ZEL
NAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa katawan ko.
Katawan?!
Agad kong iminulat ang aking mga mata at para akong tinakasan ng kaluluwa nang makita ang sarili ko.
Hubo't hubad ako!
Tinakpan ko agad nang aking kamay ang mga sensitibong parte ng katawan ko.
Napalinga linga ako sa paligid at saka lang napagtantong gabi na.
Bakit ako nakahubad?
At saka, bakit ako narito?
Mukhang hindi ko pa napuntahan ang lugar na ito.
Naalala ko na mataas ang aking buhok, kaya naisipan kong itakip iyon sa aking hinaharap pero hinahanap pa din ng aking palad ang buhok ko pero wala.
Hinawakan ko ang aking ulo at saka lang napagtantong sobrang ikli na nang buhok ko.
Parang si Rapunzel tuloy ako. Yung nagupit na yung buhok niya. Huhu.
"Aaaaaahhhhhh!!!!, ang malas mo talaga Zel Lukasha! Kahit kailan!" Singhal ko.
Nakarinig ako ng iilang kaluskos sa paligid ko.
Waaaaaa! Baka makita nito akong hubad!
Napapalunok na ako. Takte!
Biglang lumabas doon sa bush ang isang batang babae na nasa edad na 8 years old.
"Anong ginagawa mo po rito? Miss ganda? Gabi na po." Anito
"Eh, ikaw bata. Anong ginagawa mo dito? Ang lalim na ng gabi, tas lumalabas ka pa. Alam mo bang bawal lumabas ng gabi ang bata? Kukunin ka ng mumu!." Pananakot ko rito.
Pero mukhang di gumana dahil tinawanan lang ako nito.
"Hahahaha! Wala pong mumu dito Miss Ganda."
Wait, maganda ba talaga ako? Oh baka pinaglalaruan lang ako ng batang 'to?
"Bakit ka po nakahubad? Ang lamig po dito sa labas."
Pinaningkitan ko lamang ito ng mata. "Eh, hindi ko nga alam kung bakit ako narito eh." Tugon ko naman.
"Halika po, sumama ka po sakin. Ay! Wag nalang po, kunan ko nalang po kayo ng bestida! May mga bestida kasi na naiwan si mama sa bahay namin." Lumungkot ang kaniyang mukha.
"Naiwan? Bakit naman? Saan ba mama mo?" Tanong ko.
"Nawala po siya bigla sa piling namin ni papa, kaya kami nalang po ang nakatira sa bahay namin."
"Saan naman papa mo?"
"Umalis po, pero dadating na din po iyon. Maya-maya. Sige po, diyan ka po muna, at kunan lang kita ng maisusuot mo hihi." Anito at kumaripas ng takbo.
Hayy, kawawa naman kung ganun.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating agad siya na may dalang bestida, bra at boxers.
Wait, BOXERS?!
Saan naman nito kumuha?
Baka mapagalitan siya ng papa niya!
"Uy, psst bata. Saan mo kinuha tong boxers? Mukhang mamahalin eh."
"Kay papa po. Pag matapos ka na po mag bihis diyan, isasama po kita sa bahay namin hehehe, kumain ka po doon." Nakangiting aniya.
"S-Sige, salamat ah." Pasalamat ko.
,
Matapos kong magbihis ay saka ko lang na realize na ang ganda pala ng bestida na pinahiram niya sa akin.
YOU ARE READING
Until We Meet Again Love Obsession Series #1
RomanceZel Lukasha Gomez, a girl who is in coma for 3 years. Sa gitna ng mahabang pagtulog niya ay makikilala niya ang taong matagal nang naghahanap sa kaniya. Love Obsession Series #1 THE STORY WHERE THE VILLAIN GETS THE GIRL. Written in Taglish Date Pub...