Chapter 7

206 13 6
                                    

CAIRO: pagkababa ni KC make sure na magso-sorry ka sa kanya, okay? Alam ko naman na kaya mo lang nasabi yun para malaman kung mahal pa ni KC si Drew, pero you heard KC, you heard him, he said he's trying to move on, na gusto niya ng kalimutan si Drew kaya pwede ba, hayaan na natin siya, hindi na natin siya mapipilit pa na mahalin si Drew, kita niyo naman kung gaano siya nasaktan ni Drew diba?
VAL: pero kasi i promised Drew na hindi ko hahayaan na mahulog si KC sa iba, kasi babalik siya para sa kanya
WYATT: pwede ba, what are you expecting? Na babalik pa siya? Kung babalik siya dapat noon palang ginawa niya na, hindi yung papaasahin niya tayong lahat kung babalik pa ba siya o hindi na, bakit nung umalis ba siya nakakausap niyo pa ba siya simula nun? Hindi naman na diba, kasi malabo na, na bumalik pa yung gago na yun, he left us and he left KC, alam niyo ba kung gaano katagal bago naisipan ni KC na kalimutan na siya, it took him 2 years to move on, araw araw siyang umiiyak dahil sa lalaking yun samantalang siya ni isang beses hindi niya tayo sinubukang kamustahin man lang, Oo alam ko kaibigan niyo si Drew, pinsan ko siya kaya pwede ba, hayaan niyo na si KC, hayaan niyo na siya na makalimot,

Pagkatapos sabihin yun ay lumabas na ito at sinundan naman siya ni Cairo,

VAL: mali ba ako babe? Gusto ko lang naman na magkaayos sila
AUDREY: i understand you pero kasi it's not our business anymore babe, it's their problem not ours so let them solve it okay, sige na tama na yan, let's just continue practicing on the stage,
VAL: sorry babe
AUDREY: alam mo naman na hindi ka dapat sa akin nagso-sorry diba?
VAL: i know,
AUDREY: just wait for them to go down then tell him how sorry you are, okay? Hindi na kasi natin hawak yung desisyon na yun eh babe, oo tayo gusto natin na magkaayos at magkabalikan sila pero pa'no kung sila ayaw na nila?
VAL: i get it now,
AUDREY: good,

At the Rooftop.

DARWIN: you okay?
KC: yeah,
DARWIN: hayaan mo na siya, siguro kaya niya lang nasabi yun kasi ayaw niya sa akin para sayo, na mas gusto nila si Drew
KC: but i clearly said it to them na gusto ko ng mag-move-on, na gusto ko ng makalimot, lahat, lahat ng sakit, at mga luhang ibinigay ko sa kanya, lahat yun gusto ng makalimutan, lahat ng memories naming dalawa, kasi sobrang tanga ko na, kasi hinayaan ko pa na magtagal yung sakit na nararamdaman ko bago ko tuluyang ma-realize na gusto ko ng makalimot, at syaka time na din siguro para hayaan ko na siya na maging masaya kahit sa piling pa ng iba, masakit at mahirap, Oo pero kailangan eh, yun lang din kasi yung nakikita kong way para tuluyan na siyang makalimutan, kailangan ko na siyang palayain para magawa ko yun, at syempre kailangan ko na ding palayain yung sarili ko kasi hindi naman pwedeng habang buhay nalang akong aasa sa kanya, pero tama si Val, at some point nage-expect pa din ako na babalik siya, pero wala eh, malabo na yun, at syaka kung gusto niyang bumalik dapat noon pa diba? Kung talagang umalis siya para maging okay ang lahat, sa amin, sa kanya, kaso mukhang wala na, wala na siyang balak na bumalik, kung tutuusin okay lang naman lahat sa amin eh, okay lang

Dahan dahan namang pumapatak ang luha sa mga mata ni KC,

KC: Darwin, minsan iniisip ko kung kumusta na ba siya, kung okay lang ba siya? Kung okay na ba siya? Gustong gusto ko siyang makita, pero hindi para makipag-ayos o makipag-balikan, gusto ko lang siyang kamustahin, siguro kapag okay na siya at napanatag na ako, siguro baka dun lang ako maka-move-on
DARWIN: (niyakap niya si KC habang hinahaplos nito ang kanyang likod) i'll help you
KC: what? (tanong nito bago kumalas sa pagkakayakap ng binata)
DARWIN: i'll help you to move on, tutulungan kita para makalimutan mo siya, just use me to move on, (pagboboluntaryo nito)
KC: no, hindi pwede, ayoko na maging unfair sayo at sa nararamdaman mo
DARWIN: no, you're not, i'm suggesting it, i want you to move on, to heal quickly, baka sakaling kapag okay ka na, magkaroon na ako ng chance dyan sa puso mo, baka sakaling pwede mo na akong papasukin at baka sakaling pwede mo na akong hayaan na mahalin ka at pasayahin ka, gamitin mo lang ako hangga't gusto mo, sobrang willing na willing ako na tulungan ka, wala akong ibang gusto kung di ang maging masaya ka, ang alagaan ka, at ipakita sayo kung gaano ka kahalaga, okay lang sa akin na gamitin mo ako, basta hayaan mo ako na mag-stay sa tabi mo, yun lang yung hinihingi ko na kapalit,

Still Into You (BossPeat x FortNoeul x BossNoeul x FortPeat STORY) COMPLETEDWhere stories live. Discover now