nakatitig pa din doon sa babae na pawis na pawis habang nagtitinda sa labas ng gate.

" Si Savannah. Classmate natin 'yan dati hindi mo maalala? " sabi ni Ken.

" Katabi mo nga dapat siya noon, kaso kinausap ni Thalia na palit daw sila ng upuan. Alam ko natanggal na siya sa scholarship kaya dito siya bumagsak sa Astral University. " Kwento ni Daniel habang uminom ng coke.

" Ngayon ko lang siya nakita. "

" Ano!? Classmate natin siya matagal na. Huy, halos 3 years tinaggal nun."  Sabi ni Daniel.

" E, ngayon ko nga lang siya nakita. Anong magagawa ko. " sabi ko at tumayo. " O, saan ka pupunta? " tanong ni Daniel.

" Kakausapin ko siya."

" Para saan? "

" You will see."

" Teka. Sama kami. " sabi nila at hinabol ang lakad ko.

Lumabas na kami sa seven eleven kahit hindi naubos ang pagkain namin. Nakarinig naman kami ng mga tilian sa paligid at mga bulong bulungan na para bang mahihimatay sila dahil nandito kami sa tapat ng school nila.

Nakarating na kami sa harap ni Savannah pero hindi man lang siya tumingin samin dahil busy siya magbilang ng barya.

" Hi. " bati ko doon kay Savannah at agad naman siyang napatingin sa'kin pero walang emosyon.

" Bakit." sabi niya habang naka tingin pa rin sakin na parang nagtataka.

Tama bang bakit ang sagot sa Hi?

" Binebenta ka ba? " halata naman nagulat siya sa sinabi ko pati na rin ang ibang estudyante na nakikinig.

" H-ha? "

" Ang sabi ko binebenta mo ba sarili mo? " ulit ko sa tanong ko at halata naman nagalit siya sa tanong ko.

" Bobo ka ba? " pagkasabi niya nun tumawa ang dalawang kumag sa likod ko.

" Bobo ka pala tol eh. " natatawang sabi ni Daniel.

" Bakit kasi may nakasabit sa leeg mo na for sale? " Napatingin naman siya dito. " Ah, ito? walang akong masabitan eh."

" Bibilhin na kita."

" Bobo ka ba talaga? "

" Pang ilang bobo mo na'yan? "

"Hindi nga ako binibili, kung gusto mo ng may mabili ka. Itong relo ko 150 'yan. Isang daan nalang para sa walang utak na kagaya mo na sinasayang lang ang oras ko."

" What did you say? "

" Bobo na nga, bingi pa." pang bara niya sakin. Bigla naman akong napangisi sa sinabi niya at 'yung dalawang kumag dito kanina pa panay tawa.

For Love or  For SaleWhere stories live. Discover now