ZEL
NAPANGITI ako habang nakatingin sa mukha ng anak kong mahimbing na natutulog habang yakap yakap ang kaniyang teddy bear.
I'm sorry anak. I have to act that I am blind by the truth that I am your mother.
Sana mapatawad mo ako.
Hinihiling ko na sana kung alam mo lang na ang mama mo, ay nasa harap mo na. At niyakap mo na kagabi matulog.
Ang sakit lang, dahil magbubulag-bulagan ako.
Aakto akong walang nakita kagabi, at maging si Miss Ganda, na nakilala mo.
Napatingin ako sa maliit na siwang sa pinto ng may naramdamang may nakatitig sa akin.
"S-Sino yan?" Kinakabahan kong tanong habang umaalis sa kama para puntahan ang pinto.
Matatakutin talaga ako pagdating sa mga munting ingay. Kung ano ano nalang kasi ang naiisip ko.
Pagkaharap ko palang sa malaking pinto ng kwarto ni Luna ay agad ko itong binuksan ng walang pagdadalawang isip.
"Aaaaaaahhhhh!!!!" Sigaw ko.
"Fuck! Why did you suddenly opened the door?! It hit me! Ouch! Shit!" Sigaw din niya na may kasamang pagmumura.
Grabe naman pala 'tong papa ni Luna makapag mura. Di ko akalain ah.
Kung lalaliman pa, ay ganito pala ang asawa ng totoong Zel Lukasha?
Malas niya kung ganoon.
Matapos ang pag d-drama niya ay nagkatitigan kaming dalawa ng mata sa mata.
"Amore..." Bulong niya.
Nataranta ako ng bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya at saka niyakap.
"A-Amore...i-it's you...I've been waiting for you to come back..our child Luna wants to hug you so badly.." Nanginginig ang boses niya.
Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil hindi naman talaga ako ang totoo niyang asawa, hindi naman talaga ako ang totoong Zel Lukasha.
Oo nga, parehas kami ng pangalan. Pero hindi naman sa ganon na ako na talaga ang matagal niyang hinahanap.
"Uh...uy..." Nahihirapan kong sambit dahil sobrang higpit na ng kaniyang pagkakayakap.
Nang mapagtantong sobrang higpit nga ay binitawan niya agad ako.
"Uh, sorry ah. Pero I have something to confess to you." Panimula ko. "So, this is the tru-"
Natigilan ako nang biglang may nagsalita.
"Dad? Miss Ganda? Why are you together? Here in my room?" Tanong nito at kinusot kusot ang mata.
Si Luna!
"Ah..wala, hehe." Sambit ko
"Luna Gabriella, prepare yourself a summer dress. For her too." Sabay sulyap sa akin.
Hinila naman agad ako ni Luna patungong walking closet niya.
"Here! Ako po ang pipili sa magiging summer dress nating dalawa po! Maraming pong available dito sa closet ko. Pair kasi kami ni mama..." Humina na naman ang boses niya.
Ang napili niya ay isang yellow off shoulder para sa 'kin, at sa kaniya naman ay yellow dress lang. With a pair of white flat sandals. And a black sunglass.
Pak! 8 years old palang yan ah! Born fashionista na!
Pair pala kami ng susoutin. Para tuloy kaming mag ina talaga.
Makalipas ang ilang oras ay tapos na ako malagyan ng slight make up ni Luna ay lumabas na kami sa kwarto niya.
"Let's go po, naghihintay na po si dad sa sasakyan." Nginitian ko lang siya saka hinawakan ang kaniyang maliit na kamay at sabay na kami lumabas ng mansyon.
Sasakay na sana ako sa backseat nang tumikhim siya bigla, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Napaawang labi ako nang magkatitigan kami ng mata sa mata.
"Hey, you. You should sit here beside me." Maawtoridad niyang utos.
Napalunok ako saka sinulyapan si Luna na nakatingin sa akin nang may halong tukso.
Tinaas taas niya ang kaniyang kilay senyales para sa front seat ako umupo.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng lumabas siya at siya na mismo ang nagbukas para sa akin.
"Here." Malamig ang boses niya.
Sumakay naman ako na nanginginig.
Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali dahil panay sulyap siya sa akin na para bang mawawala ako doon.
"Hey, why are you shaking? You're scared aren't you?" Tanong niya at hinawakan ang nanginginig kong kamay.
Agad ko namang hinablot ang kamay ko dahil sa pagkabigla.
Napatingin tuloy siya sa'kin na may halong pagtataka.
"Ah eh...sorry, nabigla lang ako hehe." Nahihiya kong sambit habang nakayuko.
"It's okay, but cooperate later." Sambit niya habang nakatuon pa din ang mata sa daan.
"Cooperate saan?" Tanong ko naman.
Pinabagal niya ang pagpapatakbo niya at nilingon muna si Luna sa backseat na ngayon ay nakatulog na saka tinitigan ako ng mata sa mata.
"Dapat kang umaktong si Luna Lukasha, mamaya. Pupunta tayo sa isang beach wedding." Sambit niya.
Luna Lukasha? Anong ibig sabihin niya? Baka iyon talaga ang totoong pangalan ng asawa niya at ina ni Luna Gabriella.
Parang biniak tuloy yung puso ko sa isiping iyon.
Di ko napigilang magtanong. "L-Luna Lukasha? S-Sino iyon?"
Nangunot ang noo niya.
"It's my wife's name. And I think her name and yours are the same."
Dahan dahan kong ipinilig ang ulo ko, na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Z-Zel Lukasha ang pangalan ko.. Hindi Luna Lukasha..." Humina ang boses ko.
"So, it's not you? You're not my wife? Then why her face and yours is very similar? Care to explain. What the hell is happening?"
Dumadagundong na ang tibok ng puso ko sa kaba.
Ayokong sabihin.....
"H-Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta dito eh. Kaya wala akong kaalam alam sa nangyayari. Saka, sinasabi ko yung totoo ah." Maikling paliwanag ko.
Napalunok ako ng ilang beses ng bigla niyang kinalas ang kaniyang seat belt at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Literal, na sobrang lapit talaga.
Naamoy ko ang kaniyang mabangong hininga.
Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata.
At iyon nga, naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.
Dahan dahan niyang iginalaw ang kaniyang labi. At ako naman na hindi marunong humalik ay ginabayan niya.
Ilang segundo lang ay ginagaya ko na kung paano niya igalaw ang kaniyang labi, at literal na kaming naghahalikan.
"I love you, amore..." Hinihingal niyang sambit at isinukbit ang ilang buhok sa tenga ko.
Hindi...hindi ako rereply! Aaaa! Ayoko kayang umasa heh!
Hahalikan na sana niya ako ulit ng biglang magsalita si Luna sa likod.
"Halaaaa! Miss Ganda? Dad? O to the M to the G! O-M-G!" Kinikilig na aniya.
Patay tayo nyan!
..
[LOVE OBSESSION #1]
TEAM ZEL LUKASHA?
OR
TEAM LUNA LUKASHA?
Sophisticated, gentle, caring Luna Lukasha
VS.
Clumsy, Clingy, Loud Zel Lukasha
A: Carver!!!! Pumili ka ng tama! Naku sayo!!! Huhuness.
YOU ARE READING
Until We Meet Again Love Obsession Series #1
RomanceZel Lukasha Gomez, a girl who is in coma for 3 years. Sa gitna ng mahabang pagtulog niya ay makikilala niya ang taong matagal nang naghahanap sa kaniya. Love Obsession Series #1 THE STORY WHERE THE VILLAIN GETS THE GIRL. Written in Taglish Date Pub...