CHAPTER 9: SORRY

1.5K 32 0
                                        

Lei's POV.

   "Sometimes people make wrong decisions. Decisions that sometimes we are no longer able to correct. Especially if someone else was involved in the decision you made."

Isinara ko ang librong binabasa ko ng matapos ko ito. one-week na rin ang lumilipas ng malaman ko ang sikreto ni Kian or Kurt. Hindi ko pa rin makalimutan na pinag-mukha niya akong tanga.

Dahil isang linggo na nga ang nakakalipas. Isang linggo ko na rin hindi nakikita si Kurt sa campus. Mabuti na rin yon para hindi ko naaalala yung ginawa niyang pagsisinungaling sa akin.

Nagtungo ako sa kusina after ko basahin ang libro na hawak ko. Naabutan ko pa na kumakain ng breakfast si Daddy. Nasa Pilipinas siya ngayon dahil may one-week siyang bakasyon at after no'n ay balik New York ulit siya.

"Gising ka na pala. Nag-breakfast ka na ba?" bungad niya sa'kin.

"Yes, dad. Kanina pa po." sagot ko naman.

"I received a call from Mr. Thompson, pinapapunta niya tayo sa bahay nila." sabi niya naman.

"Tayo?" pagtatanong ko.

"Yeah, gusto ka daw niya ma-meet saka request ng anak niya na isama kita." sagot naman ni Daddy. Ilang segundo akong natahimik. Sasama ba ako o magdadahilan ako? Paano kung magkita kami ng bwisit na Kurt na 'yon.

"Is there a problem?" pagbabasag ni Dad sa pag-iisip ko.

"Wala naman po." sagot ko.

"Kung gano'n, magbihis ka na. After ko dito aalis na tayo." utos niya na kaagad ko namang sinunod.

Gusto ko umalma pero alam ko naman na hindi papayag si Daddy na hindi ako sasama gayon pa na request na kailangan kasama ako. Alam ko naman na si Kurt ang nag-request na isama ako. Siya lang ang kilala ko sa pamilya nila.

Habang busy ako sa paghahanap ng damit na susuotin ko ay isang text message ang natanggap ko galing sa unknown number. Ang sabi sa message ay:

 "See you later."

I ignore the message at nag-patuloy sa pagbibihis. Nakakaramdam ako na may hindi magandang mangyayari mamaya pag-dating namin sa Thompson Mansion.

Nang matapos ako ay dumiretso na ako sa garage dahil nando'n na si Daddy. Bawal sa kanya ang matagal na pinaghihintay. Para sa kanya ang oras ay mahalaga at hindi dapat sayangin.

"Wow, you look stunning." sabi ni Dad ng makita ako.

"Syempre kanino pa po ba ako magmamana?" sagot ko naman.

 "Syempre sa Mommy mo. C'mon." sabi niya at pinasakay na ako sa kotse.

                                                                        THOMPSON MANSION

 Luminga-linga ako sa paligid ko. Nakaka-amaze kasi ang itsura ng mansyon nila ngayon. Nakakapunta ako dati dito pero hindi pa siya ganito kaganda. Ang dami ng nabago.

"Mr. Thompson, I'm gladly that we meet again. This is my daughter, Elleina." pagpapakilala sa akin ni Daddy.

"Ano ka ba, Deniel na lang. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Siya na ba yung bata na palagi mong kasama dito dati?" tanong naman ni Mr. Thompson.

"Nice to meet you again sir." bati ko at bumeso.

"Tito na lang. Pinapatanda niyo naman akong mag-daddy." sagot niya naman.

"Thank you for inviting us. May pag-uusapan ba tayong mahalaga? About school?" tanong naman ni Daddy.

"Mamaya na yan. Let's go, nagpahanda ako ng konting pagkain sa garden." pag-aanyaya niya. Sumunod naman kami ni Daddy.

Casanova In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon