Friends With Benefits

18 1 0
                                    

TITLE : Friends with Benefits
ONE SHOT STORY REQUESTED BY : Arisse Dump


”Ihahatid kita ngayon, susunduin din kita mamaya para sabay ulit tayo sa pag-uwi.” tumango ang kaibigan kong si paula, isang college student at nag-aaral ng kursong BSTourism. Matangkad si paula, maganda at maputi. Mahaba ang buhok at natural na kulay itim iyon, she have a curve eye lashes. Her nose is perfectly pointed. Mapula ang labi niya, mahaba ang leeg and her collar bones is perfect on her uniform.

Wala akong ibang masabi kundi maganda halos lahat kay paula. We're been friends since first year highschool, nagkakilala kami sa canteen kung saan lagi kaming nagkakasabay kumain. I talk to paula first that day,  kumbaga nag first move ako hindi dahil gusto kong magpapansin, yeah. She's really a stunning student at kahit sino naman gustong magpapansin sa kanya. Hindi ko lang mapigilang pansin ang sauce nito sa mukha noon kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya.


Nang araw na iyon, naging kumportable ako sa kanya at nabawasan na ang aking kahihiyan. Siya rin ang unang nag-alok sa aking tumabi sa kanya nang wala ng bakanteng upuan sa canteen, chance na rin iyon para makatabi siya. I grab that oppurtunity, sino ba ang tatanggi sa isang tulad niya.

Until now, we are still friends. Pero sinabi ko sa kanya noong matapos naming makapagtapos ng highschool. Liligawan ko siya, kahit alam ko ng may boyfriend siya noon pero pinilit ko pa rin mapalapit sa kanya.

At hindi naman ako nabigo hangga sa maghiwalay sila ng nobyo niya. First year college siya noon, yung lalake ang nakipaghiwalay at hindi ko alam kung anong reason niya. Since that day, hindi na nagpakita yung ex boyfriend ni paula. Ang sabi ng mga kamag-anak ng lalake, tumungo sila abroad upang doon sila mag-aral ng dalawang niyang kapatid.

Tyron ang pangalan ng ex boyfriend nito, since nakilala ko si paula. Nobyo na niya ang tyron na 'yon, mayabang at arogante. Mayaman kasi kaya kung umasta akala mo kung sino.

”Same schedule lang tayo tuwing biyernes hindi ba?” tumango ako sa tanong niya. Madalas na magkasabay kaming pumasok sakay ng mutorsiklo ko, sabay rin kaming umuwi kung saan sa apartment ko ito dumidiretso.

Si paula ay tubong bicolana, dahil mataas ang pangarap niya. Nakipagsapalaran ito sa manila upang maghanap ng trabaho at makakuha ng scholarship. Samantalang ako, ulila ng lubos at bukod tanging ang kuya ko na lamang ang kasama ko na ngayo'y katuwang sa apartment na tinitirhan namin.

”Oo, hihintayin na lang kita sa labas ng classroom.” tumango si paula. Kahit naman na tumanggi siya hihintayin ko pa rin ito, sa tagal na naming nagsasama. Hindi na talaga kaibigan ang turing ko sa kanya, nahalikan ko na ito noong araw ng kaarawan ko. Noong nakaraang taon iyon, hindi siya umangal at tumugon ito sakin. Sa aking palagay, nagugustuhan rin niya ako. Hindi ko lang malaman kung ano talaga ang stado ng relasyon namin.


NANG araw na iyon, natapos ang klase namin alas kwatro ng hapon. Tambak na assignment ang meron ako dahil nga graduating na, maraming kailangan gawin sa bahay at hindi ko alam kung matatapos ko ba itong lahat ngayong gabi.

May trabaho ako tuwing araw ng biyernes,
sa isang restaurant na kung saan ay gabi lang ang aking duty, tatlong beses akong pumasok sa isang linggo dahil nasabi ko sa owner ng restaurant na isa akong working student. Mabilis na kinuha at tinanggap niya ako, nagbibigay siya ng allowance sa akin kada biyernes na hindi ko naman tinatanggihan dahil ipipilit lang din niya iyon.


Gaya ng sinabi ko kay paula, hihintayin ko ito sa harap ng classroom nila. Saktong pagtapak ko sa palapag kung nasaan ang kanilang silid, doon din ang paglabas nilang magkakaibigan. Tumawa ang kaibigan niyang si theza na makita ako, ang isa naman niyang kaibigan na si evelyn ay ngumiti sa akin.

ZAZALAB ONE SHOT STORYWhere stories live. Discover now